CHAPTER 21

396 15 2
                                    

Simula nang sinabi niya iyon ay hindi na ko makatulog ng maayos pagkatapos kasi niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Hays, ano ba kasing ginawa mo sakin vester at nabaliw ako ng ganto?" bulong na wika ko sa aking sarili

"Hmm? Nababaliw rin kaya ako ano rin ba kasi ang ginawa mo saken hm?" sabat na wika ni stell

Sa gulat ay bumagsak ako sa sahig. Kasulukuyan kasi akong nakahiga sa kama para magpahinga kaso biglang nagsalita si stell at nagulat ako roon.

"Aray" daing ko

"Okay ka lang ba?" alalang wika ni stell

Namula ako sa ginawa niya at umiwas ng tingin. Dali dali kasi siyang pumunta sa akin ay chineck ako kung saan ang masakit saakin.

"O-okay l-lang ako hehe" wika ko at bumalik sa kama ganun rin ang ginawa niya kaya medyo naiilang ako

"Hindi ka ba makatulog? Gusto mo kantahan kita?" wika nito

"Pwede ba?" nakanguso kong wika

"Hahahaha, oo naman tara dito"

"Ha?" takang wika ko

Magsasalita ulit sana ako nang hinigit niya ako at inihiga ang aking ulo sa kaniyang braso at tuluyang ikinulong sa kaniyang bisig. Magpoprotesta sana ako ngunit wala na akong kawala.

🎶sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling🎶

🎶at nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli🎶

🎶Ang pag-asang nahanap ko sa iyong mga mata at ang takot ko sakali mang ika'y mawawala🎶

🎶at ngayon, nandiyan ka na🎶
🎶di mapaliwanag ang nadarama🎶
🎶handa ako sa walang hanggan, di paaasahin, di ka sasaktan🎶
🎶mula noon, hanggang ngayon🎶
🎶 ikaw at ako 🎶

Pinakinggan ko siyang kumanta hanggang sa ako ay dinala na ng antok.


Nagising ako ng may naghawi ng kurtina at sa huni na rin ng mga ibon.
Bumangon ako at kinusot ang aking mata.

"Oh, gising ka na pala! Goodmorning! Tara kain na tayo dun nakapagluto na ko" ngiting wika nito stell

"Morning" ngiting wika ko sa kaniya

Tinignan ko ang cellphone ko at laking gulat ko nang wala itong signal.

"Uhm stell walang signal oh pano na tayo nito?"

"Wag kang mag-alala alam ko na ang pasikot sikot dito hehe, mamaya mamasyal na tayo, alam naman ni kuya yuri kung kailan tayo susunduin" wika nito

Tumango nalang ako at nagsimulang kumain.

"San mo pala gustong pumunta?" tanong na wika nito

"Bat ako? Hindi pa nga ko nakakapunta dito eh, anong lugar nga ulit toh?" tanong na wika ko

"Baguio! Hindi ko nga alam kung bat walang signal dito eh, alam ko na kung san hehe, may park kasi banda dito ang ganda niya tapos meron din dun na parang garden ano G ka ba?"

"Ahh, sige! G na G ako diyan!"

Nang natapos kaming kumain ay nag-ayos na agad kami at umalis.

"Wow, ang ganda dito!" ngiting wika ko habang nagpa ikot ikot at tumatalon

"Oo nga ang ganda, ang ganda mo" ngiting wika ni stell

"Ansarap balik balikan vester!" ngiting wika ko

"Picturan kita!"

"Sige tas tayo din dalawa ha?"

Pinicturan niya ko at pinicturan ko rin siya, nagpicture din kaming dalawa.
Sinulit namin ang bawat sandali, naglaro, naghabulan kami at nang napagod ay nagpahinga kami. Pumunta kami sa kubo at doon nagpahinga.

"Bwisit ka vester, andaya mo" nakanguso kong wika

"Hahahahha talo kalang eh!" tawang sambit niya at inabutan ako ng pagkain at inumin.

"Nye nye, andaya mo hindi pa nga ko ready eh hinabol mo agad ako"

"Ahahah sorry na sige na kumain ka na muna"

Wala akong nagawa kaya kumain nalang muna kami.

Nang matapos ay umuwi na kami. Tatlong araw kami pumupunta roon. Sobrang ganda kasi roon.

"So ngayon punta tayo sa perya! Sakay tayo sa mga rides! Sabi nila may nagtitinda dun na iceream sobrang sarap daw" wika ni stell habang nagluluto

"Hmm, sige!" ngiting wika ko

EXCITED NA KOO HIHI. SUSULITIN KO NA ANG MGA ARAW NA PAGSASAMA NAMIN DAHIL ALAM KONG PAGKATAPOS NITO AY BACK TO NORMAL NA.



PRESENT.

-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MR.PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon