CHAPTER 4

1.6K 11 2
                                    


ENJOY READING ❤️

******

HEIRO. Ang dapat na pagpapakilala ni Heiro kay Leiah bilang girlfriend niya ay hindi natuloy dahil nga sa nangyari. Ngayon ay nanonood si Heiro ng balita sa loob ng hospital room at doon niya nalaman na may bagyo. Bagyong Ambo. Dinala niya agad si Heili sa hospital dahil nahimatay ito kanina. Kahit may bagyo at umuulan ay patuloy ang pagtulo ng pawis ni Heiro habang nakaupo siya sa couch sa hospital room kung saan naroon si Heili.
Abo't-abot ang kabang kanyang nararamdaman. Hindi siya mapakali. Kanina pa niya pinagkikiskis ang kanyang mga palad na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.

Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Ina ng dalaga ang nagyari. Nahihiya siya dahil nasaktan niya anak nito. Labis na pagsisi ang kanyang nararamdamn. Nakokonsensya siya dahil nagpadala siya sa matinding galit. Pero wala ng magagawa ang pagsisisi niya dahil nangyari na ang nangyari. Ilang minuto siyang nakatulala at nakatingin sa TV pero ang isip niya ay wala roon kaya agad namang siyang napatayo ng pumasok ang doctor.

"How was she dude? May masama bang mangyayari sa kanya?" Tanong niya sa doctor. Doc Allen is also one of his friend, kaibigan ito ni Willan na ipinakilala lamang sa kanya.

Abo't-abot ang kabang lumukob sa kanya dahil sa nangyari. Pero ang kabang iyon ay napalitan ang pagtataka ng ngumiti sa kanya ang doctor.

"Easy Bro she's fine now. Nahimatay siya dahil sa hilo nang tumama ang ulo niya sa matigas na bagay, I think?" Sabi ni Doc Allen.

"Sa headboard ng kama." Sabi niya sa kaharap. Bigla itong ngumisi sa kanya at alam niyang iba ang iniisip nito. "It's not what you think bro, shut it. " Dagdag niya dahil sa mga tingin nito.

"Well, okay naman siya she just need a rest and I have to give her some medicine if ever na sumakit ang ulo niya. Mamaya pwede na rin siyang umuwi hindi naman masama ang pagkakatama niya at wala din naman wounds." Sabi sa kanya ng kaibigang doctor. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya.

Nang lumabas ang doctor ay muli siyang bumalik sa couch. Hawak niya ang cellphone at pinagiisipan kung tatawagan na ba nito ang mga magulang nilang dalawa o Hihintayin na lang muna na gumising si Heilie na ngayon ay natutulog pa din sa hospital bed.

Nagpagdesisyonan niyang mamaya na lang niya ipapaalam sa mga magulang nila ang nangyari kapag gising na ang dalaga. Mula sa kinauupuan niya ay nakita niyang unti unting nagmumulat ang mata ng dalaga kaya agad siyang dumalo dito.

"H-heilie okay ka na ba? May masakit pa ba sa iyo?" Tanong niya sa dalaga. Mahinang daing lamang ang narinig niya dito. Nang tuluyan naman ng magmulat ang mata ng dalaga ay agad tumama sa kanya ang paningin nito. Habang nakatingin siya sa mga berde nitong mata ay naramdaman niya na para bang hinihila siya ng mga iyon kaya hindi siya makaiwas ng tingin.

"A-anong ginagawa mo ditoo!?" Gulat at galit na tanong sa kanya ng dalaga. Napapitlag siya dahil sa sigaw nito pero ang mga mata niya ay hindi pa din naalis sa mga mata nitong parang naghihimok.
Nagpilit naman tumayo ang dalaga kaya agad niya itong tinulungan. Nang akma niya itong hahawakan ay umiwas ito na para bang takot na takot sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi dahil sa ipinakita nuya dito kanina.

"Are you hungry? Bibili ako kung gutom ka na?" Tanong niya dito nang makasandal ito. Hindi niya na muna inintindi ang galit bagkos ay itinuon niya ang pansin sa kalagayan nito. Saka na siya hihingi ng tawad kapag maayos na ang lagay nito siguro ay maya maya na kapag nakakain na ito.

"Hindi ako gutom lumayas sa harap ko. Asan sina Mama?" Mahinahon pero may diin na sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung aalis ba sa harap nito o hihingi na ng tawad dahil ayaw naman nitong kumain.

His Desire | R18+Where stories live. Discover now