CHAPTER 5

454 21 0
                                    


Dinamdam ko ang hanging sumalubong saakin pagbalik ko dito sa pinas, namiss ko ito, sobra.

"Pano bes? Uuwi pa ba tayo sa mansion o gagala muna tayo?" wika nito

"Gala muna tayo, dalawa naman daw ang sasakyan bali ang isang sasakyan ay paglagyan natin ng gamit at ipauwi na sa mansion at ang isa naman ay gamitin natin pang gala" ngiting wika ko

Tumango ito at ginawa ang sinabi ko.

Namasyal lang kami ng namasyal, nakakapagod pero worth it, habang namamasyal nga kami ay may mga nagpapa-picture saamin at dinumog kami, pumayag naman kami at pagkatapos ay umuwi na.

"Whooo nakakapagod bes! Sige na uwi na ko magkatabi lang naman bahay natin eh hahah!" tawang wika ni penny

"Siraulo sige! Babush!" wika ko

Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako ng surpresa parang sa amerika lang dahil sa pagbabalik ko.

"Welcome home anak!" bati saakin nila mama at ang mga kasambahay

Lumapit ako at isa-isa silang niyakap.
"Salamat po" ngiting wika ko

"Tara kain na tayo, naghanda kami para sayo anak" ngiting wika ni papa

Tumango ako at pumunta kami sa kainan, nagulat ako dahil naroon ang pamilya ni vester,ngumiti ako sa kanila at lumapit.

"Surprise! limang taon ka naming namiss, kamusta ka na?" wika ng mama ni vester

"Uhmm o-okay l-lang naman po" utal na wika ko

"Mabuti at okay ka na, nabalitaan namin ang nangyari sa inyo ni stell at kinalungkot ko iyon patawad hija" sabi ng ama ni vester

"Okay lang po, naiintindihan ko po siya, at tsaka wala naman po akong magagawa" binigyan ko sila ng pekeng ngiti at umupo para kumain

Natahimik sila at kumain na rin, maya-maya'y binasag ni mama ang katahimikan .

"Kailan mo gustong ipakilala ka sa kumpanya anak?"

"Uhmm bukas? I want to start to work po ma if okay?" tanong na wika ko

"Great! Sige, parehas pala kayo ni penny, mabuti at magkatabi lang ang kumpanya niyo at sa ganon ay maaari pa kayong magkita" ngiting wika nito

"Eto lang naman po ang dahilan namin kung bakit kami umuwi, at tsaka ma ayoko pong wala akong naitutulong rito" wika ko

"Super great! So bukas ka na din magstart sa work? Naayos naman na ang opisina mo"

"Yup!"

"Ate! Alam mo sikat na sikat ka na dito sa pinas! Lalo na satin" wika ng babaeng kapatid ni vester

"Talaga? H-hindi ko alam, kaya pala dinumog kami kanina ni penny habang nasa mall" takang wika ko

Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

"Uhmm may i ask if kamusta na si vester?" tanong ko

"Uhm okay naman siya ate, pagaling ng pagaling, minsan nalang siya nakakauwi kasi may sarili na silang condo ng grupo niya" wika nito

Tumango tango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nang natapos kami ay nagpaalam at umuwi na ang pamilyang Ajero at ako naman ay nagpahinga na para bukas.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa kumpanya para magsimula nang magtrabaho.


THIS SCENE WAS 3 YEARS AGO

A LIL BIT PART OF PAST.

---------------------


-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MR.PAFALLTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang