Day 2

6.3K 121 3
                                    

Kapapasok lang ni Jessica sa isang sikat na bar sa Makati ng maispatan niya ang grupo ni Greg sa isang sulok ng bar na nagkakatuwaan. May kasama itong isang babae na mukhang nobya ng isang kasama nito base na rin kung paano sila halos magdikit ang mga katawan nito sa paglalambingan sa harap ng iba. Napag-alaman niyang doon pumupunta si Greg tuwing sabado kasama ang mga kaibigan. Isa din kasi sa mga kaibigan nito ang may-ari ng naturang bar.

Diretso siya sa counter at nag-order ng maiinom. Kampanteng nakaupo siya habang dahan-dahang iniinom ang inorder. Hinihintay niya ang pagkakataon na maisakatuparan ang binabalak niya ng gabing iyon.

----
Sa isang sulok ng bar ay naagaw naman ang atensiyon ni Greg sa pagpasok ng babaeng nakasuot ng pula at may kaiksihang bestida. Hapit na hapit ito sa makurban at balingkinitang katawan nito. Still,she looks decent and classy.  Nakalugay sa balikat ang medyo mahaba nitong buhok. She looks so seductive in her halter dress. The way she walks, it oozes with so much confidence. Alam ng babaeng ito na may ipinagmamalaki siyang kagandahan. At nakakaakit na alindog. Biglang may kakaiba siyang nararamdaman sa ibabang puson niya habang sinusundan ng tingin ang babae na umupo sa may counter at umorder.

Napangiti siya. Alam niya kung anong ginagawa ng mga babae sa lugar na tulad nito na nag-iisa. Either hunting a gorgeous man para sa isang gabing kaligayan o hunting a rich gorgeous man para umangat ang buhay. Which one is her reason, wala siyang pakialam. She will be melt under his charm. Napapangiti siya sa naisip.

"Hey, chick spotted pare." Putol ni James sa kanyang pag-iisip. Ngiti lang ang sinagot niya rito. Alam niya ang ibig sabihin nito. Kaya tumayo siya at tinungo ang direksiyon ng dalaga.

Umupo siya sa tabi nito at nag-order ng scotch. Hindi ito lumingon sa kanya na parang hindi siya napansin nito. Inisang lagok niya ang inumin at nag-order pa uli ngunit hindi pa rin siya napansin nito. Napansin niyang wala ng lamang alak ang baso nito kaya naisipan niyang umorder para dito. And all women like it.

"One frozen margarita for her, Marco." Utos nito sa bartender na si Marco habang itinuturo ang katabing babae na walang pakialam sa paligid. Binuksan nito ang cellphone at parang may binabasa. Medyo nagulat ito ng makita ang baso ng margarita sa harap nito. Itinuro naman siya ng bartender at sinabing sa kanya galing. Ngumiti naman ito at nagpasalamat pagkatapos ay ininom ang margarita at bumalik sa pagkalikot ng cellphone nito na parang wala lang. Wala lang ang charm niya rito. Ini-ignore siya nito na parang normal lang ang nakita nito. Na there's nothing new dito ang makatanggap ng free drinks from the strangers. At normal lang para dito ang anyo niya.

Bigla siyang natameme. Hindi yata nila alam ang sasabihin. Nakasanayan na kasi niya na kahit wala siyang ginagawa ay ang mga babae mismo ang lumalapit sa kanya. Aminado siya na ang babaeng ito ay maganda at kaakit-akit ngunit marami naman siyang nakilalang mas maganda pa rito ngunit ang mga ito ang nagkusang idikit ang mga sarili nito sa kanya. Pero iba ang babaeng ito. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito at kung ano ang drama nito. Either nagkukunwari lang itong hard to get o talagang ganon ito.

Napadako naman ang tingin niya sa grupo ng mga kaibigan niya. Nakatingin ang mga ito sa kanya at mukhang nakita nito ang pagkabasted niya base na rin sa pagkakangiti nito na halos pigilan ang pagtawa. Naiinis naman siya at bumalik sa mesa ng mga ito.

"Pare, it seemed that your charm didn't work this time." Salubong na pambubuska ng kaibigang si Jacob sa kanya.

Hindi naman siya sumagot bagkos nilingon ang babae na tahimik na umiinom sa counter.

Interesting. Sa isip-isip niya. Biglang tumayo naman si Jacob at pumunta sa counter. Nasundan nila ito ng tingin. Nag-order ito at ininom ang inorder pagkabigay ng waiter. Ang babae ay wala pa ring pakialam sa katabing lalaki. Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Jacob. Nakita niyang kinausap ito ni Jacob. Sumagot naman ang dalaga na nakangiti. Mukhang si Jacob ang taga tanong at ito naman ay sumasagot lang for the sake of respect. At mukhang 'di naman ito interesado sa sinasabi ng binata dahil panay ang tingin nito sa cellphone habang nagsasalita si Jacob. Sa wakas mukhang sumuko na ang kaibigan, nagpaalam at bumalik sa mesa nila. Sabay naman silang napahalakhak sa nasaksihang kabiguan ng kaibigan.

Bumalik itong 'di maipinta ang mukha. Parang naapakan ang pride ng mga kagwapuhan nila. Anywhere they go, they are the headturner. Halos magkandarapa ang mga kababaihan na mapansin nila. His friends are famous too kaya 'di nakapagtatakang marami silang fans kumbaga.

"Interesting, isn't she?" Salubong niya rito.

"Well yeah." Sagot nito habang napakamot nalang sa ulo at inakbayan ang girlfriend nitong si Julia sa tabi na natuwa naman sa nangyari sa nobyo.

Hindi maalis-alis ang mga mata niya sa dalaga. She intrigued him.

"Pare mukhang tinamaan ka ng bebot na iyon ah. Halos di mo maalis ang malagkit mong tingin sa kanya." Saad ni James. Isa sa mga kaibigan niya.

"Hindi, naintriga lang ako. At parang naapakan ang male ego ko dahil ngayon lang ako na deadma ng isang babae." Nakatingin pa ring wika niya na may halong biro.

"How about pustahan tayo. Papaibigin natin ang babaeng iyan at kung saan siya iibig ay siya ang plano." Biglang suhestiyon ni Jacob sa mga kaibigan.

"That's rediculous." Putol ni Greg sa sasabihin pa ni Jacob.

Tumutol naman ang iba pa nilang kaibigan sa kalokohang naisip ni Jacob.

"Oh sige, ganito nalang, how about making her falling in love with you in 30 days?" Giit pa rin ni Jacob na hindi sumuko sa naisip na kalokohan.

"I'm out, I'm not interested." Tanggi naman ni James. Tumanggi rin ang kaibigang si Rafael.

"Well, we have Greg to do that. Di ba siya ang pinakamatinik sa chicks? Tingnan natin kung tatablan ang babaeng iyan sa charisma mo, Greg." Hamon nito sa kanya.

Hindi siya umu-o pero parang nakakachallenge nga ang babaeng ito.

"Kung mapapaibig ko yan, ano naman ang ipupusta mo Jacob?" Tanong niya rito.

Hindi ito sumagot na parang nag-iisip pa.

"Sell me your land in San Ignacio." Iyon ang naisip niya. Gusto niyang bilhin ang lupa nito sa San Ignacio noon pa. Nagustuhan niya ang location nito. Para sa kanya ay perfect location iyon para sa planong itatayong resort and casino.
Ngunit hindi nito ipinagbibili iyon kahit magkano pa ang ini-offer niya.

"No, huwag iyon." Tanggi nito.

"Well, iyon lang ang gusto kong premyo kung magtatagumpay ako sa naisip mong kalokohan."

"Okay, deal." Biglang sang-ayon ni Jacob. Naisip nitong matindi talaga ang babae sa bar. Na hindi ito basta-basta mapapaibig ni Greg kaya ipagsapalaran nalang niya ang lupa.

Napangiti siya.

"Make it 15 days, masyadong mahaba ang 30 days." Dagdag ni Jacob.

Napakamot naman siya sa batok. Pero kakayanin niya. Siya pa?

Tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan ng dalaga. Nang nasa malapit na siya ay bigla itong tumayo at nagkabungguan sila. Nagkatitigan sila. Hindi naman niya maintindihan ang biglang daloy ng kakaibang init sa kanyang katawan. Napadako ang labi niya sa mapupulang mga labi nito. Dahan-dahang bumaba ang labi niya sa labi nito ngunit bago pa dumampi ito ay mabilis na nailayo ng dalaga ang mukha. Napangiti siya. Gumanti naman ito ng ngiti.

Let the game begin. Parehong nasa isip ng dalawa.
Nagmamadaling lumabas naman ng bar ang dalaga. Hahabulin sana niya ito ng makita niya ang wallet nitong naiwan sa mesa.

Mabilis niyang kinuha ito at hinabol ang babae ngunit wala na ito.

Nakaramdam siya ng pagkadismaya. Nanghihinayang siyang 'di nakilala ang dalaga.

Naalala niya ang wallet nito na hawak niya. Binuklat niya ito at nakita niya ang ilang ID nito.

Napangiti siya at bumalik sa loob.

15 Days To Dump A Playboy Where stories live. Discover now