The Memories

23 2 0
                                    

Chapter 3

Jhoeverr's POV

Kakauwi ko lang sa mala-mall naming bahay. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at humiga.

"Itext ko kaya sya?"-sabi ko sa sarili ko.

"Ayy wag nalang pala! Baka Iwho you pako nun."

Nagdadalawang-isip ako kung anung gagawin ko. Itetext ko ba o hindi? Kung kamustahin ko kaya. Kaso baka tulog na yun eh.

Itext ko nga.

~Hi Res!~ text ko sa kanya.

Ilang sandali..

*Katok*

Aba. Gising pa!

~Hello Jhoe.~ reply naman nya.

~Bat gising kapa?~

*Katok*

~Di ako makatulog malamang.~

~Antaray mo ah.~

*Katok*

~Ganun talaga. Maganda eh.~

~Matulog ka na nga lang jan.~

*Katok*

~HAHA XD Opo. Matutulog na.~

~Sige. Goodnight.~

End Of Convey.

Bakit kaya ganun? Parang ang saya ko simula kanina nung kasama ko sya.

"Pfffffft. Hahahahahahaha..."

Pasensya na kung bigla akong tumawa ah. Naalala ko lang yung tawa nya kanina. Yung parang baboy. Ganito oh..

*Hoooooongk*

HAHA XD Ginaya din nila.

Tama na nga tong kalokohan ko. Para nakong timang.

Matutulog na sana ko ng biglang,

*Tenentenentenentenentenentenenenen*

"Hello dok? Baket, ano nangyare?"-tanong ko sa doktor.

"Yung kapatid mo.."

"Baket!? Anu nangyare!?"-kinakabahan nako.

"50:50 nanaman sya. Pumunta kana dito! Kailangan na syang operahan.. Ngayon na!"-sabi ng doktor.

"Sige. Pupunta nako!"

Para akong masisiraan ng ulo sa sobrang kaba.

Pinatay ko na ang tawag. Dali-dali nakong tumayo para pumunta ng hospital. Tinawag ko si manang hilda para bantayan ang bahay.

Nang makarating ako sa harap ng hospital, di nko nag-atubili, tinakbo ko na ng mabilis. Nasa ER sya ngayon at kailangan nya ko.

Antagal ko naghintay. 3hours mahigit.

Lumabas nadin yung doktor pagkatapos ng ilang minuto.

"Dok, anong nangyari?"-naiiyak kong tanong.

"Pangatlong beses na nyang operasyon to. Pero bakit ganun ijo, hindi parin sya gumagaling?"-nagtatakang tanong ng doktor. "Sa susunod na ma-operahan sya, baka di na nya kayanin."

Gumuho ang mundo ko ng marinig ko yun mula talaga sa doktor ng kapatid ko. Di ko na napigilang umiyak.

"Akala ko ba magagaling ang doktor dito?! Kaya dito ko dinala yung kapatid ko para mabigyan sya ng pag-asa. Hindi lalong pahirapan sya!!!"-di ko na alintana yung mga ibang tao sa hospital. "Kahit pagtinginan ako, wala akong pakialam! Ang gusto ko pagalingin nyo ang kapatid ko!!"-sabi ko habang hawak ang kwelyo nya.

"Sir."-pag aawat ng guards at ibang nurses sakin.

Pinaupo nila ako. Huminahon nako at pinaalis sila. Di ko talaga kayang marinig na maaaring mawala ang kapatid ko sa isang iglap.

Pumasok nako sa kwarto nya. Umupo sa tabi nya.

"Baby, gising kana. Andito na si kuya ber mo oh. Ayaw mo ba makita si kuya? Lam mo baby, namimiss ka na ni kuya. Saka alam mo, may nabiktima nanaman si kuya ngayong araw. Mukhang inlove talaga sya sakin. Hihi. Katext ko nga sya kanina eh. Gising ka na, para mabasa mo yung text nya. Madami pang ikukwento si kuya sayo. Sorry kung di kita napuntahan kahapon hah? Inasikaso lang ni kuya yung bussiness natin. Mahal na mahal ka ni kuya."-T_T umiiyak na talaga ako ngayon. Namimiss ko na ang baby sister ko eh.

Tumayo nako at nagpaalam sa sister ko. Alam kong naririnig nya ako kahit nakapikit yung mga mata nya. "Mamimiss ka ni kuya. Bukas ulit ah?"

Pinabantayan ko sya sa mga nurses dun. May mga nakaduty naman kahit gabi eh.

----------------------------------------------------

Comment At Likes Nga Po!

rahcky_o525<3

He's MineWhere stories live. Discover now