Chapter Six

4 4 0
                                    

Tinanghali na ako ng gising. Tiningnan ko kung nasa kabilang kama pa ba si Zeccharia ngunit wala na siya doon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto namin para hanapin siya at nahagip siya ng paningin ko na nakaupo sa labas ng balcony. Agad naman akong tumayo upang puntahan siya

"Good morning" bati ko sa kaniya, nilingon niya naman ako at nginitian

"Shit ganyan na ganyan mukha ng mapapangasawa ko pag bagong gising" pabiro niyang sabi na ikinatawa ko naman

"Nag breakfast kana?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa harapan niya

"Kakagising ko lang din pero nagpahatid na ako ng pagkain natin" sabi niya. Maya maya pa ay may nag dorbell sa aming pintuan

"Nandiyan na siguro yung pagkain wait lang tingan ko lang" sabi niya at tumango naman ako bilang tugon

Nagsuot siya ng kaniyang t-shirt bago nagtungo sa pintu-an. Tama nga siya yung pagkain nga namin kinuha niya iyon at sinirado ang pinto.

Dinala niya sa veranda ang pagkain, nilapag niya eto sa harap ko "okay na ba sayo ang brakfast nato?" Tanong niya sakin

"Okay na yan, kakain naman na ng tanghalian mamaya" he ordered two set of the same meal may bread tsaka spread para sa bread, may egg bacon and a cup of rice may kasama ring orange juice.

Kumain lang kami then nagusap ng kaunti about random stuffs we just finished our breakfast ng may kumatok sa pintuan namin.

"Ako na bubukas" prisinta niya, tumangi ako at sunundan siya ng tingin sina Ness yung pumasok.

Its our first day and also our last I think kasi bukas wala naman na kaming gagawin na activities bili nlng siguro ng pasalubong then we will go back to Roxas na.

"Zecch" tawag ko sa kaniya, agad niya naman akong nilingon " Una na akong maligo ah?" Sabi ko sa kaniya

"Ah, sige bilisan mo naliligo nadin daw si Ja" sabi niya at bumalik sa pag kausap sa dalawa

Paglabas ko wala na yung dalawa si Zecch nalang natira nakaupo sa bed niya. "Asan na yung dalawa?" Tanong ko habang nag bloblower ng buhok ko

"Ayun bumaba maghahanap daw ng chicks" natataw niyang sabi at naglakad papunta sa gawi ko

"O bat di ka sumama?" Casual na tanong ko sa kaniya habang pinagpapatuloy yung ginagawa ko.

"Bakit ako maghahanap ng chicks eh may girlfriend ako dito" sabi niya at inagaw sa akin yung blower "Let me"

Napawi ang ngiti sa mukha ko dahil sa bagay na pumasok sa isipan ko "Zecch hanggang ngayong araw nalang to, pur deal will be over sa oras na makatapak tayo ng Roxas bukas" sabi ko at tiningnan siya mula sa salamin sa aking harapan

Ngayon ko lang napagtantong napaka tanga ng ginawa kong desisyon, hindi nito miibsan yung sakit sapagkat madadag-dagan pa nito dahil maaring umasa si Zecch sa huli... napakagaga mo Elyzsa... napaka Aish!

Natigil siya sa pagbloblow dry ng buhok ko at tsaka ako tiningnan " Hindi nawawala sa isipan ko yun. Ginawa ko tong deal nato kasi baka mabago ko yung isipan mo kapag nakita mo na totoo yung mga sinasabi ko" nakangiti niyang sabi... yung mga ngiting yun napakatotoo

Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko "Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba yung gagawin ko Zecch eh"

Umupo siya sa gilid ng kama ko " Nagkaroon kaba ng feelings para sa akin?" Di ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso sa tanong niya "Sabihin mo yung totoo Ely"

Finally Fulfilled His PromiseWhere stories live. Discover now