Chapter 44

10.5K 119 1
                                    

Inikom niya ang kaniyang mga labi at tumango bago ako talikuran, parang may gusto pa siyang sabihin dahil sa mga titig niya pero hindi niya na 'yon itinuloy.

  “B-Bye.” Huminga ako ng malalim at pinanood ang mabagal na paghakbang niya.

  Mukhang lasing pa rin siya. Pipigilan ko ba?

    Tumikhim ako bago magsalita upang humugot ng lakas ng loob. “Don't go.”

Pinaningkitan niya ako ng mata nang humarap siya sa akin. “Ha?”

“I said, don't go,” mahinang sabi ko.

Nagtataka ang tingin niya habang nakakunot ang noo at nakakiling nang bahagya ang ulo.

   “D-Don't go yet, nakainom ka kasi at baka kung ano pang mangyari sa'yo kapag tumuloy ka. Mabuti pa sigurong dito ka na lang muna.”

Kargo pa kasi ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa kaniya habang pabalik siya. Kahit naman maliwanag pa ang paligid ay nakainom pa rin siya kaya mas mabuti nang mag-ingat.

Dito nalang muna siya, baka puwede naman siyang umuwi rin mamaya kapag nahulasan na siya. “Magkape ka muna sa loob.”

   “Ayos lang?” Mukhang nagpipigil siyang ngumiti habang itinatanong iyon. He crossed his arms and I saw how his muscles flexed because of that movement.

Nakasimpleng v-neck shirt lang siya at maong pants pero ang lakas ng dating noon. Matangkad kasi siyang tao at malaki ang katawan, bumagay pa nga ang medyo magulo niyang buhok sa porma niya.

Napakurap ako ng ilang beses at napalunok bago sumagot. “A-Ayos lang ako.”

“Tinatanong ko kung ayos lang sa'yo.”

    “Ayos lang sa akin, ako nga ang nag-alok.” Umirap ako upang pigilan na lumitaw sa expresyon ng mukha ko ang kaba sa aking dibdib.

“Sige na nga, hindi na ako aalis.” Umangat ang isang sulok ng kaniyang labi at dahil doon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

      “Edi umalis ka kung gusto mo, hindi naman kita pinipilit.”

  “Hindi na nga ako aalis, kasi ayaw mo.”

Nagmamagandang loob lang naman ako! “Huwag mo ngang bigyan ng meaning lahat!”

     “Hindi naman ah? Anong meaning ba ang iniisip mo?”

Napasinghap na lamang ako at nauna na nang maglakad pabalik sa villa, narinig ko ang maikling paghalakhak niya bago tawagin ang pangalan ko.

I asked the caretaker to make some coffee for him. Naabutan ko siya roon sa sala na iniinom 'yong kape at inililibot ang mata sa villa.

This villa has a coastal interior and it basically feels like summer every month because of that. My mother went for mixed wood finishes and white walls, there is also a big window that shows the view of the beach outside.

Ang mga kagamitan dito ay local at handmade, mula sa basket at upuan na inukitan ng iba't-ibang detalye.  Sa taas ay may malaking chandelier na maabot kapag nasa second floor nitong villa.

      “Ang ganda,” aniya.

“Si Mama ang nagdesign nito.” Although may mga kaunti namang tulong sa mga interior designers ay halos lahat ng idea ay nanggaling sa kaniya.

    “Ang ganda,” inulit niya lang ang sinabi niya kaya napatingin ako. He smirked at me before sipping coffee from his cup.

Umirap ako upang pagtakpan ang pangiti ko. Mukhang kahit nakalimot siya ay hindi pa rin siya gaanong nagbabago.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon