CHAPTER 17

948 11 0
                                    

ILANG ARAW AKO DI NAGUPDATE AH🤦🏽

ENJOY READING!❤️

*****

HABANG nasa byahe sila papuntang Laguna, puro katahimikan lamang ang bumabalot sa pagitan nilang dalawa sa loob ng sasakayan.

Kinuha ni Heilie ang cellphone niya mula sa bag niya at binuksan ito. Habang hinihintay na mabuksan ang cellphone at kinuha naman niya ang kanyang headset. Inayos niya iyon dahil buhol buhol nanaman. Iyon ang lagi niyang problema pagdating sa kanyang earphone. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin niya naaayos ang kanyang headset kaya inis niya iyong inihagis sa dashboard ng sasakayan.

Inis na napabaling siya ng tingin kay Heiro ng marinig niya ang mahina nitong pagatawa. Ang tawang iyon ang dahilan kung bakit nadagdagan ang inis na lumulukob sa kanya.

"Anong tinatawa tawa mo jan!?" Inis na tanong niya.

"What? Hindi naman ako tumawa ah?" Pagsisinungaling nito.

"Anong hindi!? Rinig na rinig kita! Tumawa ka!" Inis na inis niyang sagot saka walang tigil na pinaghahampas sa braso ang binata.

"S-stop! Heilie nagdadrive ako! Baka mabangga tayo! Damn! Please stop!" Natatawang saway nito sa kanya kaya lalo siyang nainis.

"Pinagtatawanan mo ako!" Inis na inis talaga siya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Hindi naman ako tumawa ah!?" Natatawang tanongng binata sa kanya.

Pinagpatuloy niya ang paghampas dito at natigil lang ng bigla nitong inapakan ang preno.

"FUCK!" Singhal ni Heiro.

"Bakit ka ba bigla bigla ka na lang nagbe-break!?" Bulyaw niya dahil pakiramdam niya ay nakalog ang ulo niya.

"MUNTIK KO NANG MAHAGIP YUNG ISANG SASAKYAN!" may bahid ng ibis ang boses nito habang nakaturo ang isang kamay sa labas at ang isa naman nanating nakakapit sa manibela.

"Eh bakit mo ako sinisigawan?!" Sigaw rin niya. Nakita niyang inilagay ni Heiro sa magkabilang tenga ang kamay nito na para bang naririndi ito sa kanya.

"Hindi ako sumisigaw. Sorry na. Stop shouting and stop hitting me. Muntik na tayong mabangga." Masuyong sabi nito. "Saka bakit ba ang bilis magbago ng mood mo? Kanina lang ang saya saya mo, ngayon naman ang init ng ulo mo." Takadong puna nito sa kanya.

"Naiinis ako, kasi naman yung heatset ko di ko maayos!" nahihiyang sabi niya.

"Tsk bakit kasi ayaw mong ilagay sa tamang lagayan para hindi buhol buhol yan?" Tanong nito sa kanya habang inaabot ng kanang kamay ang headseat niya na nasa dashboard at ang kaliwa naman ay nasa steering wheel, nagmamaheno.

Noong lumuwag ang daloy ng trapiko ay binitiwan ni Heiro ang manibela at sinumulang ayusin ang gulo gulo niyang headset.

Napangiti siya ng makitang maayos na ang headset niya. Wala pang ilang minuto ay aayos na iyong inibaot sa kanya ng binata. Pagkaabot niya ay saka nito ibinalik ang mga kanay sa manibela at naging abala muli sa pagmamaneho.

"Pwede naman kasing ako ang kausapin paheadset headset pa." Mahinang bulong ng binata habang nakatutok sa harap.

Isasalpak na sana niya ang headset sa tenga pero narinig niya iyon kaya ibinalik na lang niya iyon sa dashboard.

His Desire | R18+Donde viven las historias. Descúbrelo ahora