Paglaya

16 2 0
                                    

Laging ipinapaalala sa akin ng aking ina na sa bawat tagumpay na aking matatamasa, dapat kong matutunan na lumingon sa aking pinanggalingan at huwag makalimot.

Ngunit may isa akong napangtanto sa kanyang sinabi.

"Ina, paano kung ayaw ko nang balikan ang nakaraan? May magagawa po ba kayo?"

Agad niyang sinagot ang aking tanong.

"Anak, ang pagtanaw sa nakaraan ay isang magandang aalala dahil makikita mo muli ang iyong sarili. Muli mong matatanaw ang lahat ng hirap na iyong naranasan upang makarating ka sa iyong kinalalagyan ngayon.

Wala man akong magagawa sa iyong desisyon pero may isa akong paalala sa'yo anak."

"Ano po iyon, Ina?"

"Sana ay palayain mo na ang isip mo sa nakaraan. Alam kong masaya ka sa paningin ng iba ngunit ang iyong puso't isipan ay nakakandado pa rin.

Hindi ka pa malaya, anak
At hinding hindi magiging malaya hangga't hindi mo pa tinatanggap ang lahat."

Prose And PoetryWhere stories live. Discover now