Chapter 16

1.6K 39 1
                                    


Kishana Lorie Pov.

Kanina pako nagaantay ng jeep dito , halos magkakalahating oras na may dumadaan namang jeep pero laging puno, sana pala ginagamit ko na ang sasakyan ko para di nako mahirapang magantay ng masasakyan, regalo pa naman yun ni mommy at daddy sakin

Sa wakas makakasakay narin ako , may tumigil kasing jeep maunti lang ang sakay nito , kayat sumakay nako , habang umaandar ito ay di ko mapigilang hindi mapatingin sa dalawang lalaki na para bang nagsesenyasan
Oh!oh! Parang alam ko na ang mangyayari ah

"Holdap to , ilabas nyo lahat ng pera at gamit nyo" sabi nung isang lalaki at yung isa naman ay may hawak na balisong

Grabe naman tong mga mamang to , kahit tirik ang araw di talaga pinatawad, tahimik lang kami habang kinukuha ng mga ito ang gamit ng ibang nasa jeep, pero sorry sila dahil iniwan ko sa opisina ang bag ko at isandaang lang ang dala ko , pamasahe ko lang namn

"Ikaw akin na pera mo" turo nya sakin , kayat ibinigay ko yung isang daan

"Hoyy! Miss wag mo nga kaming pinaglololoko , isang daan sa muka mong yan , muka kang mayaman " sigaw nito sa muka ko , grabe si kuya nagsisipilyo ba to ambaho kasi ng bibig nya

"Eh sa yun lang ang pera ko eh , tsaka kung sisigawan moko ay siguraduhin mo munang mabango yang hininga mo " sigaw ko dito kayat lalo itong nainis

"Pare tama na yan" sabi nung kasama nyang mukang unggoy , habang nakatingin sakin abat anong tinitingin - tingin ng unggoy nato, ngumisi lamang ito at lumapit sakin.....

Ngumisi lamang at lumapit itong mukang unggoy nato

"Miss , ang ganda nang kwinstas mo ah , mukang mamahalin" patay kaya pala kanina sya nakatingin sa leeg ko

" Akin na yan" sabi nito , ngunit umiling lamang ako...

"Ang tapang mo naman para hindi ibigay ang hinihingi namin" sabi nito at pilit na kinukuha sa leeg ko ang kwintas, hindi ko pwedeng ibigay to , kahit natatakot na ko sa mga lalaking ito dahil seryoso na ang mga muka nito

"Pleaseee po kuya , wag nyo pong kunin tong kwintas ko" pakiusap ko dito , dahil mahalaga ang kwintas na ito sa dahil may sentemental value ito , dahil ito ang kauna unahang regalo ni zyro sa akin nung 1st anniversary namin , kayat hindi ko basta basta ibibigay ito

"Wag kanang magmatigas, akin na yan" sabi nung mabahong hiningang lalaki , ngunit tinulak ko sya at pinaghahampas, pero sa kasamaang palad ay may naramdaman akong kumirot sa tagiliran ko , kayat tiningnan ko ito , laking gulat ko na nakatarak dito ang kaninang hawak na balisong ng lalaki sa likod ko,,,,,, sunod sunod na tumulo ang luha ko, shittt dyos ko wag naman nyo po sana akong kunin gusto ko pang makasama si zyro ng matagal sabi ko sa isip ko

"Tingnan natin ang tapang mo" sabi ng lalaking sumaksak sa tagiliran ko at mas lalo pang diniin ang pagkakabaon nito , kayat hindi ko napigilang mapahiyaw sa sakit ,,,, and every things went block.......

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now