I Need To Tell You

23 1 0
                                    

Chapter 5

Jhoeverr's POV

Tinawagan ko sya kasi may gusto akong sabihin sa kanya. Ang kaso hindi ko kayang sabihin. Mahal ko na ata sya. Kahit ilang sandali palang, sigurado ako na mahal ko na nga sya.

Dahil di ko kayang sabihin, tinext ko nalang sya.

~We need to talk.~ text ko.

*Katok*

~Bakit at saan~ tanong nya.

~Basta pumunta ka nalang sa park. Saka ko nalang sasabihin sayo.~ reply ko.

*Katok*

~Sige.~

Pumunta nako agad sa park. Pagkadating ko, nakita ko agad sya. Nakaupo sya sa bench ung saan kami unang nagkakilala.

Nilapitan ko sya. At umupo sa tabi nya.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"-nagtatakang tanong ni Res.

"There's something I need to tell you. Something important."

"Ano?"-tanong nya ulit.

"Mahmlmm kimmtmmm."-Hala? Ano daw sabi ko? Di ko naintidihan. Kayo, gets nyo? Ngayon lang ako natorpe sa babae ah? Iba na talaga! May tama nako sa kanya.

"Hah?!"-sabi ni Res. "Di ko maintindihan!"-dagdag pa nya.

"Mahmmmmlm kitmmmmm."-Eto nanaman eh! Nakakainis kanang bibig ka ah.

"Ewan ko sayo!"-sabi nya.

Aalis na sana sya. Hinawakan ko yung bewang nya nung magtangka syang tumayo.

"Dito ka lang. Wag kang aalis!"-pag pigil ko sa kanya.

"Baliw kana ata eh! Alisin mo nga yung kamay mo!!!"-inis na sabi nya.

Tumayo ako at hinarap sya. Nakaupo sya, nakatayo ako sa harapan nya.

"MAHAL KITA!! Oh ayan. Nasabi ko na!"-Sht! >,<

Gulat na reaction lang ang makikita mo sa mukha nya. Sana di nya ako iwasan. Please lang!?

"Sana kahit alam mo na, hindi ka umiwas saken. Kahit sandali lang tayo nagkakilala, mahal na talaga kita. Hindi ka na naalis sa isip ko simula nung araw na nagkasama tayo. Aalis nako, pupunta na kaming America. 6 years kami dun. Sana pagbalik ko, mahal mo nadin ako. Yun lang. Pasensya na sa mga nasabi ko. Sige, aalis nako."

Natigilan ako nung biglang may yumakap saken pag talikod ko.

"Kelan ang flight mo?"-tanong nya saken.

"Bukas ng gabi."-sagot ko.

Tumahimik sya nung pagkatapos ko sumagot.

Hah?! Ano to? Umiiyak sya?

Humarap ako sakanya at yumuko sya. Tinaas ko yung mukha na para makita ko kung umiiyak nga sya.

"Oh, bat ka umiiyak?"-tanong ko.

"Wala."-sabay iwas ng tingin.

"Suus. Mamimiss mo lang ako eh."-tatawa tawang sabi ko.

"Kapal ah!"-sabi naman nya ng may kasamang hampas.

"Hahaha. Tara nalang mag-adventure para may dadalhin akong memories sa America."-sabay kindat.

"Sige ba."

----------------------------------------------------

Hayy! UD Lang Foo. Para Meseye :D

Read & Votes Po! Comments narin.

He's Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن