✧ 023

344 28 4
                                    

7:17 am

Junghwan
INHOOOOOOOOOOONGGGGG

Junghwan
SABAY TAYOOOOOOOOOOOO

Lee Inhong is active now

Inhong
hindi kayo sabay ng bestfriend mo?

Junghwan
eh? kasabay naman kita ah

Inhong
akala ko ba dalawa kaming best
friend mo

Junghwan
aY OO NGA PALA AHAHAHAHAHA

Junghwan
si areumi? palaging nauuna 'yon
sakin, ang aga kasi magising

Inhong
ah, ok sige

Inhong
daanan na lang kita diyan sa
tapat niyo

Junghwan
okayyyyy

INHONG'S

Naglalakad na ako ngayon papunta kayna Junghwan, sana sabay ulit kaming dalawa mamaya pauwi.

Ayos lang kahit kasama pa din si Areumi, kaibigan siya ni Junghwan kaya gusto ko ding makipag-kaibigan sa kanya.

Babayaran ko na din yung utang ko don mamaya para hindi niya na ako sinasamaan palagi ng tingin.

Malapit na ako sa bahay nina Junghwan, kaso napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong presensya ng babae sa harap nila.

Nakatayo lang siya doon.. Parang naghihintay.

Areumi?

Akala ko ba hindi sila sabay pag papasok?

Tatawagin ko na sana siya pero agad din siyang tumakbo papaalis ng makarinig ng ingay mula sa loob.

Hindi nagtagal ay bumukas ang gate nina Junghwan at lumabas siya mula doon. Agad niya akong napansin at ningitian. Ngumiti na lang ako pabalik at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanya.

Hindi ko maiwasang tumingin sa malayo, hinahanap ko si Areumi.

Bakit parang nagtatago siya kay Junghwan? Pwede naman siyang sumabay sa amin kung gusto niya ah.

Weird.

sorry kung ang daming narrations AHAHAHA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

sorry kung ang daming narrations AHAHAHA

LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon