Kabanata 3

6 0 0
                                    

Matapos makapagmerienda ay napagdesisyunan kong bumalik na sa mansion. "Ate Hiraya!" ani Florencio "Oh bakit Florencio?" lumapit ako dito at ginulo ang buhok nito "Mag-iingat ka po" kumaway ako dito at ganun din kay Isagani na siyang tango ang isinagot habang ang mga kamay ay nasa bulsa. 

May ngiti sa labi nang ako'y bumalik sa mansion 'tila baliw' bulong ko sa aking sarili. Napakarami kong nalaman tungkol kay Isagani gaya nang pangingibang bansa niya, kung ilang taon na ito at ang mga hilig nito. Hindi ko inaasahang madali itong kausap at magaan sa pakiramdam ang pakikitungo nito. Naputol ang mapayapa kong paglalakad nang biglang bumugso ang ulan "Ngayon pa!" reklamo ko  sabay takbo patungo sa mansion. 

Nang makarating ako ay wala na akong ibang nagawa kundi sa sala dumaan at sa di inaasahan ay naroon pa si Don Simeon at ang pamilya nito. "Naku hija saan ka nanggaling?" nag aalalang tanong ni Donya Mirabela dahilan para mapatingin ang lahat sa kaniya "Sa Kalye Budin po eh inabot po ako ng ulan nang pauwi na ako" lumapit  ang mayordoma na si manang Felia dala ang puting tuwalya at inabot ito sa kaniya. "Sige na anak magtungo ka na sa iyong silid baka magkasakit ka pa niyan" ani ng kaniyang ama. "Sige po, mauna na po ako" tumango naman ako ilan bilang sagot ngunit  bago magtungo sa silid nabaling ang atensyon ko kay Alena na ngayon ay abala sa pagtitipa sa kaniyang selpon sadyang napakaganda niya. "Tara na ,Hiraya" narinig kong sambit  ni Manang Felia, na hindi ko namalayang sumunod pala.

Pasalampak akong nahiga sa kama at inaalala ang mga nangyari kanina. "Grabe" napabuntong hininga ako nang maalala si Isagani, napakaganda nang mga mata nito ang ilong nito na napakatangos at ang labi nito napakanatural nang pagkakapula, napaisip ako nasaan kaya ang pamilya nito? Bakit Senyor ang tawag sa kaniya nang mga tao sa may plaza. 

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan Hiraya?" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang kapatid kong si ate Isabela "A-ah..Wa-la... Ahh" nauutal kong sambit, lumapit ito sa akin at na-upo sa gilid nang aking kama "Anong nangyari sa Kalye Budin at abot langit ang iyong ngiti?" nang uudyo nitong tanong. 

Nilagay ko ang aking kamay sa aking likuran bilang suporta at tumingala sa kisame "Napakarami Ate...." gumuhit ang ngiti sa labi nang dalaga ng maalalaang binata "may nakilala akong lalaki, napaka matipuno may pagka mestizo. Hindi ko lamang maalala kung saan ko siya nakita ngunit napaka pamilyar nang mga mata niya at alam mo ba madalas siyang narito ngunit ngayon ko lamang narinig ang pangalan niya"kumunot ang noo nang kaniyang kapatid. 

" Ano bang pangalan niya? at mukhang dalang-dala ka" hinarap ko ito "Isagani...Senyor Isagani ang tawag sa kaniya nang ibang taga plaza" naningkit ang mata nang kaniyang kapatid  "Hindi pamilyar ang kaniyang pangalan baka taga ibang bayan siya" nagtatakang sambit ni Isabel 

Naalimpungatan si Hiraya nang dahil sa ingay na kumukulob sa loob nang kaniyang silid, wala sa sariling nagtungo ang dalaga malapit sa bintana . Bumungad sa kaniya ang malakas na bugso ng ulan "umuulan na naman? " napailing ang dalaga sa sariling sinambit. Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig nang maabutan niyan naroon si Allan ang bunsong anak ni Don Vicente  at Donya Mirabela, pilit nitong inaabot ang baso ngunit hindi sapat ang tangkad nito upang makuha iyon. Kaya't nilapitan niya ito at siya mismo ang kumuha niyon. 

"Salamat po" ngumiti sa kaniya ang bata ngunit natigilan siya nang makita niya ang mata nito "napakapamilyar,kanino ko ba ito nakita?" tanong niya sa sarili, naputol ang kaniyang pag iisip nang  mag salita ito"Ate may gatas po ba kayo dito?" agad siyang nagtungo ref nang makita ang bote nang gatas ay ipinakita niya ito kay Allan "Ayos na ba ito? gatas ito nang baka paniguradong sariwa pa ito " abot tainga ang ngiti ng bata na tumango. 

"Ilang taon ka na ba?"

"ganto po" isa isa nitong itinaas ang daliri at bumilang mula isa hanggang lima. Hinintay niyang maubos ang gatas sa baso ng bata bago umalis ngunit natigilan siya nang hilahin nito ang laylayan nang suot niyang pantulog "Ate..." tila nag iisip itong maigi bago ipagpatuloy ang sasabihin "P-punta po tayo doon, p-pwede p-po?" tinuro nito ang  balkonahe. Yumukod ang dalaga upang pantayan ang bata "Hindi pupwede eh masyadong malakas ang ulan at isa pa madilim doon" malungkot na tumango ang bata "Nasaan ba sila Don Simeon? baka hinahanap ka na nila" 

"Naroon po sila sa kwarto nagpapahinga" kumunot ang nuo nang dalaga, bago pa man makapagtanong ay nagsalita ang  bata "Inaya ho kami ni Tita Isabela na dito magpalipas dahil delikado daw po ang daan." Agad na nagtakip ng bibig ang bata at tila nagulat sa sinabi "Ate Huwag mo po ako is-susumbong hindi ko naman po sinasadya na makinig sa kanila" napangiti ang dalaga at nailing " Ano ka ba, tara na ihahatid na kita sa inyong silid nang makapagpahinga ka na" agad naman itong sumama sa kaniya 

Kinabukasan, walang tila pa rin sa pag bugso ang ulan dahilan para manatili ang pamilya ni Don Simeon dito. "Magandang Umaga hija gising ka na pala" bati ni Manang Felia "Magandang Umaga ho, si papa nasaan ho siya?"

"Si Don Vicente ay nasa bayan." umiling ang matanda "--masyadong malakas ang bugso ng ulan kung kaya't kinailangan ilikas ang mga naroon, ang eksaktong rinig ko ay iyong mga nakatira sa Kalye Eugenio" bumuntong hininga ang dalaga sa narinig. "hija, alam ko ang iyong iniisip.." binigyanko ng matamis na ngiti si Manang Felia bago nagtungo sa kusina

Bago pa man makarating sa kusina ay napansin niya ang kapatid na si Isabel nasa tapat ito nang teresa at abala sa pagpipinta. Dahandahan niya itong nilapitan at sinigurong hindi nito maririnig ang kaniyang yabag "Kung nanaisin mong ako'y gulatin ay huwag mo nang pangarapin" natatawang hinarap siya nang kaniyang kapatid, dahilan para agad siyang tumayo ng tuwid. "Ano naman ang pinagkakaabalahan mong ipinta?" tanong niya sa kapatid. Ibinaba nito ang hawak na pang pintura at humarap sa kalangitan "Ang ulan..ang ulan na satingin ng iba ay normal na klima lamang. Ang ulan na musika sa pandinig ng nakararami ngunit sa aking pananaw hindi lamang ito musika kundi istorya.." Sinuri niya ang kanbas ng kapatid at natigilan siya ng bumungad sa kaniya ang....

Mabatong karagatan kung saan malakas ang buhos ng ulan.

A/N: Bitin na update. Sana ay sabihin niyo sa akin kung malamya ba ang daloy ng istorya o kung nagugustuhan niyo ba

Sinta : La última medianocheWhere stories live. Discover now