Chapter 4 - Ikaapat na yugto

1.3K 86 11
                                    

Gusto pa sanang ipasyal ni Zek ang mga bata sa kabubukas lang na arcade sa loob ng mall. Pero napansin niyang tila pagod na si Virgou. Tumamlay itong bigla at sobrang tahimik.

"Do you want us to drop by at the hospital? You looked pale." He asked, worried.

Umiling ito at pilit na ngumiti. "Okay lang ako. Napagod lang siguro. Hindi ba ipapasyal mo ang mga bata sa arcade?" tanong nito pabalik at nagsuot ng seatbelt.

"Next time na lang. Bumalik tayo kapag hindi ka na pagod. We can't possibly enjoy the arcade without you, right, kids?" Nilinga niya ang mga anak sa backseat na abala sa ice cream at nachos.

Parehas na tumango ang mga ito. Hindi makasagot dahil puno na ng pagkain ang mga bibig.

"I'm sorry, babies." She turned to them too.

Hinawakan niya ang kamay ng asawa at ibinaba sa kanyang hita. Tumingin ito sa kanya at muling ngumiti ng pilit.

Damn it! Something is not right. May nangyari ba kanina habang nasa counter siya? Maayos pa naman ito noong papunta sila ng mall kahit nang namimili sila ng groceries panay pa ang tawa nito sa kadaldalan ng mga anak.

This isn't one of her mood swings. He can tell when she's having one especially now that she's pregnant. Madali itong basahin kapag may sumpong lalo na kung tulak ng paglilihi nito. This is certainly different. She seemed disturbed, scared and anxious.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at umusad sila palabas ng parking area. Maluwag ang mga kalye sa umagang iyon kahit nasa pusod sila ng poblacion. Bagamat visible sa ang iilang police patrol car sa mga eskinita.

"Zek, kumusta nga pala ang trabaho mo?" Biglang tanong ni Virgou.

"As usual, we've been clogged down with numerous variety of cases. Big, complicated, and-"

"Dangerous," she interrupted.

"Yeah," tumango siya. Sinadya niyang bagalan ang takbo ng sasakyan para ma-enjoy nito ang view sa labas na nadadaanan nila lalo na ang hilera ng mga kahoy na nag-iiba ang kulay ng mga dahon tuwing papalapit ang pasko.

"Sasama ka pa rin ba sa mga operations ninyo?"

"I have to. The team needs me."

"Mag-resign ka na kaya. Tulungan mo na lang ako sa kompanya." Nakikiusap ang titig nito sa kanya. "O, kaya mag-fulltime ka Kay Xandr. Mas malaki naman ang income mo sa pagtatrabaho sa kanya kaysa roon sa bureau, di ba?"

Natawa na lamang siya ng pagak. "Tell me, love, is there something wrong? This isn't like you at all. Money was never become an issue for the both of us."

"I just thought that your job at the bureau is becoming riskier for you."

"But that's part of its nature." He argued. "Kung sa army ako pumasok mas malala pa. Lagi naman akong mag-iingat, pangako." Dinala niya ang kamay nito sa kanyang bibig at hinalikan.

"Alam ko." Nabubugnot na hinablot nito ang kamay. "Pero hanggang kailan mo kayang mag-ingat? Paano kung isang araw bigla ka na lang madisgrasya? Paano na kami ng mga bata? Tama ka, hindi issue sa akin ang pera. Nakikita ko kung gaano ka kasipag. Lahat ng klaseng pagsisikap kaya mong gawin kaya pagbalik natin ng siyudad magresign ka na."

"Virgou-"

"Kung mahal mo ako at ang mga bata makikinig ka." Ibinaling nito ang paningin sa labas ng bintana, tanda na tapos na ang usapang iyon.

Napamura na lamang siya ng mahina. Ano bang problema? Dati naman ay hindi nagiging isyu ang trabaho niya. Katunayan buong-buo ang suporta nito at lagi pa siyang nire-remind na magpakatino. Now she's not making any sense at all. Hindi niya naiisip na aabot sila sa puntong kailangan niyang magbitiw sa tungkulin.

BGT 02: THE GLASS QUEEN✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon