CHAPTER 5

5 0 0
                                    

Maaga akong nagising kinaumagahan. Naligo na lamang ako at lumabas sa aking kwarto upang makapaghain ng umagahan.

Habang nagluluto, hindi ko pa din maiwasang mag-isip sa nakita ko kagabi tungkol sa babaeng iyon.

Hindi. Hindi yun totoo. Mali ang nakita ko.

Ipinilig ko ang aking ulo at hindi na ganoong nag-isip at kumain na lamang. Pagkatapos kong kumain ay dire-diretso na akong pumunta sa agency.

Habang nagmamaneho ay may nakita akong babae sa tabi ng daan.

Si Anastasia.

Saan naman pupunta ang babaeng iyon ng ganito kaaga? At bakit siya naglalakad sa tabi ng daan?

Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala siya. Pumasok siya sa isang eskinita at dahil hindi kasya ang kotse ko, kailangan kong bumaba.

Nagmadali akong lumabas at naglakad habang sinusundan siya. Saan ba kasi siya pupunta? Sa bahay niya?

Habang naglalakad, ang mga tao sa gilid ay napapatingin sa akin na may halong pagtataka sa kanilang mga mukha. Kinu-kuwestyon kung bakit ako nandito sa lugar nila na nagsuot ng pang opisina.

Sa tagal ng paglalakad, huminto si Anastasia sa isang apartment. Hindi masyadong malaki at hindi masyadong maliit. Sinundan ko siya. Nasa tapat na ako ng kaniyang apartment ngunit napakatahimik. Nawala sa paningin ko si Anastasia.

Pumasok ako sa nakabukas na gate at bukas din ang pintuan. Nagmasid pa ako sa labas ng bahay kung mayroon ba talagang tao ngunit nakapagtataka na wala si Anastasia.

Hindi ako nagdalawang-isip na pasukin ang bahay nila. Nang nakapasok na ako, may humila sa akin at pinaikot ang kamay ko hanggang sa nasa pader na ako. At hindi lang iyon, may naramdaman akong isang malamig na bagay na nasa sentido ko?

Baril. Paksyet!

"Bakit mo ako sinusundan?", nakaramdam ako ng galit sa kaniyang uri ng pagtatanong.

Hindi ako sumagot at pinakalma ang sarili ko. Humanap ako ng tiyempo at sa isang iglap, siya na ang nasa dingding at na sa'kin ang baril.

"Sino ka ba talaga?", tanong ko sa kaniya habang pinipigilan siyang nagpupumiglas.

"Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita", sabi niya na nakangisi.

Sinubukan niyang manlaban subalit napakalakas ko ata at hindi niya nagawa ang kaniyang binabalak.

"Ano bang kailangan mo?", tanong niya halatang nagpipigil ng galit at may halong iritasyon sa kaniyang boses.

"Ikaw, ano ang kailangan mo?, tanong ko sa kaniya pabalik.

"Pwede ba? Pakawalan mo ako!" walang emosyong sabi niya na nagbigay kaba sa aking katawan.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kaniya at nang makawala ay tumitig siya sa'kin. Walang emosyon ang kaniyang mata. Very cold at parang walang pakialam. Nakakatakot.

Naglakad siya papunta sa kusina ng tahimik at nilagay ang kaniyang baril sa mesang nasa tabi.

"Bakit ka nandito?", bahagya akong nagulat sa kaniyang pagtanong at pinakalma ang sarili bago sumagot.

"Nakita kita sa daan at sinundan kita", sagot ko.

"Bakit mo ako sinusundan?", tanong niya pabalik. Ganoon pa din, walang emosyon.

"May mga bagay lang akong itanong sa iyo", sagot ko sa kaniya. Matagal siyang sumagot.

Lumapit siya sa akin at binigay ang kaniyang tinimplang kape para sa amin.

"Wala akong oras", sagot niya na halatang walang pakialam.

"Bakit ka nagpakita sa akin? Bakit mo ako kilala? Alam mo ba ang nangyari sa aking nakaraan? Sino ka ba talaga?", sunod-sunod kong tanong sa kaniya nagbabaka-sakaling may isasagot siya.

"Sinabi ko na, ako si Anastasia. Nagpakita ako sa iyo para balaan ka sa kung ano man ang binabalak mo. Iyan lamang ang maisasagot ko", sagot niya na nagpakunot sa aking noo.

"Babala? Para saan? Kanino?", tanong ko sa kaniya at tumitig sa kaniyang mga mata. Tumitig siya pabalik sa akin.

"Sa mga taong nakakasalamuha mo at nakakasamama mo. Higit sa lahat sa mga taong pinagkakatiwalaan mo." sagot niya na titig na titig sa aking mata. Umiwas ako ng tingin dahil para akong malulunod.

Napabuntong-hininga ako at nag-iisip. Hindi ko alam pero parang may iba sa kaniyang mga sinasabi. Nakakatakot.

"Bakit mo sinasabi sa akin 'to?", tanong ko sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung bakit niya sinasabi sa akin ito. Babala? Bakit? Kanino?

"May pinoprotektahan ako", sagot niya na nagpakunot ng noo sa akin.

Pinoprotektahan? Sino? Ang misteryoso naman ng babaeng ito.

"Sinabi mo tutulungan mo ako? Bakit mo nasabi iyon? Tutulungan mo ba talaga ako?", tanong ko sa kaniya.

"Oo", sagot na na nakapagpagulat sa akin.

Maari naman akong humingi ng tulong sa kaniya pero natatakot ako. Hindi muna sa ngayon.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Hindi kita kilala. At sinabi mo na hindi dapat magtiwala.", sagot ko sa kaniya.

"Madali lang naman akong kausap. Sige. Maari ka nang umalis at may gagawin pa ako.", sabi niya at tumayo papunta sa pintuan. Iminuwestra niya ang daan palabas. Napabuntong-hininga ako at naglakad palabas ngunit may sinabi pa siya sa akin na nakapagpahinto sa akin.

"Huwag ka ng babalik dito kung wala kang kailangan." sabay sarado ng pintuan.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: May 25, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

AnastasiaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum