Kabanata 11

28 1 0
                                    

The days runs fast, mas naging busy kami pareho ni Casper, He usually unable to see me cause of his tight schedule for labs and even do a lot of computer programming for simulating processes of their project.

Ganon rin naman ako sunod-sunod ang exams namin, Sir Jeff gets back to his work, marahil dahil sa hiningi kong pabor kay Zero, though naging distant na 'to sakin, naiintindihan ko naman. Samantalang hindi ko rin makita si Zero sa University, sa pagkakalam ko Engineering rin siya ngayon, hindi ko tuloy siya pamasamalatan.

"Hello," I am walking in the hallway, nakaipit sa tenga ko ang phone ko dahil may mga dala akong libro para sa susunod na lecture namin.

"Done with your lunch?" It was Casper. Sumulyap ako sa relos ko, to see it's past 2 in the afternoon at ngayon lang siguro siya nagkaroon ng break,

"Yup, heading to my next class. Ikaw? Ngayon ka pa lang ba kakain?" Inayos ko ang libro sa kamay ko na unti-unting dumadausdos,

"Yeah, Dr. Maximo bombarded me with so much works," rinig kong reklamo niya para matawa ako,

Dr. Maximo is their research head, and knowing Casper as one of his brilliant students, he loves to challenge his skills.

"Ang talino kasi ng baby ko," I teased, but I just wanted to ease his tiredness.

He hissed on the other line, and I chuckled.

"Badly miss you," he added. Napangiti ako,

"We talked every night,"

"Virtually," he says as he sighs.

Kahit kasi nasa iisang University kami, We barely see each other because of opposite schedules.

"I miss you too, pahinga kana. Kumain ka ha, Papasok na 'ko. I love you," pamamaalam ko, at hindi na naantay ang sasabihin niya dahil nakita ko nang papasok yung proff namin.

I arrived at home late, and see Mom in the kitchen cooking,

"Where's Brooke?" Tanong ko ng makalapit at magmano.

Mom sighed while chopping some veggies, for the kare-kare.

"Hindi ko rin alam, Bella. Nitong nakaraang linggo napapadalaa ang paglabas niya, kapag nagtatanong ako kung saan siya napunta eh nagagalit pa sakin," saad ni Mama para kumunot ang noo ko.

That's so unlikely him. I never saw Brooke kill time outside, and he's an introvert!

"Yeah, Kausapin ko mamaya. Noong nakaraan naabutan ko siyang late na rin umuwi," dagdag ko para gumuhit ang pagaalala sa noo ni Mama.

"I am worried for your brother, Bella. Madalas akong nasa Ospital, at wala man lang akong alam kung ano na bang pinagkakaabalahan niya,"

I don't want Mom to be worried more, so I hugged her lightly,

"Hayaan mo Ma, kakausapin ko." I kissed Mom's cheek, and get some piece of newly cooked wings.

While putting facemask, ay nagring ang laptop ko, Kaharap ko yun kaya inopen ko na lang ang video call,

Bumungad sakin si Casper na nakaputing shirt, at nakaeyeglasses. His hair is slightly dishelved, while his resting his back at the headboard of his bed.

"Hi, babe!" Inayos ko ang lagay ng facemask, nitong nakaraang linggo kasi ay madalas akong nagpupuyat, kaya nang mapadaan sa watson ay naisipan kong bumili nang may serum,

Kumunot ang noo niya, pero may ngiting sumilay sa labi niya.

"Kararating mo lang?" He asked huskily, while watching me as his lips twisted upward,

UNIVERSITY SERIES: TOTGA EDITIONWhere stories live. Discover now