Kabanata 2

7 1 0
                                    

Habang nagsasalo-salo sa pagkain ng hapunan ang mag anak na Allegre ay biglang pumasok sa isipan ng dalaga ang bisitang inaasahan nila. "Mama, hindi ba't sabi ninyo ay darating ho ngayon si Don Simeon at ang pamilya nito?" inilapag nang ginang ang kutsara't tinidor tyaka pinunasan ang bibig bago nagsalita 

"Oo sana hija ngunit tumawag ang sekretarya ni Don Simeon at sinabing ipagpapaliban muna nila ang pagbyahe pagkat may biglaan itong agenda, tyaka ibinilin naman nito na sisiguraduhing makararating sila sa araw ng pista " wala sa sariling napasulyap ang dalaga sa bintana tyaka ipinagpatuloy ang pagkain 

Makalipas ang isang linggo...

Maingay at puno nang saya ang lahat sa pagsalubong sa Gobernador ng lalawigan na si Don Simeon at ang pamilya nito. "Maligayang Kapistahan pare" bati ni Don Simeon kay Don Vicente at nag abot ang mga kamay nito "Salamat naman nakabisita kang muli rito at masaya akong makitang kasama mo ang pamilya mo si Alena na ba ang dalagang ito?" lumapit ang dalagang nasa likod ng Gobernador. Maganda ang pangangatawan nito mas malaman lang ng kaunti kaysa sa kaniya, kulay tsokolate ang buhok nito matangos ang ilong at natural ang pagkapula ng labi sa aking hinuha ay nasa edad bente ito kagaya ko"Oo siya nga" ngumiti ang tinutukoy nitong Alena "Maligayang Kapistahan ho Don Vicente" tumango naman ang alkalde

 "Sino naman ang napakagwapong batang ito?" tukoy ng alkalde sa batang lalaki na kamukha ng gobernador. "Si Allan ang aking bunso " lumapit naman ang bata at nagmano sa alkade ginulo ng alkalde ang buhok niyo at nagyaya na itong magtungo sa hapag kainan upang makapag salo salo. 

Naka-upo sa magkabilang dulo ang si Don Simeon at ang aking ama. Sa kanan ay katabi ni Don Simeon ang asawa nitong napag alaman kong ang pangalan ay si Senyora Mirabela, napakahinhin ng kilos nito bagamat may katandaan na ay hindi kumukupas ang taglay nitong kagandahan. Katabi naman ng Senyora ay ang anak na si Alena kasunod ay ang bunsong kapatid na si Allan may isang upuan pa ngunit walang nakaupo rito. Sa kabila naman mula sa kanan ng aking ama ay si Mama kasunod si Ate Isabel at ako,may isa pang bakanteng upuan na ang katabi ay upuan ng Gobernador. Nanatiling tahimik ang hapag ng biglang magsalita si Don Vicente "Nasaan nga pala ang unico hijo mo? Mukhang ngayon lamang siya wala sa kapistahan. Ano nga uli ang pangalan niyon? Alan??"

"Allain" putol ni Don Simeon "Hindi ko alam kung uuwi ba ang isang iyon masyadong subsob sa pag aaral ng Abogasya ni hindi man lang naiisipan na umuwi upang magbakasyon"  natawa naman ang alkalde "Manang mana sayo Simeon " umiling ang gobernador at napansin kong tinapik nito ang asawa.

 "Nasaan ba si Allain ang akala ko ay narito na siya?" hindi ko sinasadyang makinig ngunit sadyang ang bulong nito ay napakalakas para aking marinig "Hindi ko pa muling nakakausap si Allain ang akala ko naman ay wala pa rito baka naman naroon pa sa siyudad" sambit ng senyora na siyang ikinailing ng Gobernador. 

Nagpatuloy sa pagkukwentuhan ang alkalde at ang gobernador kung minsan ay nagkukwentuhan ang mga asawa nito pati na rin si Alena at ate Isabel, masyadong pang nakatatanda ang mga usapin kung kaya't ninais kong magpaalam at magtungo sa plaza upang makipista. Agad naman pumayag ang alkalde ganun din si Donya Isabel samantalang ang gobernador ay pinuri pa ang dalaga sa pakikihalubilo nito. 

Bago magtungo sa plaza ay naisipan kong magpalit ng bestida upang mas maging komportable at hindi na madumihan pa ang bago kong saya. Nang makarating ako sa plaza, naabutan kong nagkukumpulan ang nakararami sa bilog na putikan. *oink* *oink* pumasok sa aking isipan kung ano ang pinagkakaguluhan nila roonat iyon ang kilalang laro na agawan baboy. Mukhang nagsimula na ang palaro kaya't  humanap ako nang maaaring puwestuhan upang makanood nang palaro. 

"Sige Julio agawin mo!

*oink* oink*

"bilisan mo!"

"Ayan na! kapitan mo!"

*oink*oink*

"iyooooonn!!"

 nagsisigaw ang ilang kalalakihan at napapatili naman ang ilan sa tuwing dumudulas at nakaliligtas sa braso nang humuhuli rito. Nagpalakpakan naman ang lahat nang mahuli na ang  biik. "Limang daan para sayo Julio" muling pinakawalan ng lalaki ang hawak na biik habang ang nangunguna sa palaro ay muling nagtawag nang manlalaro. 

"Ako naman!"

Agaw pansin naman ang pagdating ng isang lalaki, at naghiyawan ang iba sa pag sali nito sa laro "Senyor Gani!" bati nang nangunguna sa palaro. Habang ang isa sa nanalo sa laro ay akmang yayakapin ito ngunit agad na nakaiwas ang binata tsaka nagtawanan ang dalawa. "Sino pa? Sino ang hahamon kay Senyor?" tiniklop nito hanggang tuhod ang suot na pantalon bago naglakad sa putikan "Senyor hindi ba't mamahalin ang suot mong iyan? bakit hindi mo muna alisin" sigaw ni Julio, umiling naman ang binata at mukhang wala nang nagawa nang isa isahin ang butones nang suot na puting polo. Napaubo ako nang bumungad ang napakaganda nitong katawan dahilan para mapatingin sa akin ang ilan sa mga manonood. 

"Ate Hiraya!" narinig kong sigaw ni Florencio dahilanpara mapatingin sa aking gawi ang lahat pati na rin ang binata, na nagpakawala nang matamis na ngiti sa labi. Napakurap kurap ako nang mapansin kong tumatagal ang pagtitinginan namin dahil para mag init ang aking pisngi "Ate Hiraya, mabuti po at narito kayo" hindi ko na napansin ang paglapit ni Florencio akmang aakbayan ko ito upang mapanood ko ang palaro nang bigla itong sumigaw "Galingan mo Senyor!!" hindi ko na napansing nag umpisa na pala ang palaro. 

"Senyor malapit na sayo!" *oink*oink*

"Ate Hiraya tulungan mo ako aluin si Senyor"

"a-ano? u-ulit?"

"Ate tulungan mo po akong aluin si Senyor para manalo siya, Galingan mo Senyor Gani!" halos ang lahat ay sinisigaw ang pangalan nito kaya't sinunod na lamang niya ang nais nang bata sa isip isipan na wala namang masama rito "G-Galingan mo S-Senyor!" saglit itong tumigil at napatingin sa aking gawi bago muling hinabol ang biik. Hanggang sa huli ay ito ang nanalo.


Kasama ang batang si Florencio, hinintay ni Hiraya ang binata upang personal itong mabati sa kaniyang pagkapanalo. "Senyor Gani!" agad na tumayo si Florencio nang makita ang binata na bagong ligo at iba na rin ang kasuotan "Oh! Florencio nandito ka pa pala" ginulo nito ang buhok nang bata at napatingin sa kaniyang gawi "Ah Senyor Isagani siya pala si ate Hiraya anak siya ni Don Vicente "

Inilahad nang binata ang kaniyang kamay at  tsaka binati ang dalaga"Magandang Hapon Binibini " natigilan ako nang agad nitong tanggapin ang aking kamay. "Magandang Hapon rin" napakatamis ng ngiti nito, ang kanina'y tinitignan ko sa malayuan at nakita ko nang gabing iyon ay mas maganda pala sa malapitan. 

"Senyor bakit hindi natin ayain si Ate Hiraya sa hacienda? paniguradong magugustuhan niya ang mga alaga natin" suhestiyon ni Florencio. Tumingin naman ang binata kay Hiraya na tila inaalam kung sang ayon ito sa ideyang iyon ngunit hindi agad nakasagot ang dalaga tila nagbago ang ihip nang hangin nang sandaling mapatingin siya sa kulay tsokolate nitong mata"Oo naman ayos lang pag may libre akong oras ay bibisita ako"  sambit nang dalaga "Binibini nais mo bang sumama sa amin upang makapag merienda nang kaunti? " muling ngumiti ang dalaga hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa pagiging pormal nito 

Suhestiyon ng dalaga na kumain sa tindahan ng kaniyang kakilala kaya't sumunod na lamang siya dahil wala rin naman siya masyadong alam na lugar kung saan maaaring kumain

 "Isagani-" natigilan ang dalaga nang maisip ang pagtawag nito sa kaniya "Ayos lamang na tawagin mo ako sa aking pangalan, ngayon ko lamang napagtanto na masarap itong pakinggan lalo na't sayo nagmumula" lihim na napangiti ang dalaga sa sinabi nito.


A/N: Let me read feedbacks please : ( I want to know your thoughts about this update. uWu :3


Sinta : La última medianocheWhere stories live. Discover now