Chapter 25 💝

56 7 0
                                    

[Draco's POV]

Umalis na kami sa condo ko pagkatapos nang kasal namin dahil may bahay na akong napagawa para sa pamilya ko. Dalawang buwan palang kami dito at malawak ang garden ni Olivia sa likod ng bahay. Sabi ni Mommy nakakabuti naman daw to sa pagbubuntis ni Olivia.

Nilagay ko sa tray ang kakainin naming pananghalian dahil gusto niya na doon kami kumain sa maliit na kubo na nasa gitna ng garden.

Kukuha  sana ako ng tissue nang marinig ko ang sigaw niya.

"DRACO!!! "

Mabilis na tumakbo ako papuntang kubo at nakita ko siya sa labas ng kubo at namimilipit sa sakit.

"Bakit ka sumigaw h-honey?! "

"Manganganak na ako Draco! "

Bigla akong natuliro at binuhat ang flower pot na nasa tabi niya.

"Tanga ka ba, Draco?! Ako dapat ang buhatin mo at dalhin  sa hospital! Arayy!! "

Binuhat ko siya at dinala sa sasakyan bago nagmaneho ng mabilia pero may pag-iingat. Umiiyak na siya dahil sa sobrang sakit.

"Hold on baby. Malapit na tayo sa hospital. "

"Ang s-sakit-sakit na Honey. "

"Shh... Relax honey. Nandito na tayo. "

Pagdating sa hospital inalalayan ko siya sa oagbaba at sinakay sa stretcher. Hindi nila ako pinayagan na sumama sa loob kahit na apo pa ako ng may-ari ng hospital na to.

Pabalik-balik lang ako sa labas ng delivery room hanggang sa maabutan ako ni Pia at Griffin na dala ang gamit ng baby ko at ni Olivia na nakalimutan ko na sa sobrang pagmamadali.

"Kumalma ka lang, Draco. Magiging okay din sila. "-Pia.

Dumating din ang ang mga parents namin at pinapakalma din ako. Habang lumilipas ang oras parang ako naman ang hihimatayin.

Ako ang unang lumapit kay Doctora nang bumukas ang pinto.

"Congratulations, Mr. Liveria. It's a boy. "

[Olivia's POV]

Nagmulat ako ng mata at naramdaman ko ang pagod sa buong katawan.

Nasa gilid ko si Draco at may buhat na bata.

"H-Honey. "

Napabaling siya sakin at ngumiti.

"Thank you very much, honey. I'm very happy. I love you both. "

He kissed me on my lips.

"I love you too honey and thank you for coming into my life. "

Inalalayan niya ako sa pag-upo at pinahawak sakin ang baby boy namin.

"Dracong-Draco ang mukha oh. "

"Naman. Sa dami ba naman nang kagat na naranasan ko sayo no? "

"Diba worth it naman? Yung kaputian ko lang nakuha niya. Napaka unfair naman. "

"Malay mo was susunod nating baby, magiging kamukha mo na. "

"Loko ka no? Kakapanganak ko pa lang tapos iniisip mo na ang susunod? Akala mo napakadaling umire? "

"Sorry na po. Pero diba susundan naman natin? "

"Oo na! "

Napa 'Yes' naman ito na ikinatawa ko. Pumasok ang pamilya namin na pinag-agawan ang baby namin.

Dumating ang isang nurse at may dalang form para sa magiging name ni baby.

"Mr. and Mrs. Liveria, kukunin ko po ang name ni baby boy Liveria. "

Tiningnan ko si Draco at nginitian. Gusto ko kasi na siya ang magpangalan sa panganay namin.

"Drake Oliver Liveria. "

Sinulat naman ng nurse at sinabi na kukunin muna nila mayamaya si Drake bago umalis.

"Mukhang matagal mo nang pinag-isipan ang name niya honey? "

"Oo naman. Simula nong sinabi mong ako ang magpapangalan, nakapag-isip na agad ako. Okay lang ba sayo ang name niya? "

"Oo naman. Pinaghalong name natin."

Kinabukasan nakauwi na kami at halos hindi namin mahawakan si Drake dahil panay ang humahawak sa kaniya ay ang mga magulang namin o di kaya sina Pia at Griffin. Nakakasama na lang namin siya pag dedede na at matutulog na. Unang buwan namin na kasama si baby hindi naman kami nahirapan dahil hindi naman siya iyakin unless kung gutom, matutulog o di kaya puno na ang diaper.








[A/N: Yeyyy!!!  Two chapters for tonight my Zingers 😘.

I'll update tomorrow the last remaining chapter and the epilogue 😘.

Keep safe everyone. Goodnight 😘.]

This Moment Now (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now