TWENTY ONE: THE ABDUCTION

37 7 0
                                    

Chill and Enjoy Reading!

The song for this chapter is:
You found me by: The Fray

__________





Mahapdi at mabigat ang aking mga mata nang magising ako kinabukasan. Naiisip kong dito muna ako sa dorm mag-iistay dahil ayoko ring bumaba. 



Bababa lang ako 'pag open na ang Booth. Mamayang hapon pa naman iyon, kaya rito na lang muna sa dorm, buong umaga.



"Pancakes with maple syrup and bacon, and strawberry milkshake," ani ko sa magdedeliver ng pagkain ko.



"Exodus University Maam? Room?"



"Room 1005."



"Okay, give us 20 minutes po." 



"'Kay." 



Binaba ko na ang tawag at humilig sa sofa habang nanonood ng movie. I texted Trina earlier to suggest some thrilling movies to me, I'd like a brutal one. So I'm watching this boring Wrongturn. 



"Bullshit," utas ko nang makapanood nanaman ako ng bed scene. 



Pinindot ko ang home section ng link, at naghanap ng mga movie doon. 



I scroll some action movies then find the interesting one, 'Salt'.



Nasa unang scene pa lang ng movie ng maalala ko si Paris. Funny that we're just starting in our relationship, at ngayon. Nag-aaway na agad kami. 



The hell it crossed your mind Natasha! Focus on the movie!



Pinilig ko ang ulo ko at bumaling na sa pinapanood. Maya maya nagvibrate ang cellphone sa tabi ko. Dinungaw ko kung sinong nagtext at halos malagutan ng hininga dahil sa katok sa pintuan at nang makita kung sinong nagtext. 



None other than Paris. 




Paris:

Where are you? We need to talk. Let's have breakfast.




Dala ko ang wallet at cellphone ko nang magtungo sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita ang delivery boy ng breakfast ko.



Inabot ko na ang bayad ko sa kanya at kinuha ang order ko. 



Hindi niya pa naibibigay sa akin ang sukli ay sinipa ko na ng malakas ang pintuan.



Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at nilapag ang mga pagkain roon, bago ko nireplyan si Paris.



Me:

I don't want to talk to you.

Napataas ako ng kilay nang magreply siya agad.



Paris:

Ikaw ba yung nagpadeliver? If not, bumaba ka rito, dahil aakyatin kita dyan.




Shit! Bakit parang gusto kong akyatin niya ako rito?! Stop it Tasha! You're mad at him!




Me:

Ako yung nagpadeliver. Stop pestering me. 


Paris: 

I'll stay here in ground floor. I miss you. 




What? Nasa baba talaga siya? I miss him too okay? But I still don't want to see him. The booth later is exceptional, magkikita at magkikita talaga kami, kahit labag sa kalooban ko. 




A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang