CHAPTER 50- NEW BEGINNING

620 34 1
                                    

"Marciella, please... Don't leave me. Hindi ko kaya." Nagpaulit-ulit iyon sa aking pandinig.

"Tita Marci, gising na po. Ang tagal mo namang matulog, eh. Hindi... Hindi ka na po nakakakain at nakakaligo," boses iyon ni Lyssa kung hindi ako nagkakamali. Marahan kong idinilat ang aking mga mata.

"Hala! Gising ka na po? Gising na po si Tita Marci!" tili pa ng bulilit.

Ilang araw na ba akong nakaratay dito? Huling naalala ko ay halos kunin na ako ng puting liwanag at kamuntikan na akong sumama kung hindi ko narinig ang pakiusap ni Ash na 'wag ko siyang iwan.

O baka guni-guni ko lang iyon?

"Gising na? Weh?" rinig kong sambit din ni Shane na nasa sofa at prenteng nakaupo habang nagpipindot ng cellphone niya.

"May migraine ako pero kapag naririnig ko 'yang tawa mo, feeling ko ay stage 4 brain tumor ang mayroon ako! Ang sakit mo sa utak!" asik ni Beatrice habang may kausap sa cellphone. Kapapasok lang nito. "Lovimer Guieco, please?! Leave me alone, wala kang makukuha sa akin!" muling hirit nito na tila inis na inis na.

"Shane ang pasyente mo gising na-wait?! Oh my gosh! Marciella!"

Tila kidlat naman na napatayo si Shane at nakalapit agad sa akin dahil sa tiling iyon ni Crystal na kapapasok lang din. Tila gulat din ito sa kaniyang naabutan.

"Oh my Gosh! Gising ka na nga! Teka, ano bang gagawin ko? May ini-enject ba sa 'yo? Ini-injection-an ka ba? Eh? Asan na ang injection?!" nagpa_panic na saad nito.

Haduf! Injection? Papatayin na ba nila ako?

"Sandali! Sandali po!" sigaw ni Lyssa na nakatayo na pala sa upuan na nasa tabi ko.

Tila ba pino-protektahan niya ako dahil iniharang nito ang katawan niya sa akin.
Ang hilo na nararamdaman ko ay parang biglang naglipana dahil sa katinisan ng mga boses nila.

"Si Tito Ashmer po," sambit ng bata. Napapikit na lang ulit ako.

"Tama! Si Kuya! Tawagan mo si Kuya Ash dali!" utos ni Shane kay Beatrice.

"Hoy, bitch! 'Wag na 'wag mo akong uutusan! Agent din ako at hindi maid ninyo. Saka wala akong number ni Ashmer!" angil ng isa.

"What's going on? Bakit ang ingay niyo? Baka nakalilimutan ninyong may pasyente ako rito?"

Nakahinga ako nang maluwag nang pumasok si Xandria at ang isa pang nurse. Saka pa lang ako nagdilat ulit.

"Gising na po si Tita Marci," bigay-alam ni Lyssa at bumaba na ito sa upuan.

Napamura si Dri at agad na lumapit sa akin. "You know what? You should have called me first the moment she woke up. You all will take responsibility when something goes wrong again with Marciella."

"We're sorry, Doc," paumahin ni Crystal ngunit halatang nasagad nila ang pasensiya ng isang Saint Xandria.

"Do you think your loud voices are helping? No, they aren't. In this case, GC Prime Agents must undergo basic protocols again."

Chineck-up na ako nito habang pinapagalitan at binabataan sina Shane kaya naman ang mga haduf ay parang mga sisiw na nasa isang tabi lang.

Mayamaya ay may mga paang nagsipasukan sa silid na kinaroroonan namin. Halos magitgitan pa sina Jin, Gab, Mer at Ashmer na sabay-sabay na pumasok.

"Bal!"

"Keep your distance! Hindi pa kami tapos dito," sermon ni Dri na mukhang kunsimisyado na. Napadako ang tingin ko kay Ashmer na halata ang saya sa mukha.

GUIECO CLAN SERIES 2: WICKED AGENTWhere stories live. Discover now