CHAPTER 19 ✨

15 2 0
                                    

Bryce's POV

Pagkatapos naming iwan kagabi si Charles sa ospital nila sobrang natawa ako pagdating sa bahay dahil nga hindi maipinta ang kanyang itsura ng sabihin kong iiwan namin siya kay Azaria para bantayan ito hahaha. Hindi ko lang talaga alam kung pagdating mamaya sa University bigla na lang akong upakan non pero sana hindi kasi baka mawalan ako ng talino lakas pa naman mambatok nun eh.

Nagkakape ako dito ngayon sa may kusina namin maaga pa naman eh, at saka baka pag maaga akong pumasok wala pa sila Brix dun kaya nagpasya muna akong magjogging sa labas para makapagpapawis kahit kunti. Nagjojogging pa lang ako dito sa labas ng may biglang sumulpot na itim na sasakyan kaya dahilan upang magulantang ako. Nang tignan ko ang direksyon nito ay parang kahina-hinala na lamang ang pag-andar nito dahil tila humihinto ito na parang may hinahanap na bahay at nakita kong may nakasuot na bonet na itim ang isang lalaki na medyo inilabas unti ang ulo sa bintana at palinga-linga pa, nakapagtataka lang pero bakit kelangan balot na balot pa ang mukha kung nasa sasakyan ka naman? Napaisip na lang din ako na baka naman hinahanap lang nun yung bahay ng kamag-anak nila o di kaya naman kaya nakasuot ng gamun dahil favorite ang kulay? at malamig at nakatodo ang aircon sa loob ng sasakyan? pero kung ganon baka naman maubos na ng todo yung gas nun. Hay nako bahala na nga wag ka ng mag overthink BRYCE baka mamaya malate ka pa.

Nang matapos akong mag-jogging nagpahinga muna ako bago maligo, chinat ko muna si Brix dahil online naman ang mokong.

Brix Fleurenxia is online •

:Hoy gago! HAHAHA
nakabihis kana?

:Oo, baket?

:wala lang😂 nag jogging
kasi ako eh

:sml? HAHAHA jowk

:tss.. TANGINA MO! SAGAD😒

:oy hahah easy lang yang puso mo ikama mo.

:ikalma* kase yon 😂

:ikama amputa😒 ikaw
ikama mo puso mo tsk

:hahaha hoyy nagkamali lang eh,
osya kita na lang tayo sa school😂

:tss.. geh

Seen ✔

Okay sineen na lang ni gago amputa kunware pang matatypo eh sinadya naman tss.. lokoloko talaga. Naligo na ako at sinuot ang aming napakagandang uniform galing talaga ng designer ng unform nito eh parang pang-korean yung style pero hindi talaga yung saktong sakto medyo lang. Nang matapos na akong magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at nagdrive na papuntang heaven --este university HAHAHA.

Pagkababa ko andaming mga matang nakatingin sa akin tignan mo nga naman napakagwapo ko talaga huhhhhhhh. Nagsimula na ding magtilian ang mga babae dito.

"Emegheddd!!!!! Ang gwapo talaga ni Bryce hihi"

"Omggggg! Akin kana lang fafa bryce!"

"Please marry me aaaAck!"

"Bryce anakan mo ko benteeeee aaaAaa"

Kaya naman nakakarindi hay nako alam ko namang gwapo ako at hindi niyo na kailangan pang ipagsigawan yan. Kaya ang ginawa ko ay kinindatan ko ang isang babaeng nakikitili din sa kanila nakita ko namang nagblush siya haha. "Ang cute mo haha." saad ko. "A-ah.. thanky-you." utal ng babaeng kinindatan ko haha actually mukhang hindi naman malandi ang isang to. "Hahaha." pag tawa ko pa. Kaya mas lalong lumakas ang tilian dito sa hallway. Nakita ko na din si Brix na papasok sa entrance dahil napaharap ako dito. "Eyy bro! Hahaha anlakas ng tilian ah." pag ngisi niya. "Syempre gwapo ko kasi eh HAHAHA." sagot ko. "Tss.. hahaha ako kasi yon pumasok lang ako lumakas na tilian." pang-aasar niya pa. "Gago manahimik ka na nga dyan, alam ko kasing matatalo kana kapag patuloy ka pading makikipagtalo sakin." ngisi ko. "Hahahaha osya sige na ikaw na." umaktong suko niya. *sigh* "hoy si Ellie oh nakatingin sayo Hahah." pagkulbit sakin ni Brix. Kaya napatingin ako kung san niya nginunguso ang bibig niya. Lah nakacross arms si Ellie at makataas pa ang kanang kilay sakin anong problema niya? Hmm *smirk* I think she's jealous haha, kaya nag-isip na naman ako ng kalokohan. Tumingin ako sa kanya saglit at ngumisi hahaha. Nilapitan ko ang babaeng kinindatan ko kanina at unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa babae habang ito naman ay paatras ng paatras at biglang nanahimik ang mga students dito, kitang kita ko din sa peripheral vision ko ang reaksyon ni Ellie na parang nanlulumo sa ginagawa ko ngunit pinagpatuloy ko pa din ang ginagawa ko hanggang sa huminto ang mukha ako malapit sa tenga ng babae sabay--- nakita ko si Ellie sa peripheral vision ko na umalis na pero ng mapansin ko yun agad agad kong Inilayo ang mukha ko dito sa babae at inayos ang buhok niya sa likod yung naman talaga ang gagawin ko eh kaso naisipan kong gawin ito dahil nga nakita kong parang nagseselos si Ellie pero napasama yata nasaktan ko yata ang damdamin niya. "Bro! nubang ginagawa mo? tignan mo reaksyon ni Ellie kanina umalis na tuloy psh.. Taena! ka nasaktan mo ata!." alalang sambit ni Brix habang nakatingin sa dinaan ni Ellie."Argh! dapat pala hindi ko na ginawa aish!" saad ko habang hawak ang buhok. "Gago ka kase kung ano anong pinaggagawa mo eh tsk.. tsk.. tsk.." bigong saad ni Brix. "Aish bahala na kakausapin ko na lang siya, magsosorry na lang ako hayss." medyo malungkot na saad ko. "Muntae ka kasi eh umiiral na naman pagkapilyo mo, pero bro wag naman sa babae." saad niya. 'Tss.. Oo na oona ako na mali ikaw na tama, halika na pumasok na tayo sa room baka malate pa tayo." saad ko sa kanya. At sumunod naman siya at nang pagdating namin sa room wala pa si Mam, si Ellie naman nakita kong nakabusangot ang mukha habang nag-uusap sila ni Azaria. Si Khyzer naman napatingin ng masama sakin pero hindi ko na lang pinansin yun at umupo na sa upuan mamaya magsosorry ako sa kanya, ano ba kasi itong pinasok ko aishhhh! *kamot sa ulo* "hoy Bryce,nigagawamo may kuto ka? may kuto ka?" saad ni Kiara. "Hay nako gumawa na naman kasi yan ng kalokohan kaya ganyan." sabi naman ni Brix habang napapailing. "Ahhh kaya HAHAHA yan kase." natatawang saad ni Kiara. Ako naman dito ay hindi na lang nagsalita dahil ayoko na ng mahabang usapan pa. "Hey, Brix! Bryce!" pagtawag sa amin ng kadadating na si Charles. "Hey bro hahaha." pagsalubong ni Brix sa kanya. "Oh? Bat parang nalugi ka yata jan? HAHAH." paabirong saad ni Charles. "Tss.. mamaya ko na sasabihin nakakainis." saad ko sa kanya bwiset kasi eh nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko. Pansin ko namang binulongan ito ni Brix at napatango na lang si Charles sabay tumawa. Pagkatapos nun ay dumating na din ang aming prof sa English.

THE HIDDEN LOVE [ON-GOING]Where stories live. Discover now