Chapter 5

308 14 0
                                    

Nandito ako ngayon sa office ni Lucas. Ibibigay ko na sa kanya yung bracelet.

"Hi, uh nasa loob ba si Lucas?" tanong ko dun sa kalalabas ng office niya. May hiwalay na office na kasi siya kahit di pa siya CEO.

"Opo, pasok na lang po kayo," sagot niya at umalis na.

Kumatok muna ako bago sumilip. Nakita ko siyang may kausap, nang marinig niya na may kumatok tumingin siya sa pinto.

"I told you! Ulitin niyo yan!" sigaw niya.

Nagulat ako at nabuksan biglaan ang pinto. Nagulat siya nang makita ako.

"Sandra. Di ko alam na ikaw pala yun. I'm sorry." sabi niya.

"I'll call you back later," sabi niya sa kausap niya sa telepono at pinatayan ng tawag.

Pumasok ako at pumunta sa harap ng mesa niya.

"Ganyan ba yung ginagawa mo araw-araw? Parang too much? Nag-te-train ka pa lang ah," curious na sabi ko.

"Wala kasi si dad. Nasa ibang bansa may business meeting. Naisipan ni dad na ipasa sa akin yung mga trabaho na dadating," pag-e-explain niya.

"Ahh. Are you okay? Baka busy ka. Sa susunod na lang," sabi ko at lalabas na sana, bigla niya akong hinila sa kamay at niyakap.

"Nope, not busy at all. Ano yun? may kailangan ka ba?" he asked at hinalikan yung tuktok ng ulo ko.

"It's really not that important," sagot ko.

"No, really. What is it?" at hinila niya ako papunta sa couch at pina-upo.

Kinuha ko yung box ng bracelet galing sa bag ko.

"Mom told me to give this to you. It's a uh bracelet maybe for a couple?"

"Oh, really? Sabihin mo kay tita thank you. It's pretty."

"Suotin mo daw yan lagi," pag-papaalala ko.

"Alright. Is that all?" tanong niya mukhang dissapointed.

"Why? You're expecting something?" natatawa kong tanong.

"Wala naman," pagtatanggi niya.

"Alright, then aalis na ako. Mukhang busy ka kase. Eat yout lunch ah. Text me when your done sa work mo. Okay?" sabi ko.

"Yup babe. Love you," at niyakap niya ulit ako.

"Text me too pag nakauwi ka na."

Umalis na ako ng kompanya nila at umuwi na.

---

Nakatambay lang ko dito sa condo ni Lucas. Naghahanda siya ng kakainin namin, ng meryenda namin. Marunong naman siya mag-bake ng kaunti.

"Babe, ano ba kase i-be-bake mo? Gugutom na mee," pag-rereklamo ko.

"Babe, I know you're on your period. Pero kasisimula ko pa lang. Wala akong magic para matapos kaagad ito," natatawa niyang sabi.

Napasimangot ako at napanguso. Wala nga pala ako sa bahay para matapos agad yung pagluluto ng isang pagkain sa isang speel lang ni mom. Naka-upo ako sa couch at nakakumot dahil malamig dito sa condo niya.

"Ano ba kase yan?" tanong ko.

"Your favorite. No bake oreo cheescake. Happy?" sabi niya at lumingon sa akin.

"Eh di mo naman kailangan i-bake yan eh! No bake nga eh!" naiirita kong sabi.

"Chill, babe. Sabi mo you like this. That's why I'm making it."

I'm freaking hungry! Masakit pa puson ko dahil second day ko ngayon!

"Babe, how about fries? Or frappe?" I asked.

"Sige umorder ka lahat ng gusto. Pero kakainin mo pa rin ito ah," sabi niya.

"Yup! Thanks babe!" sabi ko at tumakbo papunta sa kanya at hinalikan siya sa pisnge.

Biglang sumakit yung puson ko kaya bumalik kaagad ako sa couch. Kinuha ko yung cellphone ko at umorder ng frappe.

Maya-maya lang ay dumating na ito.

"Babe it's here!" sigaw ko.

"I'll get it," sabi niya at lumapit sa pinto at pinagbuksan yung deliveryman.

"You look like an excited child. Yung inuwian ng chocolates ng magulang," sabi niya at binigay sa akin yung plastik.

Nilabas ko yung dalawang frappe na i-norder ko.

"Etong cookies and cream sayo. Right?" tanong ko.

"Yup," sagot niya at kinuha yun sa kamay ko.

Chocolate lang i-norder ko sa sarili ko kase nag-ce-crave ako ng matamis.

"Malapit na ako matapos dun kaso mukhang mamayang gabi pa pwede kainin. I-fi-freeze pa pala yun," sabi niya.

"Then what am I gonna eat?" tanong ko.

"Uh, may carbonara na dinala si mom kanina. You want some?" tanong niya.

"Sure!"

Binigyan niya ako ng isang platong carbonara at kinain ko kaagad yun.

"Hmm, it's yummy!" komento ko.

"Di naman halata," natatawa niyang sabi at pinunasan yung gilid ng labi ko gamit ang tissue.

"Lalagay ko lang sa refrigerator yung cheescake. Be right back."

Tumayo ako at nilagay sa may sink yung plato na ginamit ko.

"Uh, babe. May tagos ka," napakamot siya sa ulo at tinuro yung jeans ko.

Napatingin kaagad ako at bumalik sa couch. Hala! May tagos din dun.

"Babe! May tagos..." naiiyak kong sabi.

"No it's fine. Unan lang naman yung naupuan mo labhan ko na lang," sabi niya at tinatahan ako.

"Babe, I'm sorry. I didn't know. Kahit ako na ang maglaba. Sorry you have to deal with me. Napaka-emotional at OA ko," sabi ko at yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Medyo OA ka nga. Pero I understand meron ka ngayon eh," pang-aasar niya.

Kinuha niya yung unan at nilagay dun sa basket na mga lalabhan.

"There. Okay na? You go change. May extra clothes ka ata diyan," sabi niya. May extra clothes ako dito kasi sabi ni mom baka may mangyaring ganito, kaya binigyan niya si Lucas ng damit ko.

"Uh, but I don't have a napkin," sabi ko.

"What?" nanlaki yung mata niyang tinignan ako.

"I'm sorry," I was tearing up again but he stopped me.

"No, it's fine. I'll buy." at kinuha yung wallet niya at lumabas.

I'm so lucky to have him.

---

"Babe oh," sabi niya pagdating at inabot yung plastik na may lamang napkin.

"Thank you!" sabay yakap sa kanya.

"I didn't know what to get, so I asked the cashier, they said iyan na lang daw," pagdadahilan niya.

"No, it's fine. Thank you talaga! I really do love you!" at niyakap siya.

"Hays, dapat ata araw-araw kang meron para clingy ka," natatawa niyang sabi.

Pagkatapos kong magpalit medyo gumagabi na rin, kaya inuwi niya na ako. Bigyan na lang daw niya ako bukas nung cheesecake.

---

Please vote and comment! Thanks for reading!

≧∇≦

Cursed Love Where stories live. Discover now