Kabanata 1

27 1 0
                                    

Isang linggo na lamang at pista na sa bayan ng Sariaya kung kaya't abala ang lahat sa paglalagay ng mga palamuti at mga makukulay na disenyo sa kaniya-kaniyang tahanan. Dagdag  pa rito ang mga makukulay na banderitas na nagkalat upang ipakita ang pagdiriwang sa Pista ng Agawan. Isa sa mga pinakaaabangan ay ang samu't saring aktibidad na inihanda ng alkalde ng bayan na si Don Vicente Allegre.

Marami ang tumitingala sa alkalde dahil sa pagiging mahusay nitong pinuno,dagdag pa rito ay ang pamilya nitong may mabuting asal at mababa ang loob. Mula sa asawa nitong si Donya Isabela Allegre na abala rin sa pagdidisenyo nang kanilang tahanan, dumako naman tayo sa bayan.

Sa Bayan, sa bayan kung saan maligayang bumabati sa magkaptid na Allegre ang sinumang makakita dito. Ang unica hija na si Isabel Allegre na nagtataglay ng mala-porselanang kutis at magandang mata gaya ng kaniyang ina. Marami ang humahanga dito dahil sa husay nito sa pag pipinta, sumunod naman ay ang pinakamamahal ng lahat na si Elizabeth Hiraya Allegre ang bunsong anak ni Don Vicente at Donya Isabela. Gaya ng ina at nang kapatid na si Isabel nagtataglay din ito nang ng angking kagandahan, pinupuri din ito dahil sa husay nito sa pagtugtog ng biyolin. Dala dala ang matamis na ngiti sa labi na siyang tumutunaw sa puso nang bawat mamamayan na makakakita dito.

"Magandang hapon Hiraya at Isabel, mabuti naman ho at napabisita kayo" maligayang bati nang mananahi na si Linda. May katandaan na ito ngunit dalaga pa din kung kaya't buo ang oras at atensyon nito sa pagtatahi.

"Pasensya ka na Manang Linda at hindi kami nakapagbigay abiso" nahihiyang sambit ni Isabel

"Ayos lamang po iyon, ano  bang maitutulong ko sa inyo?" tanong nito, lumapit naman si Hiray at hinawakan ang kaniyangmagkabilang balikat.

" Ah-- Manang Linda.." malambing nitong sambit "Nais sana namin suotin ang mga saya na ito sa araw nang pista ngunit isang linggo na lamang kung kaya't wala kaming magawa"  humarap ang dalagang mananahi kay Hiraya at hindi maitago nang mananahi ang pagkagulat nang makita ang napakagandang disenyo nang saya na nakaguhit sa papel.

"Kung gayo, nais ninyo bang ako ang magtahi nito?" sabay na tumango ang magkapatid "Ngunit napakaganda nito, maaaring hindi ko maabot ang ekspektasyon niyo" nahihiyang sambit ni Linda

"Kaya nga kami naparito dahil alam namin na kaya mo iyan gawin" paguudyok ni Hiraya.  Wala nang nagawa ang mananahi dahil mukhang desidido talaga ang magkapatid. 

"Hayaan niyo mga binibini gagamitin ko ang aking mga nalalaman mula sa inyong Ina upang mapaghandaan ang saya na ito "nagtatakang tumingin rito ang magkapatid

 "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Hiraya sa mananahi

 "Si Donya Isabela ang nagturo sa aking kung paano manahi." Panimula nito habang sinusukatan ang dalaga " Kasing edad niyo ako nang makilala ko si Donya Isabel, bagamat ulila ay hindi nagdalawang isip si Donya Isabela na tulungan akong makaahon" ngumiti ang dalaga sa ala alang iyon "Noon ay hindi ako marunong bumasa hindi rin ako marunong magsulat sa pagkakatanda ko ay ipinagbubuntis niya si Isabel noong mga panahong iyon. Ibinahagi niya sa akin ang mga nalalaman niya sa pagtatahi kung kaya't nagkaroon ako nang mapagkakakitaan, hindi ko malilimutan ang araw na nakilala ko ang Ina ninyo napakabait ni Donya Isabela kaya't hindi na ako nagtaka nang mapalaki niya kayong may busilak na puso" isinabit nang matanda ang medida sa kaniyang leeg.

"Mukhang malapit nga talaga kayo ni Mama" sambit ni Isabel

"Talagang malapit, oh siya sige mga Binibini hindi ho ba kayo pupunta sa misa mamayang gabi?" Agad na nagpaalam ang magkapatid sa mananahi at bumalik sa tahanan.


Mula sa pintuan ng mansyon ay sinalubong si Hiraya at Isabel nang kanilang ina na si Donya Isabela nakasuot ito nang kulay itim na bestida at mukhang handa nang magtungo sa simbahan "Hija magtungo na kayo sa inyo mga silid upang makapaghanda sapagkat darating ang gobernador at ang pamilya nito kailangan ay maging kaaya-aya ang itsura ninyo" agad naman sumunod si Isabel ngunit naiwan si Hiraya

 "Mama hindi ba't tayo ay magsisimba?"naguguluhang tanong nang dalaga "Kayo na lamang nang kapatid mo ang magsisimba maiiwan kami rito dahil magdidisenyo pa ako sa hapag, ang ama mo naman ay nagpapahinga dahil paniguradong aabutin ng hating gabi ang pagkukwentuhan nila mamaya ni Don Simeon"  tumango ang dalaga tsaka nagtungo sa silid upang makapaghanda.

Habang naglalakad patungo sa simbahan "Hiraya mauna ka na sa simbahan bibili muna ako nang bulaklak " tumango ang dalaga at tumuloy sa simbahan.  Pagdating sa simbahan, ilang pares ng mata ang agad natuon sa dalaga agaw pansin ang suot nitong berdeng bestida na may bulaklak na disenyo ang itim nitong buhok ay nakaladlad dahilan para ito ay sumayaw sa bawat hakbang na ganyang tatahakin. 

"Magandang gabi Ma'am Hiraya" bati ng batang nagtitinda ng sampaguita "Magandang gabi rin, anong pangalan mo?"naliligayahang tanong ni Hiraya "Florencio ho ang pangalan ko Ma'am" at ngumiti ang bata "Ano ka ba , Ate na lamang ang itawag mo sa akin. Nasan ang mga magulang mo?" tanong ni Hiraya "Matagal na po akong ulila, pero mayroon pong nag aalaga sa akin" tumango tango ang dalaga inabot niya ang kamay nang bata "Tara na sa loob at mag uumpisa na ang misa" ngunit bumitaw ito sa kaniya "Pasensya na po Atengunit hindi maaari"

"Bakit naman?" naguguluhang tanong ng dalaga

"Hindi po kaaya aya ang kasuotan ko sa loob ng simbahan" malungkot na sambit ni Florencio "Sige ganito papayag ka ba kung bibilhin ko ang lahat nang iyan? pero sa isang kundisyon, sasamahan mo ako sa loob ng simbahan" umaktong nag iisip ang bata bago tumango. "Tandaan mo wala sa kasuotan o katayuan sa buhay ang pagpasok sa loob ng simbahan, may nabasa ka bang hindi maaari pumasok ang  hindi naka pormal na kasuotan? hindi ba't wala naman"

Ilang minuto palang ang nakalilipas nang maramdaman niyang may tumabi sa kaniya "Ate Isabel bakit ngayon ka lang?" pabulong na tanong ni Hiraya " Mamaya ko na lamang ikukwento mag uumpisa na ang misa" di na nag abalang magtanong pa ang dalaga at nakinig na lamang sa misa. 

Nang matapos ang misa hawak pa rin nang dalaga ang kamay ng batang nagtitinda nang sampaguita, walang reklamo namang sumabay sa kanya si Florencio palabas ng simbahan. Sunod sunod ang mga lumalabas na sasakyan mula sa loob ng simbahan ng biglang tumigil ang bata sa paglalakad"Sandali lamang ho Ate Hiraya"natigilan naman ang dalaga "nakita ko po si Senyor " sa hindi malamang dahilan ay hinagilap ng kaniyang mga mata ang tinutukoy nitong Senyor  

"Sigurado ka ba?" tumango naman ang bata "hindi po ako maaaring magkamali na si Senyor ang nakita ko" maligayang sambit  ng bata "Sige mag iingat ka ha?" tumango naman ang bata at nagpasalamat tumakbo ito palayo na tila sabik na sabik makita ang Senyor na tinutukoy nito nang may lapitan itong isang lalaki na nakasuot nang puting polo na siyang humahapit sa pangangatawan nito  . "Ito ba ang tinutukoy niyang Senyor? bakit parang di kami nagkakalayo ng edad?" tanong niya sa sarili. Mas pinagmasdan nang dalaga ang senyor ngunit madilim na kung kaya't hindi niya maaninag ang mukha nito "Hiraya tara na " anyaya ng kaniyang kapatid 

Muli niyang sinulyapan ang binata at nahuli niyang nakatingin din ito sa kaniya, simpleng ngiti lamang ang ginawad niya rito bago umalis. adios senyor




Sinta : La última medianocheWhere stories live. Discover now