CHAPTER 23

173 11 1
                                    

Kaye's POV

Ang bilis ng mga kaganapan. Parang kahapon lang ang saya-saya naming lahat, kanina habang pauwi ay masayang masaya kami, tapos ngayon heto kami nakaupo sa park na malapit sa hospital.

Lahat kami nagulat, lahat kami hindi makapaniwala.

Pagdating namin kanina, sobrang gulo na, hindi na namin alam kung anong uunahin. Napag alaman namin na nilooban daw pala ang bahay nila and worst is pati buhay ng pamilya ni Clar ninakaw. Grabe na daw ang natamong saksak nina tito and tita kaya kahit dalhin pa sa hospital, wala na talagang pag-asa. Mabuti nalang si Trishia, kapatid ni Clar, ay konti lang ang natamong sugat kaya naisugod pa ito sa hospital.

Hindi na muna kami umuwi kaagad dahil gusto naming damayan si Clar, sobrang lala ng nangyari. Hindi nalang namin sya sinamahan sa loob ngayon dahil nandoon na ang iba nilang kamag-anak.

"Hindi pa rin ako makapaniwala" bulong ko. Tabi-tabi kaming nakaupo sa isang mahabang bench na nakalagay doon. lahat kami tulala at hindi pa maiproseso ang nangyari.

"Iniisip ko si Clar. Matapang yon, pero tol ibang klase 'to" naiiling na sabi ni Lui. Si Clar kasi yung pinaka matapang sa aming magkakaibigan, sya yung laging nandyan para sa amin kapag may mga problem kami. sya yung palaging nagcocomfort sa amin kapag may mga problema kami.

Natahimik na ulit kaming lahat, lahat kami malungkot dahil kahit papaano naman din kasi, naging malapit na kami sa pamilya ng isa't-isa. Kilala na kami ng mga pamilya namin. at kahit papaano ay may nabuo na rin kami na samahan.

Ang hirap pala ng ganito, kahit ako na ilang saglit lang nilang nakasama sobrang hirap na, paano pa kaya si Clar na buong buhay nya kasama nya ang mga ito. Bakit may mga tao pa kasing nakakayang kumitil ng buhay? Hindi nalang ba nila naisip na may iba pa itong pamilya? May mga taong masasaktan. 

ilang sandali pa ang lumipas ay nakita na namin na lumabas ng ospita si Clar kasama ang kanyang mga pinsan. agad-agad naman namin syang nilapitan. paglapit namin ay nagulat pa ito, akala siguro ay umalis na kami.

"anong ginagawa nyo dito? gabi na, baka hanapin na kayo sa inyo" walang ganang sabi nito. halata sa mata nito ang pagod at lungkot. ang kanyang ilong at pisngi ay pulang pula na dahil sa pag iyak.

nakakapanibago na makita syang ganito. sanay kasi ako na palagi siyang nakangiti at masaya. alam kong sobrang sakit para kay Clar ang lahat ng ito. sobrang lapit nya kasi sa mga magulang nya. hindi lumilipas ag maghapon na hindi niya na ikukwento sa amin ang kaniyang magulang. kung sa akin din siguro nangyari ito, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. kahit naman kasi strikto s Mama mahal na mahal ko yun.

hindi nalang kami nagsalita at sabay-sabay namin siyang niyakap. ito nalang kasi ang alam namin na paraan para maibsan kahit kaonti ang kaniyang nararamdaman. hindi rin kasi namin mahanap ang tamang mga salita na sasabihin dahil alam namin na walang kahit anong bahay ang makakapag pa alis ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

habang yakap namn siya doon niya nailabas ang kaniyang tunay na nararamdaman. humagulgol sya ng iyak. pati tuloy kami ay naiyak na rin.

"bakit kailangan sa amin pa mangyari 'to?" sabi nito sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. 

"Walang nagawang mali ang mga magulang ko! napakabait nila. hindi nila deserve ang mga nangyari na ito" pasigaw na sabi nito. iniupo na muna namin siya sa upuan at binigyan ng tubig. hindi kami umalis sa tabi niya, hindi na rin kami nagsalita pa at hinayaan nalang namin siya na maglabas ng kaniyang mga hinanakit. kung hindi lang tumawag ang parents ni Lyna ay indi kami uuwi. bago kami umuwi ay sinigurado muna namin na ayos na si Clar, nandoon naman ang mga kamag-anak niya para alalayan siya. Hanggang sa pag uwi ay mabigat ang damdamin ko, hindi ko lubos maisip ang lahat ng mga nangyari. 

Star SectionWhere stories live. Discover now