Signed

528 37 9
                                    

Rita's POV


Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Pagpasok ko palang ng gate ay napahinto na ako dahil nakita ko na nandidito na ang sasakyan ni Ken.







Pagpasok ko sa loob ay wala ito sa sala kaya minabuti ko ng pumasok sa kwarto namin.










Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Ken na palakad lakad habang nakalagay sa tenga niya ang phone. Mukhang may tinatawagan ito.












"Ken."











"Kailan mo ba balak sagutin yung mga calls ko?" inis na tanong nito. Mabilis kong tiningnan ang phone ko at madami nga itong missed calls. Nakalimutan ko palang ibalik sa ring mode yung phone ko dahil sa meeting ko with house of travel kanina..












"So-sorry, nakalimutan kong ibalik sa ring mode yung phone ko. Nasa meeting kasi ako kanina.."












"Meeting saan?"













"House of Travel.."









Lumapit ito sa akin at parang hindi makapaniwala sa narinig niya.








"House of Travel? Bakit pumunta ka doon?"








"Nag signed ako ng contract. Ken, hindi na ako freelancer.. Kinuha na nila akong official photographer!" nakangiting sabi ko dito..









"Nag signed ka ng contract? Hi-hindi mo manlang sinabi sa akin?" hindi makapaniwalang sabi nito.








"Paano ko masasabi? Ilang beses kitang tinext at tinawagan pero hindi mo sinasagot!" medyo inis na sabi ko dito..







"Hindi ka ba pwedeng maghintay na makauwi ako para mapag usapan natin yan. Nagdecide kana palang mag isa.." medyo malamig na ang tonong sabi nito..








"Ken, alam mo namang matagal ko ng pangarap na maging isang official photographer diba?" medyo humihikbing sabi ko dito.






"Alam ko yun! Ang akin lang Rita, sana pinag usapan muna natin to! Alam mo naman kung anong napagdaanan mo dahil sa mga pictures na iyon na trinabaho mo for House of travel. Yung mga pictures na naiwan sayo? Don't tell me sinubmit mo na sa kanila?"








Tumango ako.









Napahilamos sa mukha si Ken.










"Kakarecover mo lang Rita! Handa ka na bang balikan lahat lahat ng trahedyang iyon?? Rita! Makulit ang press and media!! Handa ka bang ma interview? Paano kung makasama na naman sayo yan! Rita naman.."












Umiiyak na ako dahil nagalit ito.. Mas lalo akong naiyak ng iwan niya ako sa loob ng kwarto ng mag isa..





























Ken's POV




11pm na pala at nakatulog ako dito sa sofa sa ibaba. Pagtayo ko, naalala ko na naman si Rita at ang pagsigned nito ng cotracts sa House of Travel. Hindi naman sa hadlang ako sa pangarap niya bilang Photographer.. Masyado lang maaga for her na balikan ulet ang trahedyang iyon. Ayokong maulit na bumalik siya sa dati.. Natatakot na ako.. Kaya ganoon na lang yung galit ko kanina..







Withered RosesWhere stories live. Discover now