POST #2

15 0 0
                                    

"Ate Lilian naman eh! Bat nyo ko sinampal?" irita kong tanong sa kanya habang hawak ko ang pisngi kong nag-iinit dahil sa hapdi.

"ABA'Y DAPAT LANG YAN SA'YO NO! ALAM MO NAMAN NA NUNG NAKARAANG LINGGO PA NAMIN YAN BINILI TAPOS NGAYON MO LANG BINIGAY SA AMIN! NASAAN KA NUNG NAKARAANG MGA ARAW? APURA LAKWARTSA AT PAGBIBIGAY SUHOL SA BARKADA MO 'KUNO'? HUWAG MONG SABIHING NAKIKIPAGLANDIAN KA NA RIN?" nanggagalaiting pahayag nya sa akin. Halatang halata ang pagkamuhi niya dahil sa panghihimasok sa pribadong buhay ko.

Sa lahat ng ayaw ko sa tao ay yung sasabihin ka ng mga masasakit na salita kahit hindi nila ako ganong kakilala. Grabe na talaga! Sobrang sakit yung pinipilit mong buoin ang sarili mo sa iba kahit nahihirapan ka na. Tapos sila? Isang salita lang, nagawa na nilang buwagin yung sarili kong kay tagal na nasaktan.

Oo, masyado akong sensitive sa lahat ng bagay pero hindi ibig sabihin noon ay mahihirapan na ako mabuhay. Sa totoo nga lang ay napakahirap pakisamahan ang mga tao na nasa paligid mo ngayon.

Hindi ko tuloy maiiwasan na mag-overthink tungkol sa kanila. Ayokong magmukhang kakaiba sa kanila kaya lahat ng gusto nilang demands ay ginagawa ko na lang.

"Sorry po, Te Lilian. Hindi ko na po uulitin. Pasensya na po talaga." mahinang sambit ko.

"HINDI NA TALAGA MAUULIT ITO, LEA." matigas ang pagkakabanggit nya rito kaya nakaramdam ako ng kaba.

"DAHIL SIMULA NGAYON, HINDI NA AKO BIBILI SA KAHIT ANONG IBINEBENTA MO. SASABIHAN KO NA RIN ANG IBANG TAO RITO NA WAG TANGKILIKIN ANG MGA BENTA MO. NAPAKAIRESPONSABLE MONG TAO! DIYAN KA NA NGA!" pagbabanta ni Ate Lilian sa akin.

Hindi na ako umimik sa huling litanya nya sa akin. Hay nako! Heto na naman po tayo. Isa na naman akong malaking disappointment sa ibang tao. Nadismaya ko na naman ulit si Ate Lilian.

Matapos ang eksenang ginawa ni ate Lilian ay kaagad na rin akong umakyat sa kwarto ko. Pigil luha kong inakyat ang bawat hagdanan na matatapakan ko. Hindi ko na ganong napansin ang mga kasama kong nakakasalubong ko. Pawang may pagtataka sa kanilang mga mukha at panay tanong sa akin kung 'ayos lang ba ako'. Hindi ko na sila nilingon dahil masyado akong nasaktan sa ginawang pamamahiya sa akin ni Ate Lilian.

Pagkarating ko sa kwarto ay pumunta ako sa aking kama at nagsimulang umiyak. Bawat hagulgol na inilalabas ko ay tanging unan at kumot ko lamang ang nakararamdam ng sakit at pagkadismaya. Wala akong matawagan na kahit sino dahil ayokong makagambala pa ng ibang tao. Sobrang sakit ng bawat salita na ibinato sa akin kaya hindi ko maiiwasan na kamuhian ko ang sarili ko.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko namalayan na dinala na pala ako sa panaginip ng pag-iyak ko. Sobrang himbing ng tulog ko. Halos limang oras na pala akong natutulog. Nagising na lamang ako nung may narinig akong pag-ring sa phone ko. Dali dali rin akong bumangon at agad tinignan kung sino ang tumatawag.

CALLING...

PAPA

+639120*****

Hindi na agad ako nagdalawang isip kaya agad kong sinagot ang tawag ni papa sa akin.

"H-Hello Pa?"

👤: Anak? Kamusta ka na?

"Okay lang po ako dito, Pa. Kailan po ba ulit kayo uuwi dito?" ramdam ko ang magkahalong pag-aalala at lungkot matapos sambitin ito.

👤: Ay anak, matatagalan pa ako dito. Alam mo namang marami pa akong inaasikasong papeles dito para agaran na rin kitang masundo d'yan pero mahirap eh. Yaan mo, sa susunod na magpapadala ako ay baka iyon na ang oras para magkita at magkasama ulit tayo.

One Minute AwayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin