Chapter Five

11 6 0
                                    

Naisipan kong bumawi kay Zecch dahil alam kong napasobra na ako nung nakaraan at nasaktan ko ng sobra ang damdamin niya.I asked Dad's help dahil may kilala siya ritong may ari ng isang café, I told him na isusurprise ko si Zecch kasi nagtampo sa akin.

"Everything is set hija" dad's friend said, siya yung may ari ng café na ginawa kong venue para sa surprise ko para kay Zecch "pwede mong tingnan ang loob baka may gusto ka pang idagdag" dagdag niya pa

As what he have said tiningnan ko ang loob ng café , so far so good. Nakuha naman nila ang gusto kong maging ambiance ng lugar. Tatawagan ko si Ja para sabihin na hihintayin ko nalang sila dito.

"Okay na po yan Tito, thank you so much po" nakangiti kong sabi "may tatawagan lang po ako, excuse me po" tumango naman siya at bumalik sa pagkausap sa mga crew niya

Tatlong ring lang  sinagot agad ni Ja  yung cellphone niya "hello Ja?"

"Oh? Okay na?" Kinuntsaba ko sila sa gagawin kong to, sila yung magdadala kay Zecchy dito sa café

"Oo hihintayin ko nalang kayo dito ha?" Sabi ko "kayo na bahala kay Zecch"

"Sige pupunta na kami kasi kinukulit na ako ni Zecch kung saan ka na daw ba" sabi niya narinig ko naman sa kabilang linya ang boses ni Zecchy na nagtatanong kung ako ba kausap ni Ja

"Puwede ko ba siyang makausap Ja?" baka kasi nagaalala na siya kaninang umaga pa ako wala eh

"Kayong dalawa ha! May tinatago kayo samin" sabi niya "hoy! Zeccharia oh reyna mo"

"Hello" nagtatampo pa rin ang tinig niya "Ely? Hello"

"Zecch?"malambing kong sabi, alam kong hindi niya ako matitiis hindi siya kailanman nagalit sa akin ng matagal

"Ely naman eh, tinitira mo ako sa kahinaan ko eh, ang daya naman eh" nagmamaktol niyang sabi "nasaan ka ba? Kanina pa kita hindi nakikita, pag gising ko wala ka na sa kwarto"

Magkasama kami sa kwarto dahil tatlong  kwarto ang tinutuluyan namin, dapat daw may isang lalake sa kwarto dahil baka anong mangyari kaya si Zecchy kasama ko. "Nandito lang sa tabi tabi" natatawa kong sabi.

"Anong nasa tabi tabi, bumalik kana dito sa room dali naaaa..." pangungulit niya at sigurado akong nakanguso na naman siya hahaha

"Magbihis ka, may pupuntahan kayo nina Ja. Sama ka nalang muna sa kanila" sabi ko sa kaniya "babawi nalang ako kapag nakabalik nako ha?" dagdag ko pa

"Ha? Bakit saan ka ba akala ko ba magkasama tayong lahat sa bakasyong to" takang tanong niya. don't make this hard abnoy bumabawi na nga eh

"Basta sama ka sa kanila, mageenjoy ka naman dun" nakangiti kong sabi

"Paano naman ako mag eenjoy wala ka naman dun sa pupuntahan. May deal tayo ah" nanunumbat niyang saad

"Baka makita mo ako dun kaya sige na. Maligo kana at magbihis nangangamoy kana eh" pabiro kong sabi sa kaniya

"Asa Ely ASA! Kahit kailan di babaho to, kahit amuyin mo pa" sigurado akong nakangisi naman ang isang to pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan para na siguro akong tangang nakangiti dito

"Osige na bilisan mo ha? Hintayin kita" sabi ko at binaba yung tawag habang ang ngiti ko ay hindi pa din mawala wala

Habang naghihintay ako nilibot ko muna yung buong café, sinisiguradong wala ng kulang. Ganito yung set up ng café mula sa pintuan ay may nakalatag na candles kung saan dadaan si Zecchy hanggang sa table namin.  It looks so simple hindi ko kasi alam kung paano mag surprise ng lalake and this set up parang pangbabae

Finally Fulfilled His PromiseWhere stories live. Discover now