POST #1

10 0 0
                                    

Nanay, Tatay gusto ko tinapay...
Ate, Kuya gusto kong kape...

Ganyan lagi ang naririnig ko tuwing sasapit ang oras ng alas-tres ng hapon. May mga tsismosang kapitbahay na gumagala sa kalsada. Kung minsa'y sila ang maghahatid ng kwento pero kadalasan, ikaw ang magiging paksa nila. Ramdam na ramdam ang napakainit na panahon pero walang makakapigil sa mga bata na pumunta sa kanilang paboritong tambayan at maglaro. Pansin ko ang ilan sa kanila ay halos wala nang suot na tsinelas mapuntahan lamang ang paboritong bahay ng kanilang kalaro.

Lahat ng gusto ko ay susundin nyo...

Sa mga oras na ito, kitang kita ko ang magkahalong bughaw at kahel na langit mula sa aking bintana. Tirik man ang araw pero wala akong nakikitang anumang bahid ng pagkainip sa mga taong nakikita ko. Talagang makikita mo ang saya ng buhay sa bawat ngiti mula sa kanilang mga labi.

Siguro nga, ito ang buhay na binigay sa akin. Puro hirap at pasakit. Kahit ganon man ay hinding hindi ko magugustuhan ito. Napakadaling lang siguro sa inyo na sabihing marami akong drama sa buhay pero heto lang ako masasabi ko, hindi nyo kilala ang tao.

Ang magkamali ay pipingutin ko.

Halata naman siguro na hindi ako gaanong lumalabas sa apartment. Alam nyo naman ang
panahon ngayon diba? Laganap ang krimen at pananamantala. Nag-iingat lang ako, mahirap na kung isa rin ako sa mabibiktima.

Ayokong magkamali sa bawat desisyon na gagawin ko.

Tanging itong kwarto ko na lamang ang huling iniwan sa akin ni Mama mula noong namatay siya.

Oo, halos 10 years old pa nga lang ako nung inihabilin ako ni Papa dito sa apartment nila Tita Nelly. Laking pasasalamat ko rin iyon kasi kahit papaano ay hindi ako mag-aalala kung saan ako tutuloy. Ang tanging kundisyon lang naman ni Tita ay makapagtapos ako ng pag-aaral. Kaya heto ako, nagsisikap na makapagtapos ng senior highshool para makatulong na rin kay Papa.

Natigilan lang ako sa pag-alala nang biglang kumatok si Tita.

"Lea? Nandyan ka ba sa loob?"

"Opo. Pasok po kayo Tita." pagkakasabi ko matapos humigop ng orange juice at inilagay sa aking side table.

Pumasok si Tita Nelly na may dalang isang malaking kahon. Kitang kita sa mukha nya ang pagod matapos dalhin at bitbitin mula sa unang palapag hanggang dito sa ikatlong palapag kung nasaan ang kwarto ko.

"Ay Tita! Ako na po ang bahala dito. Thank you po sa pagdala nito rito." saad ko habang
inaalalayan si Tita sa kahon.

May kalakihan yung kahon na dinala rito ni Tita. Hindi naman siya kasinlaki ng balikbayan box
pero kung pagbabasehan mo yung reaksyon habang dala dala nya ito, masasabi ko na mabigat ang laman nito.

"Walang anuman, Lea. Osiya! Balik muna ako sa first floor ha? Kung may kailangan ka, pindutin mo lang yung buzzer." munting paalala niya habang tinuturo ang buzzer na tinutukoy nya na malapit sa pinto.

"Sige po Ta. Thank you po ulit!" huling batid ko bago sya lumabas.

Agad akong umupo sa harap ng kahon na kakalapag lang sa sahig. Parang may naramdaman akong excitement kasi ilang taon rin ang lumipas simula noong huling nagpadala si Papa sa akin.

Nasa Canada na kasi si Papa dahil kinuha siya ng mga kapatid nya doon. Kung tatanungin nyo na lang ako sa kung bakit nasa Pilipinas pa rin ako at wala sa Canada, kasi gusto ko munang matapos ang pag-aaral ko rito. Saka ayoko ring iwanan yung labi ni Mama dito. Mag-isa na nga lang ako sa buhay tapos iiwanan ko pa siya rito?

Chineck ko muna ang phone ko at nakita ko nga ang isang message sa akin ni Papa.

PAPA
+639120*****

┏━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━┓

👤: Hi anak. Sana nagustuhan mo itong mga padala ko sa'yo. Alam mo namang sobrang miss na kita. Pakabait ka lagi dyan kay Tita Nelly mo. Tawagan na lang kita mamayang gabi.

┗━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━┛

Ramdam kong nangingilid na ang mga luha sa mata ko sa sobrang pagkamiss kay Papa. Agad
kong nireplyan ang message niya para sa akin.

┏━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━┓
👩: Thank u Pa! Miss na miss na kita. I love you Papa. Ingat !

┗━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━┛

Halos maiyak iyak na ko habang tinatype ang reply ko. Inabot pa ako ng isang minuto para lang mag-isip ng magandang irereply kay Papa kasi hindi naman siya mahilig sa mga long messages. Straight forward kasi niya. Ayaw niya sa mga madramang ganap. Ang paniniwala nya kasi, "Action speaks louder than words". Kaya kung may nararamdaman ka sa iba, iparamdam mo. Huwag lang puro salita. Oh diba? Lakas maka-Korean Drama ang datingan.

Anyways, akmang bubuksan ko na sana yung kahon nang may narinig akong sigaw mula sa ibaba.

"LEAAAAA! BUMABA KA RIYAN!"

Bigla akong nakaramdam ng kaba mula sa sigaw na iyon. Shocks! si Ate Lilian pala! Nasa may gate siya ng apartment na tinutuluyan ko. Nagsisisigaw at mainit ang ulo. Nakalimutan ko ihatid sa kanila yung inorder nilang damit sa akin.

Nako po. May kasalanan na naman ako sa kanya.

Napasinghap na lang ako at nagmamadaling kinuha ang stocks na ipinagawa nila. Nakatago kasi iyon sa cabinet ko para hindi magalaw ng kung sino man. Pagkatapos kong kunin ay agad rin akong nagtungo sa may gate, hawak ang mga stocks ng inorder niyang damit mula sakin.

"Te Lilian, heto na po pala yung inorder niyong damit sakin. Sana magustuhan nyo po hehe."
mahinahong sabi ko sa kanya kahit halata sa mukha nito ang pagkaimbyerna sa akin.

Iaabot ko na sana yung damit sa kanya nang may dumamping mabigat sa pisngi ko.

*PAK

Yes po, opo. Nasampal na naman ako ng Ate Lilian. Pang-ilang sampal na itong natanggap ko sa kanya simula nung lumipat ako dito sa apartment. Suking suki na yata ako ng mga mabibigat niyang kamay. Ah! Ewan ko ba! Nasanay na yata ako kaya wala na lang akong pakialam.

Pero kahit na ganon ay medyo nainis pa rin ako.

One Minute AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon