POST #3

10 1 0
                                    

5 years ago…

“MS. DEL PIERRE! NATULOG KA NA NAMAN SA KLASE!” pambungad na bulyaw agad ni Ma’am
Suvan habang nakatitig sa kakagising pa lamang na si Lea. Halatang sa mukha nito ang pagkainis sa kanyang estudyante at hindi nya maiwasan na ikunot ang kanyang noo dahil sa ginawa ng mag-aaral.

Sa lakas ng pagkakasigaw ng guro ay agad napataas ng ulo si Lea sabay titig sa mga mata nito. Kahit kakagising pa lang niya ay hindi siya natinag sa mga kaklase niyang nakatitig sa bagong gising na itsura niya. May iilan na pinagtatawanan siya dahil may naiwan na maliliit na muta sa kanyang mata, gulo gulong buhok, at sa bakas ng laway sa gilid ng kanyang labi.

“Jusko Lea! Tignan mo nga ‘yang itsura mo!” panunukso ni Pia.

“Oo nga naman! Ang pangit mo duh.” sabat ni Halie sabay irap kay Lea.

“You know what guys? Lea is such a kind of freak oh! Look at her, babae nga pero parang lalaki kung umasta. Eww, nakakadiri and such a low class b*tch!” pagtataray ni Shen habang sinisipat mula hanggang paa si Lea. Bigla siyang tumayo at kitang kita ang pagkaimbyerna sa kanyang posturang nakapameywang at nang taasan nya ng kilay si Lea.

Hindi naman umimik si Lea sa mga paandar ng mga kaklase niya. Akma na sana siyang babalik sa pagtulog nang biglang hinawakan ni Ma’am Suvan ang kanyang buhok.

“ARAY NAMAN OH! MATUTULOG PA KO EH!” naiiritang sigaw ni Lea na halos bumalot sa loob ng silid.

“ABA NAMAN TALAGA MS. DELA PIERRE! MAY GANA KA TALAGANG SUMIGAW AT MATULOG? HINDI KA NA NAHIYA SA MGA KAKLASE MO! KUNG GUSTO MONG MATULOG, BETTER LEAVE IN MY CLASS AND GO SOMEWHERE ELSE! HINDI KO KAILANGAN NG TAMAD NA ESTUDYANTE DITO.” galit na panenermon ni Ma’am Suvan sa kanya. Itinuro pa niya ang pinto ng classroom, senyales na pinapalabas niya si Lea mula roon.

Hihirit pa sana si Lea nang biglang nagsalita muli ang guro niya.

“BAGSAK KA ULIT SA QUARTER NA ITO, MS. DELA PIERRE.”

Lahat ng mga kaklase ay nagulat sa anunsyo ng kanilang guro. May mga nalungkot sa balita. Ang iilan naman ay agad na ginawan ng mga haka-haka ang nangyayari kay Lea ngayon. Ito ay biglang naging usap-usapan dahil malayo ang pagkakakilalanlan nila kay Lea noon sa kasalukuyan.

Tumayo na mula sa pagkakaupo si Lea at umalis sa silid. Hindi na niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Ma’am Suvan sa kanya. Kahit pa nakakadismaya ang balita na nakarating sa kanya ay pawang bahagyang ngiti na lamang ang ipinakita niya sa mga nakakasalubong niya sa hallway. Tila bang sanay na sanay siya sa ganong linya mula sa guro.

Lumipas rin ang halos dalawang oras at napadpad si Lea sa hardin ng paaralan upang
makapagpahangin at makapag-isip sa nangyari. Walang masyadong tao sa lugar na iyon dahil karamihan sa nadadayo ay nasa kanya-kanyang mga silid at nagkaklase. May mga bench, swing, at fountain na makikita. Nakakalat rin ang mga tuyong dahon na nahuhulog mula sa matatayog na puno.

Dahil pakiramdam naman ni Lea na mag-isa siya sa lugar na iyon, minabuti muna niyang umupo sa malapit na bench. Ibinaba niya ang mga gamit niya at napabuntong-hininga na lang. Nilibot ng mga mata niya ang school garden para Iwasan ang mga luhang kanina pang nagpipigil sa pagbaba nito. Pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili na ‘Lea, ayos lang ito. Malalagpasan mo rin yan.’ Ngunit, nang dahil sa epekto sa kanya ng mga nangyari kanina sa silid ay hindi na niya tuluyang nahinto ang pag-iyak. Tahimik ang paghikbi niya upang hindi siya marinig ng mga janitor na lumilibot sa campus.

Payapa ang paligid habang siya ay umiiyak kaya mahahalata ang pagdamay nito sa emosyon na nararamdaman niya. May halong lungkot at pagkadismaya ang tingin ni Lea sa kanyang sarili dahil sa malaking pagbabago niya. Hindi niya lubos akalain na malaki ang naging epekto ng nangyari sa kanyang pamilya sa sarili.

Natigilan lang siya sa pag-iyak nang lumapit siya sa fountain ng school at tinitigan ang sarili. Labis na kalungkutan ang bumabalot ngayon sa mukha ni Lea. Kitang kita sa mga mata niya ang sakit at pagsusumamo na muling ibalik ang lahat sa dati.

Hindi na napigilan ni Lea na kausapin ang kanyang sariling repleksyon sa tubig.

Lord naman eh! Bakit ganito yung pinaparanas mo sa akin?

Wala na bang mas malala at masakit kesa dito?

Ang hirap na nga ng buhay, idadamay mo pa ko dito ah. Di ko na kaya to.

Lea, bakit ka ba nagkakaganyan? Ang sabi mo, okay ka na? Anong nangyari ulit sayo?

Akala ko ba ayos na lahat? Akala ko ba matapang ka na ulit?

Bakit bigla kang nawalan ng gana?

Kasabay nito ang walang tigil na pagragasa ng luha sa kanyang mata. Namumula na ang mga mata niya pero dahil sa labis na hinanakit sa sarili ay kusa na lamang ito namanhid. Ngayon, hindi na niya alintana kung may meron mang mga tao na nakatingin sa kanya. Wala na siyang pakialam kung pagsalitaan man ng iba, o tawanan ang kanyang ‘soap opera’ moment. Mahalaga sa kanya na mailabas niya ang mga kinikimkim niyang emosyon.

Aalis na sana siya sa hardin nang may marinig na kaluskos mula sa likod ng santan. Bigla siyang natigil sa paglalakad palayo sa fountain nang bigla ulit lumikha ng kaluskos ang halaman.

“Sinong nandyan? Lumabas ka!” matapang na pagkakasabi ni Lea ilang metro lang mula sa
halaman ng santan.

Dahil siguro sa sobrang takot ng nagtatago sa halaman, kaagad siyang pumulot ng maliliit na bato. Tinanggal muna niya ang kaunting dumi. Inilagay niya sa kanyang palad at pinaikot-ikot ang bato. Pangiti-ngiti siya at halata sa itsura niya na balak gantihan si Lea matapos siyang sigawan nito.

“Hoy! Sino ba kasi yan? Magpakita ka na kung ayaw mo⸻ARAY!” hindi na naituloy ni Lea ang litanya niya nang tamaan siya ng bato sa ulo. Nasaktan ang dalaga matapos makatagpo ng bato sa ulo. Hindi na niya sana ito papatulan nang bigla ulit siya binato ng nagtatago sa halaman.

*POK

“ANO BA! KUNG GUSTO MO NG AWAY, MAGPAKITA KA! HINDI YUNG MAGTATAGO KA SA LIKOD NG HALAMAN NA YAN!” panghahamon ni Lea na siya namang ikinatahimik ng nagtatago.

Nabalot ng katahimikan ang paligid nila pero hindi ito naging hadlang kay Lea upang lapitan ang halaman ng santan para malaman kung sino ang nagtatago dito. Hinawi niya ang mga dahon at laking gulat ang kanyang nakita.

Isang lalaking magulo ang pagkakasuot ng damit. Halata sa maluwag nitong kwelyo na siya ay isang barumbadong estudyante. Mataas ang pagkakaayos sa kanyang buhok, naka-istilong brush up at may halong highlight na asul ito. May singkit na mata, matangos na ilong at mala-rosas na kulay sa labi. Hindi siya tsinito dahil may pagka-moreno ang skin complexion niya. Siya ay nakaluhod at nakaposisyon na parang may aalukin ng kasal habang hawak hawak ang puting panyo, nakatingin direkta sa mga mata
ni Lea.

“Pwede bang mag-sorry, Lea?” tanong ng lalaki sa kanya na siya namang ikinataas ng kanyang
kilay.

Ramdam sa paligid ang ingay at hiyawan nang makita nila ang pagluhod ng lalaki sa babaeng
kaharap nito. May ilan na kinuhanan ito ng litrato at panay ang pagtili dahil sa kilig.

Dahil masyado nang naguguluhan si Lea sa nangyayari, agad niyang pinatayo ang lalaki at kinuha ang panyo na alok nito. Parang nasa kasiyahan ang mga taong pumunta dahil sa kanilang nasaksihan.Napuno ito ng mga sigaw, kantyaw, at tilian mula sa kanilang mga kaeskwela. Gagantihan niya sana ang lalaki nang bigla siya nitong tinalikuran at naglakad papaalis. Kasabay rin nito ang pagbawas ng mga nagkukumpulang tao sa paligid niya.

Bumalik ulit sa tahimik na sitwasyon ang hardin. Naiwan siya roon na mag-isa habang tinititigan ang panyo na inalok sa kanya ng lalaking muntik na niyang awayin.

Sino kaya siya?

Bakit niya ko binigyan ng panyo?

Narinig niya kaya lahat ng mga sinasabi ko kanina?

Sinundan niya kaya ako?

Napagdesisyunan niyang lisanan ang lugar at kahit nalilito siya ay dinala rin niya ang panyo na binigay ng lalaki sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Minute AwayWhere stories live. Discover now