Best

693 41 39
                                    

Ken's POV









"Ready na ba si Rita? Kamusta ba siya? Hindi ba siya kinakabahan?" magkakasunod na tanong ko kay Tonyo..








"Relax okay? Mas mukha ka pang kinakabahan ! Yung bride mo, chill lang!" natatawang sabi nito.. Palakad lakad ako dito sa tapat ng altar. Napaaga nga yata ang dating ko.. Excited? Hahahaha.. Si Tonyo ang nag ayos sa akin. Kay Rita naman ay si Joyce. Sa pagtitipid namin, mga kaibigan lang din namin ang kinuha naming nag aasikaso sa kasal ... Maliban na lang sa wedding planner, organizer..









"Apo, nandiyan na Bride mo.." rinig kong sabi ni Lolo. At nakita ko na nga ang puting kotse sa labas. Pinaayos na ang mga kasama sa entourage ..













"Across the ocean view
I found the truth
That ill say today
The skies away has finally come home. 🎶

Weve share those secrets
Tomorrows still unknown
So i leave behind all thoughts unkind
And turn to face the sea

There is she walks along the shore
Time to savor more
Beyond horizons staring at the sun

We are unbroken
Unspoken
Promises made divine
Unending
Ascending
Forever is yours and mine..🎶








Nagsimula nang uminit ang mga mata ko ng makita kong naglalakad ang mga tao na mas lalong nagbigay kulay sa buhay namin ni Rita..








Napangiti ako ng makita ko si Lolo Jose at Lola Min na magkapartner na naglalakad sa aisle..














Ilang sandali lang ay nahagip na ng mga mata ko ang babaeng pinakahihintay ko. Ang babaeng sumagip sa nalulunod kong mundo. Ang babaeng tumupad sa matatamis nitong mga pangako.. Ang babaeng magiging ina ng mga anak ko. Ang babaeng tanggap at mahal na mahal ako..









"Beauty was meant to be
Her mistery
Standing side by side
This rising time has inspire the soul to speak
Then as she falls across the night
Shadows filled with lights
Stars aligning
With truth to be as one.. 🎶"

"Forever is yours and mine
Forever is yours and mine 🎶"














Kasabay ng pagyakap ng Daddy at Mommy ni Rita sa akin ay ang pagbulong nila ng salitang "Anak" ay sobrang ikinasasaya ko.. Ngayon ay magiging ganap na akong kasalo sa pamilya nila at ganoon din si Rita sa pamilya namin.. Kinuha ko ang kamay nito . Hindi ito umiiyak. Nakangiti lang siyang tinitingnan ang mukha ko.. Napakaganda niya. Napakaganda. Wala akong masabi. Ang swerte swerte ko.. Ako naman, nabura yata ang manipis na foundation na inilagay ni Tonyo kanina dahil sa kakaiyak ko.. Bago magsimula ay inabutan ako ng tissue ni Damian para punasan ang mukha ko..















Wedding Vows :

"Ken, alam ng lahat kung gaano ako kasaya sa araw na ito. Hindi sapat ang salitang Ligaya, Saya, Malala eh. Sobrang lala.. Ikaw yung binigay ng Panginoon sa akin na sobrang ipinagpapasalamat ko. Magmula ngayon at sa mga susunod pang mga araw, iyan. Iyang mukha na yan. Hindi ako magsasawang makita iyan araw-araw.. Ang mukha ng magiging ama ng mga anak ko. Ken, I believe in you. Alam kong magiging magkasangga tayo sa lahat.. Minsan na tayong sinubok ng panahon, pero sa pagkakataong ito, masasabi kong panalo tayo. I love you. Pangakong mamahalin kita, aaalagaan at sasamahang panalunan ang mga susunod na hamon na dadating sa buhay natin.. I will dream with you, celebrate with you and walk beside you through whatever our lives may bring. You are my love and my life, today and always."







Withered RosesWhere stories live. Discover now