CHAPTER 1

5 0 0
                                    

YOLO. You only live once 'ika nga nila. We must enjoy every second, minute, hours, days, weeks and months in our life. Kung may oportunidad na dadating, kunin mo na. Huwag mong hayaang mapunta ito sa iba, baka sa huli magsisisi ka. Base 'nga sa isang kasabihan, "You'll regret the chances you didn't take."

Kaya heto ako ngayon sa RB upang mag celebrate sa katatapos lamang na graduation. Huling araw na namin ngayon bilang 4th year College sa St. Jude University. Sa wakas makapagtrabaho na din ako.

"Jamer, what are your plans now?," tanong ni Titus, kaibigan ko. Yung parents ko at parents niya ay magkasosyo sa isang business. Para ko na rin siyang kapatid kung ituring.

Hindi ko rin siya masisisi kung magtatrabaho siya sa kompanya ng mga pamilya namin dahil graduate siya ng Business Management at magaling siya sa aspetong iyon.

"Hindi ko alam, siguro maghahanap ng trabaho," sagot ko naman. Pero sa totoo lang nakapagpasa na ako ng mga requirements sa pagtatrabahuan ko. Isang Agency.

"Baka naman may iba kang plano?," he asked.

Hindi na ako nagulat pa dahil sabi ko 'nga para ko na siyang kapatid. Alam na niya ang bawat galaw at bawat kilos ng isip ko.

Hindi ko na siya nasagot dahil malakas na ang ingay ng sounds ng bar at dagsa na rin ang mga tao na pumapasok dito sa RB.

"Jacquie Mertine! Rusty Titus! Hey!," nakarinig kami ng mga sigaw upang mapalingon kami sa entrance ng bar. Tumambad sa'min ang iba naming mga barkada na pasimpleng sumasayaw at nakangisi papasok ng bar.

"Yo! Bakit ngayon lang kayo," tanong ni Titus kay Austine.

"Traffic lang," sagot ni Austine. Natatawa nalang ako sa kanila.

Tss

"Traffic ba talaga insan?," natatawang tanong ni Ara. Pinsan ni Austine si Ara at talagang nagkasama pa sila ngayon. Alam na niya ang kabalastugan at iba pang kagaguhan ni Austine. Kaya naging normal na lang sa'min ang kaniyang ibang ginagawa.

Tinungga ko ang alak na nasa aking baso. Mabilis na kumalat ang lasa ng alcohol sa aking lalamunan at napapikit na lamang ako.

"Easy bro, may problema ka ba?," sigaw ni Ashton sa'kin. Tinapik ko na lang ang balikat niya at saka tinungga ang alak. Medyo nahihilo na rin ako at dahil na rin kanina pa kami dito sa bar.

Nahuli ko ng tingin si Ara na nakatingin sa akin, Hindi ko siya masisisi dahil matagal ko nang alam na gusto niya ako.

Nagsasayawan na ang ilan sa dancefloor, napalingon ako sa left side at nandoon ang mga ilang estudyante na naghahalikan at kulang nalang maghubad na sila.

Di kalayuan, tumingin ako sa right side at nakita ko ang isang babae na walang emosyong nakatingin sa akin. Sa tagal ng mga titig niya unti-unti siyang ngumisi sa'kin. Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa kilabot at takot na dulot niya.

Shit! Sino yun?

Napalingon ako at bahagyang nagulat nang may bumangga sa akin at laking gulat ko ng si Adam lang pala.

"Oh, ba't parang gulat na gulat ka diyan?," sabi niya at saka tumingin sa direksyon ng aking tinitingnan.

"Hindi ko alam na type mo pala si Zhianne Gayle?" dagdag niya at kunot noong lumingon ako kay Zhianne Gayle at laking gulat ko ng nawala ang babaeng aking tinitingnan kanina.

"Hindi siya ang tinignan ko, teka saan na ba yun?" Luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko siya makita.

Bakit siya nawala?

"Baka ibang babae ang nakikita mo? Huwag mong sabihing--," hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tumakbo ako palabas at walang ibang taong tumambad sa'kin.

Shit! Sino siya?

Bumalik ako sa loob ng may halong pagtataka at gulat pa rin sa mukha. Hindi siya mawala sa aking isipan at ang nakakatakot na tingin. Walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Saan ka galing, Jamer?," nalilitong tanong ni Titus ngunit umiling nalang ako at nagsalin ng alak at dire-diretsong tinungga iyon.

Sino siya at bakit ganoon siya makatingin sa akin?

"Hey"

"Jamer, okay ka lang?"

"Jamer!" sigaw ni Ashton at doon ako natauhan. Shit! Nakatingin na silang lahat sa akin.

"H-ha?," sagot ko. Takte! Ano bang nangyayari sa akin?

"Ano? Okay ka lang? Kanina ka pa namin tinatawag tulala ka lang diyan. May problema ka ba? Gusto mo na bang umuwi?," sunod-sunod at nag-aalalang tanong ni Titus. Para ko na talaga siyang kapatid.

"A-ahh siguro mauna na akong umuwi medyo nahihilo na rin ako eh,"  pangatwiran kong sagot ni Titus.

"Sama na ako sa'yo," sabi ni Titus at saka tumayo na palabas.

Nagpaalam muna ako sa kanilang lahat at dali-daling lumabas. Papasok na sana ako sa kotse ng may naramdaman akong may nakatingin sa akin mula sa malayo, tumingin ako sa aking likuran at natanaw ko ang isang anino. Lalapitan ko na sana ngunit may humawak sa aking braso.

"Bro, ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Titus at tumingin sa likuran ko.

"Oo may nakita lang ako,"  at dali daling sumakay sa kotse ko at sa huling pagkakataon nakita ko ang babae di kalayuan sa'kin at walang emosyong nakatingin sa'kin.

Dali-dali kong pinaandar ang kotse upang matakasan ang kaniyang nakalulunod na tingin.

Sino siya?

AnastasiaWhere stories live. Discover now