CHAPTER 7 ✨

19 9 0
                                    

Natapos na ang laro namin sa detention room at 1 oras kaming nandito. Ngayon ay pumasok na kami sa pangatlong subject na science naglalakad kami sa hallway ng biglang magsalita si Kailey. "Oy guys teka 'lang kinakabahan ako." saad ni Kailey at huminto sa paglakad. "Alam mo Kailey wag kang mag-alala nandito naman kami eh gusto mo samahan kapa namin magintroduce sa harap?' saad ni Azaria. " Oo nga insan samahan ka namin sa harap gusto mo?" dagdag pa ni Khyzer. "S-sige tara na baka mapagalitan na naman tayo." saad ni Kailey.

Natatanaw na namin ang susunod na prof namin buti nalang at hindi masyadong masungit itong si Mam De Castro kaya medyo hindi kami kinabahan nila Azaria. Nakita kong napatingin si Mam sa amin at mukhang nagulat siya dahil siguro akala niyang late kami sa pagpasok. "Oh? Ellie,Azaria bakit ngayon lang kayo, at sino itong kasama niyo? Bago lang ba siya?" mahinahong saad ni Mam sabay turo kay Kailey. "Ahm.. Mam hindi po lumipat po siya ng section at kaibigan din po namin siya, pinsan din po ni Khyzer hehe." saad ko. "ah okay sige na, halika na kayo." saad ni Mam sabay pasok sa loob ng room. Pagpasok namin ay nagsalita ulit si Mam De Castro. "Okay class! quiet, Kailey can you introduce yourself to us?" saad ni Mam at ngumiti ng matamis kay Kailey napakabait talaga nito ni Mam eh kahit minsan masungit HAHAHA nakita ko si Kailey na medyo nanginginig kaya binulungan ko siya. "Go Kailey kaya mo yan! Hwaiting! (" You can do it" in korean) " agad namang napatango si Kailey at nabuhayan ng lakas ng loob kaya't pumunta na siya sa gitna at nandito kami sa gilid pero magsasalita na sana si Kailey ng magsalita ulit si Mam. "Oh kayo? Take your seats na." saad ni Mam kaya napatingin si Kailey kay Mam at sa amin sumenyas na lamang si Kailey na okay na daw siya kaya umupo na kami sa aming mga upuan. "Uhm.. Hi Classmates, My name is Kailey Hermioné I'm 17 years old turning this February and I'm half spanish and filipino and I hope that you all be my friends that's all." pagpapakilala ni Kailey sa harap at ngumiti ito. *okay you may now take your seat beside hmm.. there beside Mr. Fleurenxia." saad ni Mam De Castro at tinuro si Brix at si Brix naman ay agad nagtaas ng kamay para madaling makita ni Kailey, paano kasi wala na nga palang bakanteng upuan dito sa tabi namin nila Khyzer kaya medyo nalayo siya ng unti sa amin bali ang naging katabi niya ay si Brix medyo tahimik pa man din yon pero maloko HAHAHA.

Kailey's POV

SHET! Kelangan di ako kabahan nandito na ako sa gitna para magpakilala ngunit magsasalita na sana ko ng inunahan ako ni Mam. "Oh kayo? You may now take your seats na." saad ni Mam kala Azaria kayo sumenyas na lamang sakin si Ellie na uupo na sila at huwag akong kabahan kaya naman tumango na lamang ako at nlakasan ang loob. "Ahm.. Hi Classmates, My name is Kailey Hermioné I'm 17 years old turning 18 this February and I'm half spanish and filipino and I hope that you all be my friends." saad ko at ngumiti sa kanila pero napansin ko na titig na titig sakin yung lalaking nakaupo malapit sa bintana sa pangatlong row kaya nung napatingin ako sa kanya agad siyang umiwas ng tingin kaya ako naman ay medyo nahiya. "okay you may now take your seat beside...' saad ni Mam habang pinag-iisipan din kung saan ako mauupo nakita ko kasing wala ng bakante sa tabi ng inuupuan nila Azaria kaya medyo nalungkot ako pero sana lang talaga mabait yung tatabihan ko. " Hmm.. there beside Mr. Fleurenxia." pagkatapos ituro ni Mam kung sino yung Mr. Fleurenxia na yun nagtaas naman ng kamay yung lalaking yun, siya yung nakatitig sakin kanina at para narin madali kong makita kaya ito ako pumunta nako sa upuang katabi niya. Umupo na ako dito sa harap niya habang siya naman ay may kung anong sinusulat sa kanyang notebook kaya napatingin ako don ng unti. Wow naman galing naman pala netong katabi kong mag drawing pero shete lang ha ang gwapo niya kaso ang tahimik eh hehe nagsimula na si Mam magturo. Ako naman ay naglabas ng notebook dito sa table namin ang itsura kasi nito isang table pero dalawang students ang magsheshare pero hiwalay ng upuan. Nasa kalagitnaan ng discussion ng magtanong na si Mam about sa Photosynthesis. "Okay who knows the meaning of Photosynthesis? anybody in this class?" tanong ni Mam kaya napataas ako ng kamay kahit medyo nahihiya ako, ng makita ni Mam na nakataas ang kamay ko tinawag niya ako at napansin ko ding nakatingin sakin itong lalaking katabi ko. "Okay Kailey, What is Photosynthesis?" tanong ni Mam. At dahil na din sa napag-aralan na namin yang photosynthesis sa section ko before mabuti na lang at naalala kong muli ang ibig sabihin niyan. "Photosynthesis is the process by which green plants and some other organisms use sunlight to synthesize foods from carbon dioxide and water. Photosynthesis in plants generally involves the green pigment chlorophyll and generates oxygen as a byproduct. " mahabang sagot ko. Kaya naman napaWow na lamang si Mam sa kumpletong nairecite ko sa kanya. "Wow, bravo Kailey! Napakagaling mo naman, well I know naman na naituro na sa inyo ito ng science teacher mo diba sa dating section mo?" pagpupuri ni Mam at pagtanong sakin napapalakpak na lang din yung mga kaklase ko dahil nga siguro di nila aakalain na makakasagot ako lalo na sila Azaria. "Opo mam hehe magaling din po kasi magturo yung prof namin katulad niyo kaya mabilis lang po 'ako natuto hehe." saad ko at ngumit kay Mam. "Ah ganun ba, 'thankyou!." saad ni Mam at napatango na din. Umupo nako at nagtuloy tuloy na ang discussion.

Discuss....

Discuss...

Discuss....

Discuss...

At natapos na ang buhay mo char HAHAHAHA. Sa wakas natapos nadin ang discussion and breaktime na namin ngayon bali 30 mins.. lang. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at pumunta na sa gawi ko sila Azaria. "Hoy! *hampas sa braso* HAHAHA dimo samin sinabi na magaling ka pala sa recitation pero 'teka favorite subject mo ba yung science?" tanong ni Azaria. "Ah 'oo haha simula nung bata kasi ako mahilig na akong mag-alam alam ng mga parts ng flowers and other plants at saka mahilig din ako sa flowers lalo na yung rose." mahabang saad ko at nginitian sila Azaria. "Ahhh.. Kaya pala hoy! HAHAHA turuan mo naman ako jusko hirap na hirap ako dyan sa photosynthesis na yan hakdog na utak ire." saad ni Ellie sakin at kunwaring naiinis. "Ehem" pagsingit ni Khyzer. "Andito naman ako para turuan ka bakit papaturo kapa dyan kay kayeng HAHAHA." abat tinawag pakong kayeng nitong mokong nato sinabi ko na sa kanya na huwag na huwag niya kong tatawagin sa nickname ko na yun kabwiset! "Hoy! Wag mo nga ko tawagin ng ganyan sinabi eh! Ang kulit mo! *hampas*" hinampas ko siya ng malakas sa braso at napadaing naman ito tumawa lang si Azaria at ito namang si Ellie ang sumagot. "Edi wow ikaw? Tse! Wala akong matututunan sayong maganda puro kalokohan ka lang naman" saad ni Ellie sabay irap. "Hay nako tama nayan punta na tayo sa cafeteria." sabat ni Azaria.





(A/N: ENJOY READING MGA HAKDOGS!💗)





THE HIDDEN LOVE [ON-GOING]Where stories live. Discover now