Kabanata 30: Ang Sinumpaang Araw

400 21 3
                                    

[Kabanata 30: Ang Sinumpaang Araw]



Nananatiling nandito lang kaming dalawa ni Lino sa kabukiran, nakaupo kaming dalawa sa mahabang kawayang upuan. Yakap nya ako sa likuran habang ang isang kamay nya nakahawak sa isang kamay ko.

Tahimik lang kaming nakasandal ang ulo sa isat-isa habang nakatingin sa kabukiran.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, yung katabi , kayakap at kasama ko siya sa isang tahimik na lugar. K-Kung pwede ko lang hilingin na sana hindi na matapos ang moment na 'to hihilingin ko para lang makasama ko siya ng matagal.

"Sa tingin ko mamaya narin magaganap ang sinumpaang araw, Ana. Ang tanging hiling ko sa'yo ay ihiling mo na matapos na ang lahat ngayong araw."

Napahigpit ako ng hawak sa kamay nya. Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Humiwalay ako sa kanya at ngumiti habang nakatingin sa buong paligid.

"Alam mo, nung binabasa ko ang istorya ng Sa Panaginip. Ang buong akala ko may masayang pagwawakas sila Señorita Celi at Señorito Carlos. Masaya ako nun dahil sa bandang huli kahit sa panaginip lang naganap ang lahat, sila parin ang nagkatuluyan."

Napayuko ako at tumingin ng marahan sa kanya.

"Gusto ko lang itanong Lino, bakit hindi mo pinayagang magkatuluyan si Celi at Carlos sa wakas ng isang istorya?"

Huminga sya ng malalim at tumingin sa malayo.

"Dahil sa totoong buhay ay hindi 'yon totoo, hindi totoong pwedeng magkatuluyan ang taong galing sa kasalukuyang panahon at isang taong nanggaling lamang sa isang panaginip sa nakaraang panahon."

Napayuko ako ..

"Pero bakit tayo Lino? Galing ka dito sa makalumang panahon at ako galing sa hinaharap. Nagkakilala at minahal natin ang isat-isa, sa tingin mo pa ba ay hindi posible na magkatuluyan ang taong galing sa nakaraang panahon at ang taong galing sa kasalukuyang panahon?"- nakangiting tanong ko sa kanya

Natahimik siya sa tanong ko, nakatingin lang siya sa akin.

"Sana, sana ganun din ang pag-mamahalan nila Celi at Carlos. Sana hindi nalang isang panaginip si Carlos, para hindi na masaktan si Celi."

Nasasaktan ako, dahil gaya ng malungkot na kwento nina Celi at Carlos .. sana, sana hindi ka nalang nanggaling dito sa nakaraang panahon, Ginoong Lino. Sana galing ka nalang sa kasalukuyan para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Napatingin ako sa kanya nang may kinuha siya sa dala nyang bag na hindi naman kalakihan. May inilabas siyang maliit na baul, box na color brown.

"A-Ano 'yan?"

Ngumiti siya sa akin at binuksan nya ang hindi kalakihan na box. May isang papel na kulay puti at nakatupi sa loob nun.

"Nais kong mabasa mo ito sa oras na makabalik kana sa kasalukuyan panahon, Ana."

Nalito naman ako sa sinabi nya.

"H-Ha? Pero paano ko naman 'yan maisasama sa kasalukuyan?"

Ngumiti siya ng bahagya at isinara ulit ang box tapos tumayo siya at pumiwesto sa puno.

Sinundan ko naman siya. Nag-hukay sya ng lupa sa tabi ng puno.

"Anong gagawin mo, Lino?"

Hindi siya sumagot, pagkahukay nya inilagay nya doon ang baul at tinakpan ulit 'to ng lupa. Pagkatapos nyang gawin 'yon tumayo sya at ngumiti sa akin.

"Sa tingin ko ay magtatagal ang puno na ito ng ilang siglo, kaya inaasahan ko na mahahanap mo ang sulat kapag nakabalik kana sa kasalukuyang panahon."

Napangiti naman ako, pero hindi parin maalis ang kirot sa dibdib ko. Tumingin ako sa buong paligid. Mag-hahating gabi na.

La PromesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon