Chapter 9

273 14 0
                                    

Bumaba na kaming anim. Nasa kitchen yung tatlong naming mga nanay, mukhang nagluluto. Well, 3PM pa lang naman.

Nakita ko si mom. Sana di siya gumamit ng magic niya. Baka mapahamak pa kami.

"Asan si dad?" tanong ko kay mom pagkalapit ko sa kanya.

"Oh sweetie! Andito ka pala. Nasa garden. Business stuff I think," sagot niya.

"Ahh okay."

They prepared food for New Years Eve. While we are decorating the pool area. Simple lang nagsabit yung mga lalaki ng balloons. Then kami inayos namin yung table at chairs na gagamitin para mamaya. Sa kabilang side ng pool area pag naglakad ka ng kaunti may parang bonfire area. Nilagay namin doon yung nga paputok na gagamitin mamaya.

"Are we done?" tanong ni Leah.

"I think so," sagot ko.

"It's pretty." komento ni Ate Jaz.

Well we worked hard for it.

After that, nag-swimming kami ng sandali.

---

"Babe, pagod ka na ba?" pasok ni Lucas sa kwartong naka-assign sa amin. Surprisingly pinayagan kami sa iisang kwarto. Pati na rin sina Leah.

"Medyo. Matutulog naman ako pag gusto ko," sabi ko at nahiga.

Nahiga siya sa tabi ko at niyakap ako. Nakapatong yung ulo niya sa dibdib ko. Sinuklay ko yung kamay ko sa buhok niya. He likes it.

"Baka makatulog ako ah," sabi niya.

"Ayaw mo?"

"Nah. It's fine."

"Ay, may binigay pala sa aking penthouse si dad. Nabisita ko na isang beses," naalala ko di ko pa sinasabi sa kanya yun.

"Oh really? Gusto mo bili tayong furniture next week?" tanong niya at hinigpitan pa yung yakap sa akin.

"Sige. Di ka pa ba busy nun?"

"I'll make time for you," pag-aassure niya.

Sa January 3 kasi magiging CEO na siya ng kumpanya nila. Baka maging busy na siya sobra.

"I'll miss this," sabi ko.

"Bakit naman?"

"Eh baka sobrang busy mo na next week eh," nalulungkot na sabi ko.

"Gusto mo pag napuno na ng furniture yung penthouse mo dun na ako umuwi eh."

"Ikaw. Bahala ka," at hinataw siya ng mahina sa ulo.

Tumaas siya ng higa kaya magkapantay na yung mukha namin.

Nakatitig lang kami sa mata ng isa't-isa.

"I love you," sabi niya.

"I love you too."

We decided to sleep, gigising na lang kami ng 10 o'clock. 8 PM pa lang naman.

Natulog kami ng magkayakap.

---

The alarm clock rang. I turned it off. Nakatalikod na ako kay Lucas. Nakayakap siya sa bewang ko.

"Lucas, 10 na," sabay yugyog ko sa balikat niya.

"Hmm.."

"Wake up sleepy head," sabi ko at bumangon na. Medyo gulo na yung make-up ko.

Pumunta ako ng CR para tanggalin yung make-up ko. Maglalagay ako ng panibago.

Pumasok ng CR si Lucas. Nagmumog siya ng tubig.

"I'm uh gonna pee," pag-papaalam niya.

"Oh right," sabi ko at lumabas ng CR.

Nagbihis na ako ng dress ko. Medyo above the knee yung suot ko, then polka dots at kulay red. Since tinatamad na ako mag make-up, naglagay na lang ako ng liptint sa labi ko at sa pisnge ko.

I-nay-lash curler ko din yung aking pilik mata at naglagay ng mascara. Tapos na ako mag-ayos.

"You done?" he asked when he went out of the CR. Lumakad siya sa cabinet at kumuha ng maroon dress shirt at sinuot niya yun.

"Yup, ikaw? Okay ka na?" tanong ko.

"Tara na. Baka gising na rin yung iba," aya niya at iginiya ako pababa.

Pagbaba namin nadatnan naming naglalaro ng xbox si Kieffer at Leah.

"Uy, nasaan sina kuya?" tanong ni Lucas at tumabi sa kena Leah.

"Ewan ko. Pero sina mom iniinit na yung mga pagkain na niluto kanina. Sina dad umiinom ng wine," sagot ni Leah.

Sumandal na lang ako sa dibdib ni Lucas at pinanood kung ano yung nilalaro nina Leah.

---

Biglang may kumurot sa tagiliran ko. Napairap ako at tumingin kung sino yung kumurot.

"Mom!" sita ko.

"Harot harot mo. Lucas dapat minsan di mo ito pinagbibigyan eh. Namimihasa!" sabi ni mom kay Lucas.

"Tita it's alright," sagot naman ni Lucas.

Lumingon ako sa kanya at dumila.

"Hmm, asaan ba dad mo! Nakakainggit kayo!" tumayo si mom may hawak palang wine. Hinanap niya yata sina dad.

---

We are counting down. Only 10 seconds left and it's already New Year!

"3.. 2.. 1.. Happy New Year!" sigaw namin. Nasa labas kaming lahat sa may pool side.

Tumalon-talon kaming iba. Yung iba nag totorotot. Ang ingay namin!

"Wohooo! Happy New Year people!" sigaw ni Leah at may hawak na torotot at tsaka tumalon talon.

Tawa ako nang tawa. Nakakatuwa kasi sina Leah.

Pagkatapos namin magsisitalon, kumain na kami.

"Here. Bite it," alok sa akin ni Lucas nung barbeque.

Kinagatan ko yun. Masarap siya. Sina dad ata ang nag-ihaw. Sina mom din ata ang nagbabad nun.

Binaba ko yung plato ko sa table na walang laman. Dahil katatapos ko lang kumain at busog na ako.

Pagbalik ko sa tabi ni Lucas binigyan niya ako ng wine. Tinanggap ko yun at uminom. Di ako sanay uminom ng wine, pero dahil may okasyon uminom na ako.

"Omygosh! Yes Lewis! I love you so much," may naka-agaw ng atensyon naming lahat.

Napatingin kami kina Kuya Lewis at Ate Jazmine. Nakaluhod si Kuya Lewis at may hawak na box na may lamang singsing.

Napatakip ako ng bunganga. He proposed!

"Woah! Kuya!" sigaw ni Leah.

"Congrats Ate Jaz you deserve it," sabi ko kay Ate Jaz pagkatapos isuot sa kanya yung singsing.

"Congrats son!" sigaw nina tita.

"Congrats Kuya!" sigaw ni Lucas.

"Congrats to the both of you!" sabi ni mom at dad.

Madami pang bumati sa kanila habang magkayakap silang dalawa. Ate Jaz is crying. Halatang sobrang saya niya. Kahit ako medyo naluha dahil matagal na sila ni Kiya Lewis. Mukhang mauuwi pa sa kasalan.

Nilagay bigla ni Lucas yung kamay niya sa bewang ko. Nilapit niya ako sa kanya.

"In the future, magiging ganyan din tayo Sandra. I promise you," bulong niya sa akin at hinalikan yung tuktok ng ulo ko.

---

Please vote and comment! Thanks for reading!

Cursed Love Where stories live. Discover now