"Where's Shane?" bungad na tanong ko kay Beatrice na siyang naabutan ko sa DH.As usual, nakapangalumbaba na naman siya na para bang ang laki ng problema niya sa mundo. Hinawi ko ang kamay niyang napapatungan ng kanyang panga dahilan para kamuntik na siyang mamudmod sa mesa.
"Bitch! Inaano ba kita?!" mataray niyang asik. Wala ng bago sa pananalita nito. Pasanayan na lang talaga.
"Where's Shane?" ulit ko na lang sa tanong ko dahil ang sama na ng tingin at timpla ng mukha niya.
"Ewan, 'di ko alam. I don't know. I don't care. I'm dead so don't talk to me."
"Okay. Galit agad? Nagtatanong lang naman, eh," asik ko rin at inilibot ang tingin ko sa kabuan ng DH.
"Where's Lovimer?" usisa na naman sa kanya ni Crystal nang pumasok ito.
"Bakit ako ang tinatanong mo?"
"Dahil ikaw lang naman ang huling kausap niya kanina, 'di ba?" Mababakasan ng sarkasmo ang tinig ng isa.
Umismid lang ang Beatrice. "Kanina pa iyon, malay ko bang nagpakamatay na pala ang lalabs mo?"
"What?!" Naiirita na talaga ang isa.
Napangiwi na lang ako. Suminghap naman si Beatrice at sinamaan ng tingin ang kausap.
"Ulit-ulit? Bingi, bingi?"
"Bitch!"
"Bitch you too!"
Umalis si Crystal at lumipat sa mesa nina Jeannie. Halatang talo sa usapan nila ng babae.
"Psss! Bitch daw? Wala ba siyang originality? Kailangan manggaya ng expression?" pabulong na reklamo nito.
"Where's Froizel?" tanong naman ni Xandria sa kanya.
"Bitches, hindi ako hanapan ng mga nilalang na nawawala! Tigilan niyo nga ako at baka pasabugin ko ang DH na ito! Mga hype kayo!" aniya sabay tayo na para bang ubos na ubos na ang kanyang pasensiya.
"Luh? Nagtatanong lang naman, eh. May kailangan lang po kasi talaga akong itanong," nakangusong saad ni Dri at naghanap na ng pwesto. Nailing na lang ako. Sa aming lahat ay si Xandria lang siguro ang may pinakamahabang pasensiya sa amin. Palibhasa ay doktora ito.
Nagtataka ko siyang siniringan ng tingin si Beatrice dahil nanatili siya sa may main door na tila ba may hinihintay na dumating. Pumasok si Shane.
"Hinahanap ka ni Marciella! Hindi ko alam kung bakit!" singhal niya. Nagulat naman si Shane at napatakip pa sa tenga.
"Kailangan manigaw?! Butete 'to,” asik naman ng isa at dumiretso na ito sa counter.
"Hinahanap ka ng lalabs mo! Hindi ko alam kung bakit!" muling bulyaw ng babae nang pumasok si Mer.
Nakakunot-noo pa siya nitong tiningnan. "Bakit ka nakasigaw diyan?! Hindi ako bingi at saka sinong lalabs?"
"Pag-isipan mo rin kung sino!"
"Pangit!" daot sa kanya ni Mer pero 'di niya na ito pinatulan.
Mukhang hihintayin niya talaga lahat ng taong hinanap namin sa kanya para isigaw sa mga ito na hinahanap namin ang mga ito sa kanya. Muli na lang akong nailing.
Nasaan na rin ba ang bossungit at wala pa rin? Ang sabi ay magkita na lang kami dito.
"Hinanap ka ni Xandria, may itatanong daw na mahalaga." Muli akong napalingon kay Beatrice. This time ay hindi na siya nakasigaw pa sa kanyang pinsan na mukhang nalugi dahil sa kawalan ng gana sa pagmumukha nito.

YOU ARE READING
GUIECO CLAN SERIES 2: WICKED AGENT
RomanceMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...