Nilagok ni Zek ang natirang shot ng wine sa baso habang hindi inaalis ang paningin sa monitor ng laptop. He's watching the recorded video of the recent board meeting yesterday.
Akillez phoned him a while ago. Told him that Xandr was also monitoring the meeting and was impressed with how Virgou handles the board of directors as a legitimate representative.
Hindi nakagugulat iyon para sa kanya. No matter how bad the situations are, Virgou has the gut to bounce back. Kung tingnan niya ito habang nagsasalita sa harap ng board, hindi mababakas na may pinagdaanan ito nitong mga nakaraang araw.
It must be ironic. Pero pinatitibay ng husto ang asawa sa ilang taon nitong pananatili sa loob ng kulungan. Nawala man dito ang nakasanayang buhay ngunit hindi ang kumpiyansa at tiwala nito sa sarili.
Her status in the society changed a whole lot. Pero hindi nabawasan ang positibong dinulot nito sa kanila ng mga bata. She is a woman in power. One can see that vividly. Before and until now. A powerhouse wife to him and a mother to his kids.
Umani ito ng palakpak mula sa board matapos ipaliwanag ang laman ng mga dokumentong nilatag nito. She also proposed the conversion of the university to medical school as a main satellite branch of Larrazabal Medical University in the south.
Dinampot niya ang cellphone nang tumunog iyon dahil sa sunod-sunod na text messages. Unknown number.
09*****: This is my personal number and you are not going to reject me\\ Fina.
09*****: Just one dinner and I'll rest my case, Zek.
09*****: I like you so much. Don't make this hard for me.
09*****: A dinner and a good time afterwards. You're not going to regret it, promise.
After the flood of messages, the phone rings for an incoming call from the same unknown number. Matagal siyang nakatitig lamang sa screen ng cellphone hanggang sa nagtapos ang kanta.
He deleted the messages and turned it off. Tiniklop niya ang laptop at nilapag sa ibabaw niyon ang cellphone. Inabot niya ang bote ng wine. Nagsalin sa baso at tumayo. Tinungo ang silid nilang mag-asawa.
Gising pa si Virgou at nagbabasa ng inspirational book. Saglit itong nag-angat ng tingin mula sa aklat at ngumiti ng tipid. He sipped the wine. Inalog niya ang natirang laman ng bitbit na baso habang malagkit na nakatitig sa asawa.
"Nag-half bath lang ako. Matutulog ka na ba?" tanong nitong tiniklop ang libro at nilagay sa ibabaw ng side table.
"Gotta have a quick shower after this." He raised the glass of wine.
Tumango ito at nahiga ng maayos. "Tumawag si Xandr. Pinag-usapan namin yong meeting kahapon. Mukhang nagustuhan naman niya ang ibang proposals ko." Maagap nitong kwento habang inuubos niya ang wine sa baso.
"That's good. How about the chairmanship knock-out for the Ayala Group? Have you talked to Palmolive about it? Pagbalik natin aasikasuhin mo na iyon, di ba?" He reminded.
"Do you think our plan will work? I mean, confident ako na mahaharap ko sila ng maayos. I'm not afraid of them."
"You've made quite an impression at the press conference. Might as well go all in. I know you can do it, love. No doubt." Kinindatan niya ang asawa at nilapag sa mesita ang basong wala nang laman.
After taking a shower, he checked the kids at the other room and ran a quick scan around the house doors and windows. Dinaanan niya ang cellphone sa computer table sa sala pero nagpasyang iwanan na lang iyon doon pati ang laptop.
Tulog na si Virgou nang bumalik siya sa kwarto nila. Kakaidlip lang yata. May naiwang maliit na ngiti sa sulok ng mga labi nito. He recited his personal prayer, kissed her lips and her tummy, and settled down next to her.
BINABASA MO ANG
BGT 02: THE GLASS QUEEN✔
RomanceIsang malusog na sperm. Ito lang ang kailangan ni Virgou sa lalaking nakitaan niya ng katangian para maging ama ng kanyang anak. Si Zerriko Gray. Estudyante sa paaralang itinayo ng kanyang yumaong ina. Hindi siya nagdalawang-isip na alukin ang bin...