Chapter 36

1.1K 28 0
                                    

"Busog na busog ako" ani ni nicky sabay himas ng tyan

"Oo busog na busog ka nga e mas marami ka pang nakain kaysa sakin "

"Syempre libre kaya nilubos-lubos ko na sayang naman minsan lang yun"

"Tara na , umuwi na tayo" pag-aaya ko

"Ano bang oras na?" Tanong nito kayat tiningnan ko ang relo ko laking gulat ko nang makita kung anong oras na

"Pasado alas otso na , patay tayo nito nicky" kinakabahang sabi ko

"Talagang patay , nakuuuu! Mapapahiya na naman ako nito sa future husband ko" inirapan ko nalang ito dahil sa kaartehan , kinakabahan na nga ako tapos sya yun padin ang iniisip

"Lika na nga nakakahiya , pinag hintay natin nang matala yung mga body guard" sabi sabay higit sa kanya

--------
Habang nasa byahe  kami ay may biglang humarang na sasakyan namin at nakita kong lumabas ang mga  armadong lalaki may hawak na mga baril

"Nicky anong nangyayari?!"kinakabahan kong tanong

"Hindi ko alam lorie " nanginginig na sagot nito

"Mam ano man pong mangyari wag na wag po kayong lalabas" paalala ng isa sa mga tauhan namin at nagkasa ng baril at lumabas ng sasakyan, narinig nalang namin ang sunodz-sunod na putukan

"Nicky natatakot ako, tatawagan ko si zyro" sabi sabay kuha ng cellphone pero laglag ang balikat na ibinalik ko ito dahil hindi ko pala naicharge ,,,,,,,yung kay nicky naman ay naiwan nya sa pagmamadali, nagulat nalang kami ng may bumasag sa bintana ng sasakyan, at binuksan ito kayat napasigaw kami ni nicky

"Tulong!!!!!"naiiyak na sigaw ko, pero hinila lang kami nang mga ito , nagpupumiglas ako nang isakay kami nito sa kanilang sasakyan

"Ano bang kailangan nyo samin? Pakawalan nyo kami!" Sigaw ko dito

"Pakakawalan lang namin kayo kapag sumunod sa ipapagawa namin ang kapatid mo at ang syota mo" sabi ng mga ito sabay tawa

"Mga hayop kayo, pakawalan nyo kami" sigw ko parin sa mga ito

"Ang ingay mo , tumahimik ka muna" sabi ng isa sa mga ito at may panyong ipinaamoy sa akin ,hanggang  unti-unting bumigat ang mga talukap ng mga mata ko........

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now