Kanlungan

29 1 0
                                    

Sa tuwina'y tayo'y magkakasama
Tanaw ang bawat masasayang alaala
Higit pa sa diyamanteng milyon ang halaga
Ngiting walang katumbas na anumang salita

Dumaan man mga lindol at bagyo
Kailanma'y hindi ako lalayo
Panghahawakan ang pangako sa'yo
Kaibigan, 'di ako susuko

Ilang ulit mang magkatampuhan
Halina't lagi mong pakatandaan
Pagmamahal at pagkakainitindihan
Hindi mawawala sa isang barkadahan

Lilipas ang panahon, unti unting magsisialisan
Pagka't responsibilidad, ihinahain na sa harapan
Patuloy man magbago ang nakasanayan
Kaibigan, ika'y dakila at laging masasandalan

Prose And PoetryWhere stories live. Discover now