CHAPTER 4

1 0 0
                                    

"Ano ba kasi ang nangyari sa kaniya?" tanong ng isang lalaking kilala ko.

"Hindi ko talaga alam," sagot naman ng isa na kilala ko din.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero bakit nandito ang mga kaibigan ko?

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at lumingon ako kung saan nanggaling ang mga tinig na iyon at hindi nga ako nagkamali. Si Ara, Robin at si Austine ay nandito sa loob ng kwarto ko.

Paano sila nakapunta dito sa bahay ko specifically sa kwarto ko?

"Gising ka na pala bro, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Robin na nakakunot ang noo at pag-aalala.

"Hindi ko din alam at teka bakit kayo nandito?" tanong ko pabalik sabay tingin sa kanila isa isa.

"May tumawag kay Robin at sinabi na nawalan ka daw ng malay pero hindi naman nagpapakilala," Ani ni Austine.

"Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?" tanong pabalik si Ara na may halong gulat.

"Relax, Okay? I don't know who that bastard is! Basta ang alam ko siya ang may gawa sa'kin nito. Papunta pa lang ako dito alam kong nandito na siya at hindi ko alam kung sino at ano ang kailangan niya," frustated kong sagot sabay hilot sa sentido ko.

Umiiling silang tatlo at napabuntong-hininga. Napatingin ako kay Robin at alam kong malalim ang kaniyang iniisip.

"May kinalaman ba to sa nakaraan mo?" seryosong tanong ni Austine na siyang nakapagtigil sa akin at sa kanilang tatlo.

Para sa akin may kinalaman ito pero parang may mali. Hindi ko alam kung saang anggulo titignan. Ang tagal na panahon na ang lumipas at kung konektado ito sa nakaraan ko, Bakit? Paano? Kinalimutan ko na iyon at tanggap ko na.

Bakit bumalik pa sila? Ano ang kailangan nila?

"Magpapahinga muna ako. Bukas na tayo mag-usap sa agency." sabi ko sabay higa at pumikit.

"Magluluto muna ako sa baba para makakain na tayo," presinta ni Ara at bumaba na.

"May sinabi ba ang gumawa sa'yo nito, Jamer?" tanong sa akin ni Robin. Tiningnan ko siya at seryoso pa ring nakatingin sa akin.

"Wala silang sinabi. Pero parang pamilyar sa akin ang isa sa kanila. Parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan", sagot ko sa kanila naman habang napabuntong-hininga.

"Kung meron man silang kailangan sa iyo, Ano naman iyon?," kunot-noong tanong ni Austine.

Isa din iyan sa mga tanong na hindi ko maintindihan at hindi ko alam ang sagot.

Kung sino man ang gustong bumalik, dapat ako iyon. Kahit tinanggap ko na iyon, kahit matagal na hindi ko maiwasan na makaramdam ng sakit. Kating-kati na akong makuha ang hustisya para sa pamilya ko.

"May kinalaman ba dito ang babaeng nakita mo?" tanong ni Robin sa akin.

Si Anastasia? Mukhang may balak siyang masama pero ang sabi niya tutulong siya. Pero sabi naman niya, pagkatiwalaan ang dapat pagkatiwalaan. Paano niya nasabi iyon sa'kin? Hindi namin kilala ang isa't isa.

Pagkatiwalaan ba kita Anastasia? Sino ka ba talaga?

"Hindi ko masasabing oo at hindi ko masasabing hindi." sagot ko at muling pumikit.

Ilang oras matapos ang nakakabinging katahimikan, tinawag na kami ni Ara para kumain. Tahimik lang kaming apat at siguradong malalim ang iniisip. Si Ara paminsan-minsan nagkukwento to lighten up the mood. Masiyadong seryoso at ang bigat ng atmosphere.

Hanggang sa unang natapos si Austine at niyaya nang umalis si Ara. Alas syete na ng gabi at may trabaho pa bukas.

"Una na ako, Jamer! Rob!" tumango lang ako sa kanila at muling kumain habang si Rob ay tahimik pa din.

Tumikhim ako. "Anong iniisip mo?" tanong ko sa kaniya, bahagya pa siyang tumigil sa pagnguya at nagsalita.

"Hindi ako makapaniwala na babalik sila. Ang tagal na panahon na iyon diba?" seryoso niyang sagot at muling kumain.

Tama siya. Ang tagal na panahon na iyon. Hindi rin ako makapaniwala. Hindi talaga sila nakuntento. Tsk.

I shrugged. "Hindi ko din alam. Maybe they want to play with me. Hmm. I can give that to them anyway." I smirked.

"Ano na ang gagawin mo?" tanong niya.

"Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang babaeng iyon at kung konektado ba siya sa mga nangyayari ngayon", sagot ko pagkatapos nagpunas ng labi.

Si Robin ang pinakamatalik kong kaibigan at kahit para na kaming magkapatid, may mga bagay talaga na hindi niya pwedeng malaman kahit na pinagkatiwalaan ko siya.

"Ang babaeng nakita ko sa RB. Nagkausap kami at ang sabi niya tutulong daw siya at may isa pa siyang sinabi..." putol ko sa aking sinabi.

"Ano?" tanong ni Robin na nakakunot ang noo.

"Pagkatiwalaan ko ang dapat pagkatiwalaan", sagot ko na siyang nakapagtahimik ni Robin.

"Napakamisteryoso naman ng babaeng iyon", sagot niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Tumayo na ako at inilapag sa sink ang aking plato.

"Posible kayang may alam siya sa mga nangyayari sa buhay mo?" tanong ni Robin na siyang nagpahinto sa akin at nakapag-isip sa akin ng napakalalim

Hindi ko namalayan na pagkatapos naming kumain ay umalis na pala si Robin. Hindi ko pa din alam kung ano ang gagawin ngunit isa lang ang masasabi ko. Ang mag-ingat sa mga tao na lumalapit sa akin.

Kahit na hindi ko sabihin pero may hint na ako sa lalaking pumasok dito sa bahay ko. Napakapamilyar ng kaniyang mata habang puro itim ang kaniyang suot.

Sana mali ako sa nakita ko.

Binuksan ko ang aking laptop at hinanap kung saan nanggaling si Anastasia pero wala akong makita. Napagpasiyahan kong matulog nalang subalit bago paman ako pumikit may isang salita ang nakita ko sa aking laptop.

Kahit naguguluhan at kinakabahan man ay nagawa ko pa ding pumikit hanggang sa nakatulog na ako.

AnastasiaWhere stories live. Discover now