CHAPTER 28

374 16 3
                                    

Kinabukasan ay wala kaming kibuan ni Ly kahit na kausapin ko siya ay hindi niya ko pinapansin na parang siya lang ang mag isa at wala ako. Hinayaan ko nalang ito dahil alam kong hindi pa rin siya okay.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa condo ay sinalubong ako ng mga tanong.

"Ano kamusta?"

"Okay na ba kayo?"

"Nagkabalikan na ba kayo?"

"Stell?"

Nagbuntong hininga lang ako at umupo sa upuan. Akala ko titigil na sila kaso hindi sinundan nila ako at inulit ulit yung mga tanong nila. Napayuko nalang ako dahil biglang tumulo ang aking luha.

"W-wala"

"Ha? Anong wala?" tanong ni jah

"H-hindi kami nagka ayos"

"Ha? Eh nakita nga nam---"

Hindi natuloy ni jah ang sasabihin nang tinignan ko siya ng masama.

"Nakita? Sinundan niyo kami?"

"A-ah e-eh hehe h-hindi ah" utal na wika ni josh

"Wag na kayong magsinungaling alam kong plinano niyo toh, sinadya niyo bang yung tutuluyan namin ay walang signal ha? sinadya niyo ba lahat lahat?!" inis na wika ko habang isa isang pumapatak ang mga luha ko

"S-stell s-sorry" wika nilang apat

Napatawa ako ng mapait dahil sa nalaman ko. Oo maganda ang plano nila pero parang walang kwenta din dahil nawaka lang sa lahat. Binigo ko sila nakakatawa.

"Ginawa niyo toh lahat para magka-ayos kami ni Ly"

"O-oo alam namin na mahal niyo ang isa't-isa stell! Kaya ginawa namin toh"

"Salamat, salamat sa plano niyo"

"Nagka-ayos ba kayo? Hehe welcome" wika ni ken

"Alam niyo naman diba? Dahil sinusundan niyo kami?"

"Ah oo pero saglit lang noh mga tatlong araw tas umalis na kami" wika ni sejun

"Aminin niyo nga yung sasakyan ni kuya yuri hindi talaga yun sira noh?"

"O-oo"

Tumango ako at lalong bumuhos ang aking luha. Umiyak lang ako ng umiyak at sila ay nagulat at nag-alala.
Pinakalma ko ang sarili ko para maikwento na sa kanila ang nangyari

"W-wala na, t-tapos na ang l-lahat" wika ko habang humihikbi

"Nagalit siya sakin" wika ko na lalo kong umiyak.

"G-galit siya s-sobra. Kahapon tinapos niya na ang lahat. Tinapos na niya ang ugnayan namin" iyak kong sambit

"B-bakit? At w-wala ka man lang ginawa nun? Hinayaan mo lang?!"inis na wika ni josh.

Tumango ako at lalong umiyak

"Magsasalita na sana ako nang bigla siyang lumabas. Umuulan nun sobrang lakas ng ulan. Hinanap ko siya kaso hindi ko mahanap. Pagbalik ko nandoon na siya basang basa at umiiyak hindi niya ko pinansin at pumasok sa kwarto"

"Pano ko pipigilan kung ayaw na niya talaga? Hinayaan ko nalang siya pero hindi ibig sabihin nun titigil na ko"

"Ano na ang plano mo?" wika ni jah

"Sa concert natin andun siya diba?"

"Hindi ko alam hindi tayo sure kasi pwedeng wala siya dun or andun" wika ni ken

"Aamin na ko sa kaniya. Kakantahan ko lang siya sa concert dun na rin ako aamin."

"Eh pano yan? Pano kapag nireject ni Ly o kaya wala siya?" tanong ng apat

"Edi plan B!"

Tumingin ako sa kanila at nakita kong tumango sila at napangisi.

Napag pasyahan na naming magplano at pagkatapos noon ay natulog na.

PRESENT.



-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MR.PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon