Chapter 8 💝

39 7 2
                                    

[ Draco's POV]

" Mauna na ko sa inyo. Nasa parking lot si Tiny eh. Ihahatid ko pa."- Zing.

" No problem pare. Pasabi 'Hi'"

Tumango siya at umalis.

" Mauna na rin ako sayo, Draco. May family dinner kami ngayon eh. Bawal ma late."- Griffin.

" Sige. Ingat!"

Isa-isa kong pinulot ang mga bola at tinipon sa lalagyan. Ako ang naka assign na magligpit ng mga basketball equipment.

Eksaktong 7:00 pm natapos ako sa ginagawa. Sukbit ang bag na tinungo ko ang parking lot.

Ipapasok ko na sana ang susi ng sasakyan ko ng bigla akong nakarinig ng sigaw.

Sinundan ko kung saan nagsimula ang ingay. Napakuyom ako ng kamao dahil sa aking nakita.

" Let go of me freak!!!"

" English speaking pala to pare eh! Siguradong tiba-tiba tayo dito!"

" Kinis din ng katawan oh!"

Hawak ng dalawang lalaki si Olivia at may isa lang lalaki na nasa harap niya.

"Don't touch me! Aaaaahhh!!!"

Nakialam na ako ng makita kong sinabunutan ng lalaki si Olivia. Babaliin ko ang kamay ng gagong to!

" ang mga babae hindi yan sinasaktan pare."

Sabay na napabaling ang atensiyon nila sakin.

"Huwag lang makialam dito gago! Maghanap ka ng iba huwag lang tong baby namin!"

"Eh gago ka palang tao eh! Anong baby niyo? Eh honey ko yan!"

"Masyado ka nang pakialamero pare. Gusto mo bang magpapawis?"

"Walang problema. Matagal na din akong hindi nakasuntok sa punching bag eh."

"Daming satsat!"

Sinugod niya ako ng suntok na siyang naiwasan ko at binigyan siya ng malakas na suntok sa tiyan. Sinunod ko yung isa at binigyan ng sipa pero hindi ko naiwasan ang suntok ng isa kaya natamaan ako sa pisngi.

"Draco!!!"

Nalasaha ko ang dugo sa bibig ko. Dumura muna ako bago ko sila inatake. Nagamit ko din sa wakas ang natutunan ko sa Taekwondo.

Natatamaan man nila ako pero doble ang naibabalik ko sa kanila hanggang sa sila na mismo ang sumuko at nagsiunahan sa pagtakbo.

Fudge! Ang sakit ng buong katawan ko!













"Awww!!! Dahan dahan naman , Honey."

"Kulang pa ba ang suntok nila? Sabihin mo lang at nang makasuntok ako sayo sa bibig!"

"Suntok talaga? Pwede bang kiss na lang? If you don't like it , you can return it, honey."

Napasigaw na lang ako nang mas diniinan niya ang bulak sa sugat ko. Naging tahimik ang pagitan namin kaya malaya kong napagmasdan ang mukha niya.

"Thank you pala kanina."

"You're welcome. Kaya kong makipaglaban pag ikaw na ang sangkot. Mas mabuti na lang na ako ang masaktan."

Tahimik na nilagyan niya ang sugat ko ng band aid bago umupo sa tabi ko. Nandito kami sa condo niya.

"Hindi ka ba napapagod, Draco? Alam mo, nakakapagod na maghabol sa taong nakaabot na sa finish line. Sa taong mahal mo na nasa piling na ng premyo niya."

"Oo, nakakapagod. Pero Olivia wala ka pa naman sa finish line eh kaya bakit ako mapapagod na habulin ka? Sasabayan kita Olivia para sabay tayo sa finish line."

Hindi ko inasahan ang paghilig niya sa balikat ko. Maingat na hinaplos ko ang buhok niya.

"Anong gagawin ko sayo, Draco? Sana ikaw na lang ang una kong nakilala."

"Sana Olivia."

"Just give me chance, Olivia. Payagan mo lang akong ligawan ka. Alam ko na si Zing parin ang nasa puso mo pero I'll try my best na malampasan ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kaniya."

"Masasaktan ka lang Draco eh."

"Handa na akong harapin yan , Olivia."

"Mapapagod ka lang sa kakahintay."

"Titigil lang ako kung ikaw na mismo ang nagsabi."





"It's up to you."

"Pumapayag ka nabg manligaw ako sayo?!"

"Yeah"

"Thank you Olivia! Pinasaya mo ako ng sobra honey."

"Thank you for everything, Draco."

Hinaplos ko ang buhok niya at kinantahan siya ng Hero ni Enrique Iglesias.

Nakatulog siya sa balikat ko kaya maingat na binuhat ko siya at dinala aa kwarto niya at pinahiga.

"I love you, Honey."

Hinalikan ko siya sa noo bago umalis.










_________________________________________

So yung po!  Nagiging marupok na si Olivia sungit natin 😂 Sino magvo-volunteer na suntukin ng halik si Draco?  😂😍

Chapter 9 is up Zingers 😘

This Moment Now (COMPLETE ✅)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora