Shoulder

404 32 3
                                    

Rita's POV


NAKAILANG rolyo na ba ako ng tissue dito sa Cabin ko. Grabe naman kasi yung iyak ko sa isang movie na pinapanood ko.. Mabuti na lang at unlimited ang tissue dito sa Barko kaya okay lang. Iniyak ko lang.. Lumapit ako sa salamin at napansing namamaga ang mata ko.. Grabe . Ang lakas ng iyak ko sa movie na iyon, nagmukha na talaga akong Zombie huhu..

Naghilamos ako at nagsuot na lang ng salamin para hindi masyadong halata yung pamamaga ng mata ko. Kinuha ko ang Camera at phone ko. Lalabas ako ng Cabin ko para pumunta sa pool area.. Magpapahangin lang ako doon at nagbabakasakaling makita si Tonyo. For sure, andodoon siya at nag aabang ng abs.



Nakatsinelas lang ako. Natawa ako dahil mukha akong nakapambahay na magsswimming sa tig 130 per head na swimming pool.



Pag akyat ko sa taas ay wala masyadong tao.. Dahil hapon na ay baka nag na-nap ang iba.. Humiga ako sa pool lounger dito sa gilid at tinaas ang paa ko para makita ko yung kuko ko sa paa na baka kinulang na sa pedicure .. Medyo okay pa naman yung gel polish sa kuko ng paa ko kaya napangiti ako.. Tinanggal ko ang salamin ko at nilapag sa side table at nakangiti akong pumikit..





Nagising ako nag maramdaman kong may malamig na dumikit sa pisngi ko.. Pagdilat ko, mukha ni Ken ang bumungad sa akin at ang hawak nitong Ice Cream..




"Ano ba! Istorbo ka sa tulog talaga!!" inis na sigaw ko dito at kinapa ko yung salamin para isuot ito..




"Namamaga yung mata mo? Iniyakan mo na naman ba ako?"










"Neknek mo! Bakit naman kita iiyakan? Ubos na yung luha ko para sayo. Tuyot na!!! Tsaka dahil to sa movie sa Netflix kaya ako umiyak!!!"






Umupo ito sa kahilang lounger at inabot niya sa akin yung hawak niyang ice cream.






"Anong gagawin ko diyan!?"




"Dilaan mo!" sagot nito at inirapan ko siya..




"Dinidilaan naman talaga yan eh! Kainin mo na! Matunaw pa yan! Lalo na nandito ako! Ang hot ko kasi.." natawa ito sa sinabi ko.


"Sayo nga to! Thank you sa paghatid sa akin sa Cabin kagabi kahit na hindi ko alam kung anong ginawa mo kung bakit nagka pula yung noo ko.."

"May pula din yung akin oh! It's a tie!"


"Kunin mo na tong Ice cream ! Matutunaw na to! Ang mahal kaya nito!!"


Kinuha ko ang ice cream sa kanya. Sayang din to!! Mukhang mahal nga.. Pagtingin ko kay Ken humiga na rin to sa lounger..




"Ang ganda ng Cabin mo! Mukhang ang mahal ng nagastos mo for this trip.." panimula ko dito..



"Hindi naman ako gumastos dito eh.." sagot nito..



"Libre ka dahil pinsan mo yung Captain?!"



"Ofcourse not! Nagulat nga lang ako na nandidito si Timothy. Ang pagkakaalam nga namin diyan ay sa malaking Cruise Ship siya naging Kapitan.. Malay ko bang dito lang din sa Barko ng Pilipininas.. "




"So paano ka nga napunta dito?"




"May isang buyer ng painting sa Exhibit ko, binigay niya yung envelop ng may special code.. Ayun, sinubukan ko kung makakuha ako ng ticket.. Legit naman so kaya nandito ako.." sagot nito at napatango ako..



Withered RosesWhere stories live. Discover now