Chapter 23 💝

58 7 2
                                    

[Olivia's POV]

Nagmulat ako ng mata at naramdaman ko ang mahigpit na yakap na nakapalibot sa bewang ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Tita at Tito na magkayakap na natutulog sa sofa. Si Pia nakahiga sa hita ni Griffin na nakasandal naman sa sofa.

Natuon ang pansin ko sa taong nakayakap sakin nang bigla itong gumalaw at iniba ang pwesto ng mukha kaya malinaw na nakikita ko na ang mukha niya.

Sa wakas gising na siya. Okay na siya. Alas singko na pala ng umaga. Hinaplos ko ang pisngi niya na ikinakislot niya. Dahan-dahan siyang nagmulat at tumingin sakin.

"H-Honey. Kamusta na ang pakiramdam mo? "

My eyes became watery.

"I'm okay. Ikaw? Okay ka na ba? Pinag-alala mo ako. Maniwala ka sakin Draco, ikaw lang ang mahal ko. Wala nang iba. Wala nang Zing. Matagal na. "

"Yeah. I believe you so please stop crying. Makakasama yan sayo. "

Tumigil naman ako sa pagluha at hinaplos siya sa mukha.

"Miss na miss na kita. "

"Namiss din kita, Honey. Ano palang nangyari diyan sa pisngi mo? "

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Ayaw kong mag-away sila ni Pia.

"N-Nabangga lang. "

"Hindi ako naniniwala. Sinong sumampal sayo? Si mommy ba? "

Mabilis na umiling ako.

"No. S-Si Pia. Naiintindihan ko siya kung bakit nagawa niya iyon. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nangyari to sayo. "

"Wala kang kasalanan. Wala lang ako sa tamang pag-iisip kaya nagawa ko yun. "

"B-Basta huwag mo nang ulitin iyon ah? "

"Never. Hindi ko kayo hahayaang mag-isa ni baby. "

"B-Baby? "

Bumalik sa isipan ko kung paano ko nakita ang pagdaloy ng dugo sa hita ko.

"D-Dinugo ako. Nakita ko. K-Kamusta si baby? Hindi ko alam na nasa tiyan ko pala siya. "

"No need to worry, Honey. Our baby is safe. You need to be extra careful and don't sleep late. "




Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Humingi sakin ng sorry si Pia na agad ko namang pinatawad. Nakalabas na din kami ni Draco sa hospital at nag-usap na ang mga magulang namin tungkol sa kondisyon ko. Napagdesisyunan nilang manatili ako sa condo ni Draco kaya ngayon 1 week na ako dito.

Mabuti na lang at hindi ako maarte sa paglilihi. Maliban na lang sa naging hobby ko na na bigla siyang kagatin sa tiyan, braso at balikat. Okay lang naman sa kaniya dahil ibig sabihin daw non siya ang pinaglilihian ko.

Nabalik ako sa huwisyo ng tumunog ang cp ko. Sinagot ko ang tawag ni Draco.

"Honey? "

"Hmm? "

"Mag-ayos kq diyan ah? I'll fetch you in a minute. May pupuntahan tayo. "

"Okay honey. "

"Bye. I love you. "

"Bye. Ingat ka ah? I love you too. "

Agad na nagsuot ako ng dress na maluwag sakin dahil medyo maumbok na si tummy. Lumalaki na si baby namin.

Maya-maya ay dumating na si Draco at sinalubong ako ng halik sa labi at sa tiyan.

"Nagugutom na ba kayo ni baby? "

"Hindi Pa naman. Saan ba tayo pupunta? "

Inalalayan niya ako papasok ng sasakyan.

"Secret, honey. It's a surprise. "

"Dami mong alam. "

Kinindatan niya lang ako. Habang nagmamaneho siya napatingin ako sa braso niya.

"Honey? "

"Hmm? "

"Yung braso mo. "

Mukhang nakuha niya agad ang sinabi ko kaya nagpapaawa siyang tumingin sakin at inabot ang braso. Pigil ang sigaw niya nang kinagat ko ito but I kissed it afterwards.

"I love you,  honey. "

"Love ko din kayo ni baby. "

Itinigil niya ang sasakyan sa isang 2 storey building na nakapatay ang mga ilaw.

Inalalayan niya ako sa pagbaba at dinala sa harap ng building.

"Anong gagawin natin dito? "

"Can you close your eyes? "

Hindi na ako nagreklamo at sinunod na lang ang utos niya. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa building.

"Hope you'll love it, honey. Open your eyes now. "

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at tumambad sakin ang napakagandang building na may ilaw na. Napatakip ako sa bibig nang mabasa ko ang pangalan.

'OLIVIA'S PHOTO STUDIO'

Binalingan ko si Draco at nagulat ako nang nakaluhod na siya at may hawak na box na may lamang singsing.

"Let's make our family into reality, honey. You know how much I love you right? And I love you even more knowing that you are carrying our child. Are you willing to be mine forever, honey? Will you marry me? "

Tumango ako kaya mabilis na sinuot niya sa palasingsingan ko ang singsing. Bumukas ang pinto ng studio ko at lumabas don ang mga magulang namin. Si Pia at Griffin.

"Congratulations!!! "








[A/N:

2 Chapters to go plus the epilogue 😍 sana talaga nagustuhan niyo ang kwentong ito, Zingers 😚😙. I won't make this far kung hindi dahil sa inyo 😘.

I want to say hi to my pamangkin Akitty05,baby Yumi YumiLiu23 and kapatid Meili Kween_Mei.

Kapatid 😂 pasensiya kung naguluhan ka sa sequence ng story 😂😂😂.

Stay safe everyone 😘. I love you,Zingersss]

This Moment Now (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now