Chapter 19

10.4K 121 13
                                    

I was touched kasi pinigilan niya akong umalis at iwanan silang dalawa. Pero kasi, I feel like an outcast to them. Para bang silang dalawa talaga 'yong main characters sa isang pelikula at ako 'yong antagonist na humahadlang sa pag-amin nila sa isa't-isa.

Clarisse's face looks so angelic, she can't be the antagonist.

   “Baka kasi may importante kayong pag-uusapan,” saad ko.

"C-Clarisse, ano ba kasi talaga ang ginagawa mo dito?" tanong ni Mark.

    "I told you, I just want to visit! Gawain ko naman 'to dati ah? Besides, miss ko na rin naman si Manang.” She gave us a sweet smile.

Kung gano'n madalas pala siyang bumibisita rito at close pa siya kay manang. Siguro malalim na talaga ang pag-kakaibigan nilang dalawa at 'yong pagkakaibigan na 'yon... I know that there's something behind it.

       “Sana nagsabi ka man lang.”

“I'm sorry, okay?” Pinapungay ni Clarisse ang kaniyang mga mata at ngumuso pa habang humihingi ng patawad.

Napansin ko na napalunok na naman si Mark kaya hindi ko napigilan ang umirap at kusang alisin ang mga kamay niya sa beywang ko. Nauna nalang akong bumaba at nilagpasan ko si Clarisse, tumungo ako papunta sa kusina upang balikan 'yong mga cookies na ginawa ko doon kanina.

   “Galit ka ba Mark? Hindi ko naman kasi alam na nandito pala 'yang girlfriend mo.” Rinig ko pang sabi ni Clarisse habang papalayo ako sa kanilang dalawa.

       “Hindi ako galit, nagulat lang ako sa pagbisita mo.”

Mabigat ang pakiramdam ko nang marating ko na ang kusina, sinuot ko ang mittens at kinuha 'yong tray mula sa oven. My cookies looked great, kahit papaano ay napawi ang lungkot na nararamdaman ko dahil dito.

I took a bite from my chocolate chip cookies, napangiti ako dahil tama ang tamis nito. Akalain mo 'yon, may matino pa pala ako nagagawa?

   “Masarap 'no? Nauna na akong tumikim kanina, hindi ko napigilan, ang sarap kasi ng amoy.” Bigla na namang sumulpot si Nathaniel at tumabi sa akin.

Ilang segundo rin kaming natahimik, tinitigan ko lang siya habang kumukuha ulit ng cookies.

“Nathan,” I called.

      “Oh?”

“Matagal na bang magkakilala sila Clarisse at Mark?” I looked outside, baka kasi mamaya ay nariyan lang 'yong dalawa at nakikinig.

        “Bakit? Nagseselos ka ba?”

I rolled my eyes then scoffed, “Bahala ka nga.”

    “Oo, nu'ng dumating ako rito magkaibigan na sila.” Pagkatapos sabihin ni Nathan 'yon ay iniwan niya na rin ako dito sa kusina, ngunit pumalit naman sa kaniya si Clarisse.

“Hello, Chrishelle! Sorry bumisita ako, hindi ko naman kasi alam na nandito ka.”

     “Ayos lang, wala naman sa akin 'yon.” I smiled at her habang inilalagay ko sa isang jar ang mga cookies.

“Ay gano'n? Alam mo kasi, kadalasan sa mga nagiging girlfriend ni Mark, nagseselos sila sa akin. Buti pala ikaw hindi 'no?”

Kanina'y nakakapagtimpi pa ako dahil mukha siyang anghel, pero kapag kausap na siya'y parang nagbabago ang awra niya. “Matagal na naman daw kasi kayong nagkaibigan, kaya I understand.”

Plastik akong ngumiti sa kaniya at umirap noong mag-iwas siya ng tingin.

Tumawa naman siya na parang may halong pagyayabang, “'Yon nga eh, sobrang tagal na kaya sobrang komportable na namin sa isa't-isa. Akala nga ng iba magkarelasyon kami dahil do'n, palagi tuloy kaming sinasabihan na bagay kaming dalawa.”

   So? I don't care, bakit kailangan ko pang malaman ang mga bagay na 'yan?

“It's clear naman na kaibigan lang ang turing niyo sa isa't-isa, kaya wala akong dapat ika-selos 'di ba?” Ngumiti ulit ako sa kaniya ng puno ng kaplastikan.

   “Alam mo nga, minsan thankful din ako na kaibigan niya ako. Kasi alam mo? Mark's a playboy, walang tumatagal na babae sa kaniya. Ako lang, ako lang na bestfriend niya. Funny 'no?” Maarte niyang hinawi ang buhok niya at malanding tumawa.

Anong gusto niyang palabasin? Kaya hindi siya pinipili ni Mark na maging girlfriend dahil ayaw ni Mark na mawala siya?

Teka, Paano kung ganoon nga 'yon? Ang relasyon nga namin ay muntik nang matapos ng biglaan, madali lang sinukuan ni Mark dahil lang sa paninira ni Sabrina.

     “Ah, edi good for you. Tinuturing ka siguro talagang matalik na kaibigan ni Mark.”

“Akala ko nga rin noon, pero kasi umamin talaga siy–“ Naputol ang sinasabi niya nang biglang dumating si Mark.

      “Clarisse, umuwi ka na.”

“Bakit? Ayaw mo bang maging honest sa girlfriend mo? Ayaw mo bang malaman niya? Okay lang naman siguro, tapos na naman 'yun.” Clarisse smiled at him.
    
"Ang alin ba?" I asked.

      "Yung tungkol sa—" hindi na naituloy ni Clarisse ang mga sasabihin niya dahil biglang nag-ring ang cellphone ko. Pinatay ko naman kaagad iyon at tumitig sa mata ng babaeng ito.

“Ano bang gusto mong malaman ko, Clarisse?”

     “Mark loves me,” diretsang sabi niya.


"Are you sure?" tinaasan ko siya ng kilay.

      “Clarisse, lasing ka lang.” Mahigpit na hinawakan ni Mark ang braso nito.

"Aray! Ganyan mo ba itrato ang mga bisita nyo dito?"

    “Kung anu-ano na ang mga sinasabi mo oh!” Si Mark.

Pinagmasdan ko ang mga mata ni Mark. His eyes says different, it seems like hurt was drawn on it. Bakit kaya?

    "No Mark, tell her the truth. Mahal mo ko 'di ba?" aniya habang umiiyak. Natahimik si Mark at niyakap na lamang siya upang patahanin.

   
"Sumagot ka!"  Sigaw ni Clarisse at biglang hinalikansi Mark. "Mahal mo ako 'di ba?"

Ang sakit panoorin silang dalawa na ganito ngayon sa harapan ko.

     "I don't love you, I only love you as a friend."

Tumitig naman sa akin si Mark. Bakit ganoon? Bakit parang nagsisinungaling siya sa sinasabi niya na hindi niya gusto si Clarisse?

   "Nagsisinungaling ka lang!"

"Si Chrishelle ang mahal ko, hindi ikaw."

Lalo nalang siyang napa-hagulgol. Ako mismo sa sarili ko gusto ko na ring umiyak pero pinipigilan ko.

   "Sana ako nalang pala si Chrishelle...” She composed herself then left us.

“Mark, bakit hindi mo siya sundan?” I wiped my tears.

     “Bakit ko naman gagawin 'yon?”

       "Kasi diba mahal mo siya?" My voice broke. I bit my lower lip then looked up to stop myself from crying more.


"Chrishelle..."

    “Kahit hindi mo naman sabihin, halata sa kilos mo. 'Yung reaksyon mo nga sa clinic nung nag-collapse siya, alalang-alala ka kaya sa kanya. Halos hindi mo na nga kami napansin nu'n."

"I'm sorry."

    "Alam mo dapat nagagalit ako sa'yo, dapat sinusumbatan kita ngayon kasi pinapaasa mo ako. Pero hindi ko magawa...”

"M-Mahal kita, Chrishelle ."

        "Parang hindi ka naman sigurado sa akin? Parang pinili mo lang naman ako kasi ako 'yung nandito, ako 'yung mas convenient para sa'yo. Ako 'yung pwede mo lang iwan basta-basta..."

Ilang minuto rin kaming nanahimik. He stepped closer then hugged me tight, he even kissed my head then whispered in my ear. “I love you, I'm sorry if you felt that way. I'll promise to be better.”

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon