Day 12

5K 85 0
                                    

"Jessica, halika ka rito may naghahanap sa'yo." Tawag ng ina niya.

Dali-dali naman siyang lumabas para magulat lang ng mapagsino ang bisita niya. Si Greg.

"Anong ginagawa mo rito? I mean bakit nandito ka?" Naguguluhang tanong niya. Habang kumakabog ang puso niya, hindi sa kaba kundi dahil sa presensiya nito.

"Jessica ayusin mo iyang tanong mo. Papasukin mo muna ang bisita mo at ipaghanda ko kayo ng meryenda." Saad ng ina niya.

"Ah ma, si Greg nga pala." Pagpapakilala niya.

"Alam ko nagpakilala na iyang nobyo mo sa akin." Nakangiting wika nito at iniwan sila.

Aba'y huli na pala siya. Nagpakilala na pala ito at sinabi pang nobyo siya nito.
Well, masarap sa pakiramdam na may umangkin sa kanyang nobya. Pero hindi ito dapat mangyari. Ayaw niyang lumalim ang pagkakilala nila dahil in three days ay matatapos na ang larong ito.

"I'm sorry kung naparito ako ng hindi nagsabi sa iyo. Gusto kasi kitang surpresahin sa pagsundo at gusto ko ring makilala ang pamilya mo." Paghingi nito ng paumanhin.

Natouch naman siya sa sinabi nito. Naniniwala na yata siyang totoo ang lahat ng sinabi nito.

"It's okay. Nabigla lang ako. Teka, iwan na muna kita. Magbibihis lang ako sandali tapos aalis na tayo." Anya saka tumalikod.

Dali-dali siyang nagbihis at sinukbit ang ang bag na may lamang ilang damit para suotin niya kinabukasan.

Maya-maya ay binaybay na nila ang daan papunta sa bayan ng Tanay, Rizal na kung saan nakatira ang lola ni Greg.

Sumalubong sa kanila ang malaluntiang paligid. Nakatirik sa gitna ng bundok ang isang may kalumaang bahay na yari sa bato. Malaki ito at malavilla ang dating. Malayo-layo pa sila ngunit kitang-kita na nila ang bahay. Perfect ang kinatayuan nito dahil mula doon ay kitang-kita ang buong paligid sa ibaba. Marami silang nadaanang puno ng mga prutas. Pero pinakamarami ang puno ng mangga ma nahitik sa bunga.

"Wow!" Napahanga siya sa nakita. Ngayon lang siya nakakita ng ganito karaming mangga. Hindi kataasan ang mga puno pero ang bunga ay napakarami.

"You can eat mango all you want pagdating natin sa bahay ni lola. Maraming pinitas na mangga doon.

Excited na siya sa narinig.

Pagkababa sa sasakyan ay pumasok agad sila sa bahay.  Isang napakalaking bahay kahit na medyo may kalumaan na, makikita pa rin sa anyo sa loob na inaalagaan ito at napanatili ang angking kagandahan nito.

"Apo, narito ka na pala." Salubong ng lola Margareta nito ng makita silang pumasok. Nagyakapan ang maglola saka binalingan siya ng matanda.

"La, this is Jessica, my girlfriend. Jessica si Lola Margareta." Pagpapakilala ng binata.

"Nice to meet you iha. Buti naisama ka nitong apo ko dito sa amin sa farm."

"Wala po akong masyadong trabaho ngayon kaya nagkatime akong pumunta at isa pa gusto ko rin pong makilala kayo." Magalang na wika niya.

Ngumiti ang matanda at hinalikan siya nito sa pisngi. Tapos ay iginiya sila nito sa sala.

"Oh Greg, ihatid mo muna si Jessica sa tutuluyan niyang kwarto. Doon sa katabi ng kwarto mo. Bumaba kayo agad at ipapahanda ko na ang almusal." Utos ng matanda.

"Sige po,la. Tara?" Sagot niya at binalingan si Jessica.

Isang may kalumaang  desenyo ang kwarto ngunit maaliwas naman sa loob. Ang ibang gamit ay mga modern design naman.

Inilagay niya ang bag sa ibabaw ng kama at dumiritso sa may bintana ng kwarto.

Napahanga siya sa natanaw na paligid sa labas. Ang layo ng maabot tanaw niya. Ang laki pala talaga ng farm nina lola Margareta.

Bigla naman siyang napapitlag ng mula sa likod ay niyapos siya ng mahigpit ni Greg. Ramdam niya ang hininga nito malapit sa tainga niya. Ang mukha nito ay halos nakadantay sa kaliwang balikat niya. Bigla yatang nagsitayuang ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa kakaibang sensasyong nadarama.

Dinampian nito ng labi ang batok niya na lalong nagpatindi ng sensasyong nadarama. Para siyang nakukuryente sa ginawa nito. Biglang daloy ng init sa kanyang katawan. Hindi siya nakakakilos bagkos gusto niyang matunaw sa mga yakap nito. Sa bawat halik nito, sa bawat dampi nito sa kanyang balat. Parang nawawala na yata siya sa tamang katinuan.

Nanatili naman itong nakayakap sa kanya at tahimik na nakatingin din sa magandang tanawin sa labas.

Mas lalong naging kahanga-hanga ang tanawin sa labas para sa kanya. Habang ini-imagine ang posisyon nilang dalawa. It's so romantic, para sa kanya. Nalulunod na yata ang puso niya. Hahanap-hanapin niya ang ginagawa nito kapag natapos na ang trabaho niya. Mami-miss niya ito sigurado kaya igagrab na niya ang chance na makasama ang binata. Pinabayaan niyang manatili sila sa ganong posisyon ng ilang sandali. Ang sarap kasi sa pakiramdam.

Bumaba sila na magkahawak kamay papunta sa komedor para mananghalian. Maraming inihanda ang ang matanda. Siguro alam nitong darating ang apo nito.

"Once a month ay dinadalaw ako nitong apo ko. Nagtatampo nga ako eh kung bakit once a month lang pero syempre alam ko namang busy siya sa pagpapatakbo ng negosyo niya. Iyong dalawang kapatid pa niya ay dumadalaw naman sa akin every two weeks minsan every week." Sabi ng matanda na parang alam ang nasa isip niya.

"Kumain ka iha, huwag kang mahiya. Matatamis ang mga mangga namin dito, pwede kang magdala niyan pag-uwi mo."

"Talaga ho?"

"Yes, kaya kain na tayo. Bawal ang diet dito."

Napatawa naman si Greg ng maalala ang hitsura ni Jessica habang kumakain sa restaurant kagabi.

"Hindi alam niyan ang salitang diet lola. Makikipagkarera pa iyan sa pagkain." Biro ng binata.

"Mabuti kung ganon."

Hinampas naman niya sa balikat ang binata. Tumawa lang ito habang umilag. Natawa na rin siya at inumpisahan ng kumain.

"Masaya talaga akong sa wakas may ipinakilala na sa aking babae ang apo ko. Imagine beinte sais na ang isang iyan ay hindi ko pa nabalitaang may sineryosong babae. Ikaw pa lang ang babaeng dinala niya rito. Nagpasalamat ako at tumino na ang batang iyan."

"Lola naman, ano na naman iyang sinasabi mo kay Jessica." Singit ni Greg sa usapan nila.

"Totoo naman ah. Laging kung nababalitaan sa TV na kung sino-sino ang dinedate mo tapos wala namang nagtagal. Kaya ka natawag na playboy." Singhal ng lola niya. Na ikinatawa naman ni Jessica. Para kasing bata si Greg na pinapagalitan ng lola nito.

"Good boy kaya ito lola. Sila lang ang hindi makuntento." Pagtatanggol nito sa sarili na parang bata.

"Good boy your face." Sabi ni lola Margareta na akmang babatukan ang binata ngunit nakailag ito.

Nagkatawanan naman silang tatlo. Sarap panuorin itong tumatawa ng totoo. Nakakahawa ang tawa nito.

Hayy, nahuhulog na yata talaga ang puso niya rito.


15 Days To Dump A Playboy Where stories live. Discover now