SIXTEEN: THE CONFUSION OF HEART

45 4 0
                                    

Chill and Enjoy Reading!

__________



Pinasadahan ko ng tingin, ang kwarto na nilahad sa akin ni Paris kung saan ako matutulog. After that awkward back hug from him, sinabi kong inaantok na ako kahit hindi pa naman. 

I just want to get away from the awkwardness okay?!

Cream and Brown ang combination color nitong kwarto, it has a queen sized bed, and long brown curtains, has its own bathroom, with bathtub! Gaano kaya karami ang kayamanan nila? I wonder what's their business? 

"You know you can just sleep in my room," wika ni Paris na nakahilig sa pintuan at nakahalukipkip.

Bumaling ako sa kanya, "Okay na ako rito, mas okay kung dito ako." 

There's no way we will sleep together, in his room you know! I have enough with all the awkward moments! It's too much! 

Nagtaas siya ng kilay sa akin at humakbang papalapit, kaya umatras din ako. Ngumisi naman siya! Oh no Paris!

"I don't bite Natasha...Is that what you're thinking?" he asked me teasing. 

Nag-init agad ang pisngi ko, "No! It's just that..." hindi ko pa maituloy ang sasabihin ko! 

Humalakhak siya at nanindig naman ang balahibo ko nang marinig 'yon.

"I'm just kidding. Here's your clothes by the way," nakangiti niyang sabi at inabot sa akin ang paperbag.

Kinuha ko 'yon at tiningnan ang loob, it's a two sets of undies and two sets of clothes. One is a White night gown and the other one is black jeans and pink loose longsleeves. Siya ba ang bumili nito?

"Thanks,magsho-shower muna ako," paalam ko sa kanya. 

"I'll join you then," mabilis nitong sabi.

Nanlaki naman ang mata ko at parang hindi nakahinga sa sinabi niya, habang siya ay tinawanan lang ako!  

"Kidding again... You're so adorable," natatawang wika niya at kinurot ang pisngi ko. 

"Stop it!" singhal ko at hinahawi ang kamay niya. 

"Now you'll go, baka talagang samahan kita," tawa niya sa akin. 

Shit Paris! I feel uneasy! 

Hinampas ko ang dibdib at sinimangutan na lang siya, bago pumunta sa bathroom. Agad kong sinarado ang pinto nang makapasok ako kahit naririnig ko pa ang halakhak niya. I couldn't believe him!

Sinadya ko namang tagalan ang pagaayos sa bathroom para hindi ko siya maabutan sa labas. Malawak din ang bathroom dito, malapad ang salamin at magkahiwalay ang shower sa bathtub at toilet. The mirror has the blower too. I smirked on its design. 

Pagkalabas ko naman ay nakahinga na ako nang maluwag, dahil hindi ko siya naabutan. Mabuti na lang.

Nilingon ko ang purse ko na nasa lamp. Umupo ako sa kama habang ch-in-e-check ang phone ko. May mga mensahe galing kay Trina. Just shitty messages to be exact. 

Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Paris. Kagaya ko, nakaligo at nakapagpalit na rin siya. Dahil sa basa niyang buhok at nakapagpalit na rin siya ng black v-neck shirt at floral blue board shorts. 

Bakit ang gwapo niya pa rin kahit sa pambahay? This is not even the first time I've seen him like this.

"Do you want to watch a movie? We can watch it next door," he said while looking at me and into my cellphone. 

A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin