Chapter 49

1.1K 32 0
                                    

Kishana Lorie Pov.

"Dapat ako ang maid of honor lorie hah, naku!!! Sinasabi ko sayo , sasabihin ko kay  jiro na ipatigil ang kasal kapag hindi ako ang kinuha mo, tapos sya ang best man" walang tigil talak ni nicky habang namimili ng design ng damit na isusuot nya daig pako, mamaya pa yung sakin

"Ipapatigil talaga!!!?" Ani ko dito

"Syempre " sabi nito sabay irap, kayat binato ko lang ito ng unan na nasa sofa

"Arayyy!! Lorie mapanakit kana ha" nagrereklamong sabi nito habang hinihimas-himas ang braso dahil yun ang tinamaan , tsss daming arte e ang gaan ....gaan lang naman nun e

"E kayo ni kuya , may plano naba?" Ngising asong tanong ko na sya namang ikinapula ng pisngi nito

"Ewan ko .....jusmeee lorie kabago bago pang nagiging kami ng future husband ko tapos kasal agad ang iniisip mo" pagdepensa nito

"Sus , pero pag niyaya ka ,papayag agad.....wag ako nicky kilala kita easy to get ka pagdating kay kuya" biro ko dito sabay dila

"Syempre, kung magtatanong sya papayag ako , sayang naman ang lahi kung hindi mapaparami divaaaaa.....landi ko no?" Sabi nito sabay halakhak

"Ngayon mo lang nalaman" pang-aasar ko dito

"Hindi matagal ko ng alam simula nang magkagusto ako sa future husband ko,....."pagtataray nito,.....hayss wala talaga akong laban sa bibig nito ,hindi magpapatalo , ano kayang magiging buhay nila ni kuya pagdating ng panahon .....natatawa nalang ako kapag naiisip kong araw-araw binubunga-ngaan ni nicky ang mainitin ang ulo kong kuya ..hahahah....
.
.
.
.
.
.

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now