Day 14

4.9K 84 3
                                    

Maagang nagising si Jessica kinaumagahan dahil sa ingay ng ringtone ng cellphone.

Nayayamot siyang kinuha ang cellphone at tingnan kung sino ang tumawag ng napakaaga. Mag-alas sais palang ng umaga.

Si Greg ang tumawag. Napangiti siya at sinagot ang tawag. Biglang nagising ang diwa niya.

"Good morning, babe." Bati nito pagkatapos niyang maghello.

"Good morning too. Ang aga mo yatang napatawag ah. I just woke up." Sabi niya.

"Namimiss lang kita at saka gusto kung marinig ang boses mo na bagong gising. Ang sarap pakinggan. Ang saya ko siguro kung bawat gising ko ay boses mo ang maririnig ko." Sabi nitong naglalambing.

"Asus, kay aga-agang maglambing nitong boyfriend ko." Malambing na sagot niya.

Humalakhak lang ito sa kabilang linya.

"Salamat daw sa mangga sabi ni mama."

"Walang anuman iyon."

"Anong gagawin mo today? Kita tayo?" Aya nito sa kanya.

"Ahmm..busy ako today eh. Kasi marami akong kailangang tapusin sa opisina. Bukas nalang siguro." Tanggi niya rito. May plano na siyang gawin ngayong araw. Susurprisahin niya ito sa condo unit nito. Aaminin na niya rito ang totoong nararamdaman niya.  Na iniibig niya ito.

Matagal siyang nakatulog kagabi pagkahatid nito sa kanya sa bahay nila. Gabi na sila nakarating sa bahay kaya dumiritso na sana siyang matulog ngunit di siya dinalaw ng antok. Gumugulo pa rin sa isip niya ang tunay niyang naramdaman para rito. Inamin niya na sa napaiksing panahon na magkasama sila, na nagpanggap siya ay hindi niya namalayang nahulog na pala siya sa sarili niyang hukay. Umibig siya sa binata at hindi niya iyon napaghandaan. Isa rin pala siya sa mga babaeng nabihag nito. Pero kailangan niyang maglakas loob na ipaalam rito ang damdamin niya dahil pakiramdam naman niya ay pareho sila ng nararamdaman. Na tugunin nito ang pag-ibig niya. Bahala na ang trabaho niya. Ipapaliwanag nalang niya sa boss niya kung bakit nag-iba siya nga article na sinulat. Bahala na kung anong mangyari. Mahal niya si Greg at kailangan niyang sumugal.

"So hindi pala kita makikita today." Malungkot na wika nito.

Nakangiti lang siya. Gusto niya itong aluin ngunit pinigilan niya ang sarili para maging exciting ang surpresa niya mamaya. Ipagluto niya ito na masarap na hapunan pero syempre totoong masarap talaga at hindi na sunog. Magaling kaya siyang magluto.

"Bye na, maliligo pa ako at maaga akong pupunta sa opisina." Paalam niya rito at pinatay ang tawag pagkatapos magpaalam si Greg.

Kinahapunan ay pumunta siya sa condo ni Greg. Walang nagbukas sa kanya ng pinto kaya nasisiguro niyang wala ito doon. Nasa opisina pa siguro. Pinindot niya ang passcode nito at pumasok. Hinanap niya ang binata sa loob ngunit wala talaga ito doon.

Napangiti naman siya. Perfect sa plano niya. Binuksan niya ang refrigerator para maghanap ng lulutuin para sa hapunan  nila ng makarinig siya ng dahan-dahang pagbukas ng pintuan sa bahay ng binata. Mabilis siyang pumasok sa banyo at nagtago. Gugulatin niya ito mamaya.

Nangingiting sabi niya sa isip.

Pumasok si  Greg at may kasama ito. Si James.

"Aba, mukhang nag-iba ang taste mo ngayon ah. Pink?" Tumawa ito ng mapansin ang ilang kagamitang sinadya niyang dalhin noong isang linggo doon para inisin si Greg.

"Si Jessica ang nagdala niyan." Maiksing sagot nito.

"Ohw, talagang para na kayong mag-asawa kung ganon. Oh ano na? Nagtagumpay ka na bang mapaibig siya?" Curious na tanong nito kay Greg.

Ngumiti lang ito.

"Oh my, ibig mong sabihin na nagtagumpay ka? Congrats pare, believe na talaga ako sa'yo. Wala paring kakupas-kupas ang charm mo sa mga babae. Akala pa naman ni Jacob na hindi ka magtatagumpay dahil mukhang kakaiba si Jessica kumpara sa ibang mga babae. Galing mo talaga. Imagine mapapasakamay mo ang lupa ni Jacob na walang kahirap-hirap. Nakuha mo iyon sa loob lang ng dalawang linggong pustahan." Halos walang tigil naman na pagsasalita ni James.

"Naimagine ko na ang hitsura ni Jacob kapag nalaman niyang nagtagumpay ka at mapilitan siyang ipagbili ang lupa niya sa'yo dahil iyon ang ipinusta  niya." Pagpapatuloy nito habang tumatawa.

Bigla namang nagring ang cellphone ni Greg. Si Rafael ang nasa kabilang linya.

"Okay, papunta na kami diyan." Sagot ni Greg.

"Si Rafael, magkikita raw tayo sa bar niya. Andoon na daw si Jacob. Let's go." Sabi nito at lumabas na ang dalawa.

Halos hindi naman makahinga si Jessica dahil nagsisikip ang dibdib niya. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Pinipigilan niya ang sarili kaninang lumabas at pagsusuntukin ito. Sobrang sakit ang nadarama niya. Parang dinurog ang puso niya sa narinig. Ang galing nito at napaniwala siya nitong totoo ang mga ipinakita nito sa kanya.

De javu. Iyon ang naalala niya. Ganitong-ganito din ang ginawa sa kanya ng unang lalaking naging boyfriend niya at minahal niya.

Talaga bang kapalaran na niyang lokohin ng ganito?

Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Hinayaan na muna niyang umiyak ng umiyak ang sarili hanggang sa mapagod ang mga mata niya at humupa ang naramdaman.

Maya-maya lang ay nilisan na niya ang condo at umuwi sa kanila.

Diretso siya sa loob ng kanyang kwarto at umiyak ng umiyak. Nakatulog siya sa sobrang pagod na nararamdaman. Hating gabi na ng magising siya. Bumaba siya at kumuha ng tubig sa ref at bumalik sa kwarto.

Tiningnan niya ang cellphone niya at may ilang misscall at messages mula kay Greg. Hindi niya ito binasa. Diretso niya iyong binura. Ayaw na niyang mabasa pa ang iba pang mga kasinungalingan nito.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Ano nga ba naman ang kaibahan niya kay Greg? Halos pareho lang naman sila. Lahat ng ipinakita nila ay purong kasinungalingan. Puro drama lang ang lahat.

Nasaktan pa rin siya. Dahil alam niya sa sarili na this past few days with him ay totoo lahat ng ipinakita at ipinaparamdam niya. Na umibig siya rito.

Pero hindi nito kailan man malalaman ang nararamdaman niya.

Hindi niya hahayaang pagtatawanan siya ng mga ito. Hindi siya papatalo. Bukas na bukas din ay sasabihin niya sa harap nito mismo ang totoo. Na trabaho lang ang ginawa niya. Na hindi totoo ang ipinakita niya rito. Atleast kahit papaano ay makaganti man lang siya rito.

Goodbye, Greg. Sa isip niya at dahan-dahang ipinikit ang mga mata at pinilit na makatulog.

15 Days To Dump A Playboy Where stories live. Discover now