CHAPTER 16

253 18 0
                                    

Kaye's POV

Kinabukasan nagising ako na mabigat ang damdamin. Kagabi ay pinilit ko nalang matulog ng maaga dahil ngayong araw nga ang pageant.

Naligo na ako at nag ayos, nagsuot lang ako ng jeans at tinernuhan ko ito ng isang puting off shoulder, sinuot ko nalang din ang aking white shoes, gusto ko kasi komportable dahil mamaya ay ang pamatay na high heels na ang susuotin ko. Napakarami kong dala dahil nga sa amin manggagaling ang mga damit na susuotin ko, ang hindi ko lang dala ay ang aking gown dahil dala na ito ng make up artist ko.

Pagbaba ko ay naabutan ko si mommy na kumakain na rin.

"Good morning Mom" bati ko sabay halik sa kanyang pisnge. Ibinaba ko na muna ang mga dala ko para kumain.

"Good morning, ngayon na ba yung pageant nyo?"

"Yes Mom" sagot ko at inumpisahan na ang pagkain.

"Sorry I can't make it. May appointment kasi kami ng mga friends ko"

"Okay lang po" sagot ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Mabilis naman akong natapos at nagpahatid na agad sa driver. Maaga ako dahil nga aayusan pa ako.

Medyo hirap ako sa paglalakad dahil may kabigatan din ang aking dala, buti nalang ay wala pa ganong mga estudyante.

"Tulungan na nga kita" medyo napatalon pa ko ng biglang kunin ni Lester ang mga dala ko.

"O bakit ang aga mo?" Tanong ko dahil apaka aga pa talaga.

"Napaaga gising ko e kaya na isipan ko ng pumasok nalang. Hindi ka pa pasalamat e konti nalang magkanda kuba kuba ka na kanina dahil da bigat netong dala mo. May ginto ba to bat ang bigat?" Mahabang sabi nito.

"Apaka daldal mo ngayon ano" Sabi ko, bihira lang kasi to magsalita kaya nagtataka ako kung bakit apaka daldal nya ngayon.

Nagkapalit ba sila ng kaluluwa ni Clar?

Jusko kung ano ano na ang naiisip ko.

"Okay hindi na ko magsasalita" Sabi nito, natawa naman ako sa itsura nya pano ba naman ay nagkunwari pa izinip ang kanyang bibig.

"Parang bata" Sabi ko sabay hapas sa braso nya.

"Aray! Tsansing ka ah" biro nito na ikinakunot ng nuo ko. Anong trip nito bgayon?

"Apaka yabang mo!" Sabi ko, pumasok na kami sa room kung saan ako naka assign para ayusan. Malaki ang space namin dahil ang harang lang ng room na ito ay kahoy na pwedeng alisin. Sa gilid ay nandoon na ang mga gamit ng iba pang kalahok.

"Lapag mo nalang dyan" Sabi ko sabay turo sa may lamesa na naiset up na ng aking make up artist.

"Let's make a deal" bigla bigla nitong sabi.

"Ano naman?" Tanong ko habang nakakunit ang noo. Nakatayo lang sya sa aking harapan at naka ngisi pa

"Kapag nanalo ka ililibre Kita" Sabi nito.

"Sus yun lang pala, easy" biro ko, natawa naman sya.

"Sige labas na muna ko para makapag ayos ka na. Good luck!" Sabi nito sabay kurot sa pisnge ko. Tinignan ko sya ng masama dahil napasakit ng pagkurot nya sa aking pisnge, imbes na matakot sa sa tingin ko ay natawa pa ito lalo. Nakakairita naman to!

"Sige na, lumayas ka na nga!" Sabi ko, tinulak tulak ko pa sya dahil tawa ito ng tawa, yung totoo bakit napakasaya ng lalakeng to ngayon?

Umupo na ako sa high chair na naka harap sa vanity mirror.

"Jowa mo yun be? In fairness ang wafu ah" sabi ng baklang make up artist ko.

"PO? Hindi po, kaibigan ko lang po yun!" Gulat na sabi ko, halata naman sa mukha nya na hindi sya naniwala sa sinabi ko. Jusko muka ba kaming mag jowa? Mga tao nga naman o, issue!

Star SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang