[Kabanata 14: Pumapag-ibig]
Hating gabi, nandito lang ako sa aking silid at hindi parin makalimutan ang mga nangyari kanina. M-Mahal ako ni Lino, t-tapos .. napahawak ako sa labi ko habang nakatingin lang sa kisame, nakikita ko sa kisame ang ginawa nyang pag-halik sa akin kanina.
WAAAAAAAHHHHHHHHH!!!
Umupo ako at huminga ng malalim, hindi parin ako makapaniwala. Ibig bang sabihin ba nun kami na? Napatakip ako ng kamay sa mukha, grabe! Feeling ko kinikiliti ako na ewan. Hindi ko mapigilang hindi kiligin.
Pero ...
Paano si Milagros?
Tsk.
_______________________________
Makalipas ang tatlong araw,medyo malungkot dahil hindi ko nakikita si Lino pagkatapos nung araw na iyon. Hays!
Habang inaayos ko ang buhok ni Milagros tahimik lang kami parehas, nakakapanibago rin dahil nagiging tahimik na sya at bakas parin ang kalungkutan sa mga mata nya nang dahil sa mga nangyayari. Ngumiti naman ako at tinignan sya sa harap ng salamin.
"Napaka-ganda mo, Binibini."- sambit ko, totoo naman eh. Maganda siya.
Ngumiti naman sya ng matipid.
"Maraming salamat, Ana."
Ngumiti naman ako at tumango.
Pagkatapos nun lumabas na kami, medyo nagulat ako dahil nandito pala ang ama nyang si Heneral Espedido at ang kanyang ina na si Donya Mira.
Habang kumakain sila ng almusal nakatayo lang ako dito sa gilid, kumain narin naman ako kanina kaya okay lang.
Walang ganang nakatingin lang si Milagros sa harap ng pagkain nya, nakakaramdam ako ng guilt. Para ko narin siyang niloloko dahil alam kong ako narin ang dahilan kung bakit ayaw ni Lino na matuloy ang kasal nila.
"Milagros kumain kana."- sambit ni Donya Mira
"Paumanhin ngunit wala po akong gana ina."
"Bakit? Hanggang ngayon parin ba iniisip mo parin ang lalaking nanakit sa'yo?!"- galit na tanong ni Heneral
Napayuko si Milagros.
"Patawad ama, bigyan ninyo sana ako ng kaunting pang panahon para makalimutan siya."
Natahimik at wala nang magawa si Heneral, tumayo nalang siya at pumanik nalang sa itaas.
"Milagros huwag mong pilitin na makuha ang taong hindi ka naman gusto, agad mo nang kalimutan si Ginoong Lino."- sambit ni Donya Mira
Hindi naman sumagot si Milagros.
Napayuko at napahawak ako sa magkabilang kamay ko. Hays! Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang panindigan na para sa akin si Lino sa panahon na'to. Bilang kaibigan, ayokong masaktan ang gaya ni Milagros na minsan ay naging mabuti sa amin o sa akin. P-Paano kung malaman nya ang tungkol sa amin ni Lino? Paano kung malaman nya na dahil sa akin .. tsk!
Pagkatapos ng agahan na iyon pumunta na ulit kami ni Milagros sa pabrika ng mga tela, sinamahan ko sya papasok hanggang sa loob ng silid nya.
"Binibining Milagros ayos ka lang ba?"- pag aalalang tanong ko
Ngumiti naman siya at tumango.
"Salamat sa pag-aalala, Ana. Ngunit huwag kanang mabahala, kung ngayon ay mabigat pa para sa akin tanggapin ang mga nangyayari, alam ko ring matatanggap ko iyon ng buong-buo pagdating ng tamang oras."
BINABASA MO ANG
La Promesa
Historical FictionLunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria Celi Legazpi which comes from the original writer Elino Marquez or better known Padre Lino. She is...